Friday, April 3, 2009

HAPI BERTDI TITO IDO!!!



Dahil bukas ay kaarawan mo,
Mayron kaming handog para sa’yo
Aming mga ilong ay halos dinugo
Sa pagbuo ng tulang babagay sayo

So heto ang aming munting regalo
Koleksyon ng tula, pinag-isipang totoo
Iba’t-ibang tema ng mga ito
Pero sa iisa naman patungo…

Na ang PB ay proud at nagmamahal sa’yo!
Salamat sa blog, entertainment at anunsyo
Ang PB nagkakaisa kahit malalayo!

Mula Nova, Las Pinas, Santan, at kumbento ng Cagayan de Oro
Kasama ang Singapore, J’pan, Canada at ‘yung nasa barko..

Sabay-sabay na sigaw,
Hapi Berti Tito Ido!!!

(Enjoy the video)

30 comments:

  1. Hindi nakaabot sa youtube video na ginawa ni tita cheche... eto ang maing handog sa iyo tito ido!!!

    SINO SI DARWIN?!?

    Dedikasyon nya sa trabaho ay hindi matatawaran. Biruin mo hanggang bahay naka amerikana at nakikipag usap online. San ka pa?

    Abilidad niya ay aking hinahangaan. Sa kadahilanang ang isang bagay o sitwasyon na komplikado ay nagiging simple pag siya na ang nagpaliwanag.

    Raketa ng tennis ang isa sa mga makikita mong gamit ni Tito Ido dahil ito ay isa sa mga paborito niyang isports.

    Walang humpay sa pang-aasar. Isa sa hindi mawawala pag okasyon ng Pamilya Banal ay pang-aasar, at si Tito Ido ang isa sa mga yun. Hahaha!

    Ido ang tawag ng first at second gen sakanya, Tito Ido naman ang para sa third gen at Lolo Ido ang para sa fourth gen. Si Tito Ido ay isa sa mga modelo na dapat tularan ng mga PB dahil sa kanyang aking kabutihang loob. Naks naman!

    Nais ko po kayo batiin ng Maligayang Kaarawan!... Salamat po sa gabay at walang humpay na pangangaral po sa amin. Hiling ko po’y mabuting pangangatawan at masayang pamumuhay para iyo po Tito Ido.

    ---Aix and Kriza Mesina

    ReplyDelete
  2. Hindi nakaabot sa youtube video na ginawa ni tita cheche... eto ang maing handog sa iyo tito ido!!!

    SINO SI DARWIN?!?

    Dedikasyon nya sa trabaho ay hindi matatawaran. Biruin mo hanggang bahay naka amerikana at nakikipag usap online. San ka pa?

    Abilidad niya ay aking hinahangaan. Sa kadahilanang ang isang bagay o sitwasyon na komplikado ay nagiging simple pag siya na ang nagpaliwanag.

    Raketa ng tennis ang isa sa mga makikita mong gamit ni Tito Ido dahil ito ay isa sa mga paborito niyang isports.

    Walang humpay sa pang-aasar. Isa sa hindi mawawala pag okasyon ng Pamilya Banal ay pang-aasar, at si Tito Ido ang isa sa mga yun. Hahaha!

    Ido ang tawag ng first at second gen sakanya, Tito Ido naman ang para sa third gen at Lolo Ido ang para sa fourth gen. Si Tito Ido ay isa sa mga modelo na dapat tularan ng mga PB dahil sa kanyang aking kabutihang loob. Naks naman!

    Nais ko po kayo batiin ng Maligayang Kaarawan!... Salamat po sa gabay at walang humpay na pangangaral po sa amin. Hiling ko po’y mabuting pangangatawan at masayang pamumuhay para iyo po Tito Ido.

    ---Aix and Kriza Mesina

    ReplyDelete
  3. Tito Ido hindi din po unabot ito sa youtube ni tita cheche pero hindi naman huli sa iyong birthday...sana iyo itong magustuhan! hahaha

    - UNTITLED –

    Sino nga ba si Tito Ido?

    Shorts niya ay Speedo
    Sapatos niya ay Aldo
    Yale ang pinagkakatiwalaang kandado
    Sa kanyang kotse, gulong ay nikelado.
    Kanyang paboritong pagkain ay Igado, Sarsyado, at Menudo
    Sa cartoons ay si Fido Dido.
    Idolong komedyante niya ay si Tado
    Sa child star naman ay si Baldo.
    Kahit sa kantahan siya ay sintunado
    Ligaya ang kanyang hatid sa buong mundo.


    Bakit dapat hangaan si Tito Ido?

    Sa kanyang magulang siya ay hindi bastardo
    Sa katunayan si Lola Maam ay suportadong-suportado.
    Sa mga problemang kumplikado
    Siya ay kalmado ngunit kargado
    Ginagamit niya ay kumon sintido.
    Kahit kung minsan siya ay kabado
    Buo ang kanyang loob parang bandido
    Bigay todo gaya ni Commando
    Kung gumawa ay pulido.
    Sa asaran naman lagi siyang ganado
    Laging handa bawat Segundo
    Kaya sila Tito at Tita madalas barado.

    KAYA NGAYONG SABADO…

    HAPPY BIRTHDAY TITO IDO!!!


    Richard Kevin E. Mesina

    ReplyDelete
  4. Tito Ido hindi din po unabot ito sa youtube ni tita cheche pero hindi naman huli sa iyong birthday...sana iyo itong magustuhan! hahaha

    - UNTITLED –

    Sino nga ba si Tito Ido?

    Shorts niya ay Speedo
    Sapatos niya ay Aldo
    Yale ang pinagkakatiwalaang kandado
    Sa kanyang kotse, gulong ay nikelado.
    Kanyang paboritong pagkain ay Igado, Sarsyado, at Menudo
    Sa cartoons ay si Fido Dido.
    Idolong komedyante niya ay si Tado
    Sa child star naman ay si Baldo.
    Kahit sa kantahan siya ay sintunado
    Ligaya ang kanyang hatid sa buong mundo.


    Bakit dapat hangaan si Tito Ido?

    Sa kanyang magulang siya ay hindi bastardo
    Sa katunayan si Lola Maam ay suportadong-suportado.
    Sa mga problemang kumplikado
    Siya ay kalmado ngunit kargado
    Ginagamit niya ay kumon sintido.
    Kahit kung minsan siya ay kabado
    Buo ang kanyang loob parang bandido
    Bigay todo gaya ni Commando
    Kung gumawa ay pulido.
    Sa asaran naman lagi siyang ganado
    Laging handa bawat Segundo
    Kaya sila Tito at Tita madalas barado.

    KAYA NGAYONG SABADO…

    HAPPY BIRTHDAY TITO IDO!!!


    Richard Kevin E. Mesina

    ReplyDelete
  5. Wow galing mo na tlga sa comtech che!!

    Partida sobrang busy pa nyan ha d b exams nyo jan sa NUS?

    Che d ko makilala ung lalaking mataba sa huli ng video, cino un????

    ReplyDelete
  6. haha! maraming salamat kay Tita Che-Che na umeffort ng video at inupload pa sa Youtube!

    Maraming salamat din sa mga nagpakahirap gumawa ng mga tula. Thanks! mahusay at magaganda. Salamat din sa mga tumula dito sa comments. Thanks! mahusay also!

    ReplyDelete
  7. Maligayang kaarawan Tito Ido / Sir Darwin...nax sir darwin...hahaha... blowout naman... =)

    ReplyDelete
  8. evot, tumula ka muna bago i-blowout ka na tito ido, he he he.

    hapi berdi tito ido!

    Ingat!

    ReplyDelete
  9. Happy Birthday cousin!
    Alam ko naman always Happy ka sa Birthday mo!

    ReplyDelete
  10. HAPPY BIRTHDAY IDO , KELAN KA MAG
    "I DO " ?

    ReplyDelete
  11. Haay naku, Tito Ido
    Sobrang hirap naman ito.
    Alam mo namang utak ko,
    'Di sanay sa ganito.
    "Di lang ilong ko ang dumugo,
    Pati utak ko ay natuyo.
    Ngunit dahil berti mo ngayon,
    Pinilit kong makabuo,
    Ng tulang ewan ko kung ano.
    Ayoko na po!sobrang hirap na utak ko! Hapi bertdey na lang po!

    Karen po....

    ReplyDelete
  12. Napansin ko na mas maganda kung patula ang paraan ng pagbati sa ating may kaarawan kaya naman gumawa rin ako ng tula para sa iyo Ido.

    ******************************************************************
    Sa iyo aking pinsan, sa araw ng iyong Karawan,
    Mayroon akong tulang inilaan,
    Pinag-isipan ko ng mainam,
    Nawa'y iyong magustuhan.

    Isa kang nilalang na "Extra-Ordinaryo",
    Bata ka palang alam kong ikaw ay magiging "BIBO",
    Lalo na noong maliliit pa kayo,
    At pinasisigaw ng "Totoy Bato".

    Hindi ka nga gaanong "Kagwapuhan",
    Ngunit sa "Katalinuhan" ay nakabawi ka naman,
    Na alam kong kinaiingitan ng ating mga pinsan,
    Maligayang Kaarawan mahal naming Pinsan!

    ReplyDelete
  13. Jim, nasan tula mo? hindi ka papakapehin ni Ido. Si Karen at Boyet ayos na.

    ReplyDelete
  14. Hahahahaa kakatawa ang tula ni Karen!!!!

    Sorry sorry Kevin, Kriza, Ayks, di ko nahabol, kasi exams / teach ako ng Friday til evening so had to finish and upload sa youtube agad Friday early morning.

    Hapi bday kuya!!! Saka ko na sisingilin ang libre ko ha :-)

    ReplyDelete
  15. Ako'y bilib Che sa'yong ginawa,
    Mga tinipong tula, anong kay ganda.
    Mga ka-PBng pagbati hanggang ngayon ay wala pa,
    Mag isep-isep ka,Hoy! gumawa ka na.
    Jim, gising na, baka sa kapehan maiwan ka.

    Hapi bertdi ulit, DO-I!

    ReplyDelete
  16. Tito Ido my idolo,
    Kahit ikaw ay alaskado,
    Di ko makuhang magtampo,
    Dahil saludo ako sayo!

    Hapi bertdey Tito Ido!

    ReplyDelete
  17. Wow Det ang galing mo nang gumawa ng tula ah!

    Ano massabi mo sa tula ni Egay? Magpinsan nga 'no parehong BANGMAYA ha ha!

    Napansin ko lang puro kayo papuri mga sipsip! Bakit d nyo okrayin???

    ReplyDelete
  18. Ido ang palayaw niya hindi malaman kung saan nakuha

    Siya ang taong hindi mo maiikumpara kahit sino man sa pamilya

    Napaka-husay sa lahat ng bagay at isama na sa mga kalokohan pa

    Hindi man mapagkakaila ang narating niya sa buhay niya

    Halos lahat na nasa kanya mag-asawa na lang ang kulang pa

    Sana’y magpatuloy pa ang grasya na dumarating sa buhay nya

    Ngayon na kaarawan mo sana ay maging Masaya ka

    Binabati ka namin ni Evot ng Maligayang Kaarawan

    Huwag mo sana kaming kalimutan na biyayaan

    Nagmamahal ng lubusan,
    Charisse&Evot

    ReplyDelete
  19. si tito ido, aming idolo
    sa kumpanya, maraming tao cya ay idolo
    sa PB, cya ay idolong idolo
    at sa 4th generation, cya ay lolo.

    cya ay taong talentado
    punong puno ng talento
    taong matalinong matalino
    maligayang bati tito ido

    ReplyDelete
  20. I - Idolo ng PB
    D - Da best sa
    O - Okrayan

    Maligayang Kaarawan!

    ReplyDelete
  21. Okrayin na daw!!!Here you go...

    Isang taong walang ginawa kundi magpatawa

    Basta sa kalokohan numero una siya

    Maghanda na ang bawat isa sa hirit niya

    Dahil siguradong sa alaskahan walang makakatalo sa kanya

    Pero kahit na ganun siya maligaya ang pamilya

    Dahil lahat ay napapasaya niya

    Kung sa bagay ay seryoso siya sa trabaho niya

    Kaya dapat lang na makulit at nasa loob ang kulo niya

    Para balance ang buhay niya

    Dahil kung lage siya seryoso aba’y

    Baka maging si Albert Einstein na siya

    Ako’y hihinto na dahil wala ng masabi pa

    Sana ay magustuhan mo ang munting tula

    Maligayang Kaarawan Tito Ido!!!

    ReplyDelete
  22. Aba, okey na si Evot, kasama na sa kapihan, pati si charise, 2 pa ang tula, very good. Si Jim na lang hindi makakasama.

    Teka, puro tayo tula, hintayin muna natin yayain tayo ni Ido magkape di ba! Ako ay very available (si Ia nasa Japan), kahit saang kapihan pwede ako, kahit sa Baguio pa!

    ReplyDelete
  23. ok magkape habang nagpopoker...hahaha...

    ReplyDelete
  24. Ang Aming Tito Ido


    Maligayang kaarawan sa iyo Tito Ido
    Sa araw na ito, Abril akuatro,
    Bagama’t di nabanggit taga Binan sa tulang para syo
    Kami’y lubos na nagmamahal at bumabati sa iyo.

    Kahit magkapitbahay bihirang mapansin
    Ngunit pag dumaan ang kotseng itim,
    Di maiwasan ang mapatingin
    Pagkat ubod kintab pati na salamin.

    Di maiwasang maisip kung may salo-salo,
    Meron man o wala ay oki lang Tito Ido,
    Ang mahalaga ay mabati ka
    Ng Happy Birthday to you.

    ReplyDelete
  25. aking ninong, aking tito,
    akoy nandito para bumati sayo.
    sa ika trentay sais na idad mo,
    gwapong gwapong katulad ko.

    sa galing mo at talino,
    ikaw ang aking iniidolo.
    kaya naman sa pag laki ko,
    ikaw ang gagayahin ko.

    kayat sa araw na ito,
    alam kong napakasaya mo.
    dahil mula apari hangang hulo,
    kami ay bumabati sayo.


    -raprap

    ReplyDelete
  26. Gandang gabi po,ninong kong bibo
    Bakit naman pinauso,patulang pagbati sayo.
    Kay hirap umimbento,pinangarap hindi ito.
    O,ninong kong gwapo,
    Ikaw sana'y magaya ko,kahit lang kapiraso
    Nang makarating din ako,sa iba't ibang parte ng mundo.
    At bago matapos ang araw na ito,maligayang kaarawan,pagbati ko sayo.

    ReplyDelete
  27. Marahil ay nasabi na nila,
    lahat ng pambobola.
    Lahat ay napakagaganda,
    mga tulang inalay nila.

    Kayat akoy di na magpapaligoyligoy pa,
    babatiin na kita.
    Maligayang karaawan,
    nang di na mahirapan pa.

    Sa panlasa mo sana ito ay tumugma,
    isa kang bihasa sa larangan ng pagtula.
    Sakali mang kinulang pa, ikaw na ang bahala.
    Sa munti kong tulang katha,
    sa puso ko nagmula...

    (yan ang di bola)hehehe.

    [o][n][e]

    ReplyDelete
  28. Akoy tutula mahabang mahaba
    akoy uupo tapos sa po.

    Happy Birthday Tito Ido.

    ReplyDelete
  29. nice! ang babangis naman ng mga tula. maraming salamat ulit! sabi nga tita edith: e muntik na siyang mapaluha dahil sa sobrang gaganda ng mga tula. at sobrang talented ng mga PB!

    maraming salamat ulit

    ReplyDelete