Sobrang haba ng pila sa bangko nung isang araw. So habang naghihintay nag-pa-explain na lang ako ng kung anu-ano sa kanilang customer service.
1) TIME DEPOSIT
- Malamang pamilyar na kayo dito. Sikat kasi ito sa Pilipinas at sa US din. Almost risk-free, kasi insured ng gobyerno ang pera.
- Simple pa, i-deposit ang pera at huwag galawin tapos kikita ng interest
- Kaso medyo mababa talaga ang makukuhang pera
- Example: Kung mag time-deposit ka ng 100,000 for 3 months sa BPI (using yung rates sa ibaba)
- 100,000 x 2.125. Kikita ka ng 2,125. So ang baba talaga. Pero kung di naman gagamitin ang pera, OK na rin yan kesa wala.
- Ngapala, taxable pa po yan ha =).
2. SPECIAL TIME DEPOSIT (HIGH-YIELD)
Maraming bangko ang meron namang Special Time Deposit. Mas malaki ang kikitahin, iyon lang naka-pako ang pera mo.
- Kelangan nakapako ang pera mo ng 5 years. Pero kumikita ito ng pera buwan-buwan.
- Example galing naman sa UCPB: P100,000 with 4.625% interest rate
- Dito, kikita ang pera mo ng P385 buwan-buwan. Remember, di mo puwede galawin ang deposit mo.
- Kung meron kang 300,000 ang kita buwan-buwan at 4.875% ay 1,200 per month
- Kung 500,000, ang kita buwan-buwan ay 2,106 per month. Net po ito ng tax ha.
- Kung 1 Million, e magiging 4,200 pesos per month
Ayan kung may extrang pera, at di kelangan galawin ng 5 years. Puwede ito.
Naisip ko rin dito, grabe pala talaga yung mga sobra-sobrang mayayaman. Kasi kung meron silang 50M, e di 210,000 na yun per month. wow di na kelangan pang magtrabaho.
****************
Ang dami pa palang arrangements na puwedeng gawin sa bangko. Mga dating di pinapansin. At di rin kelangang magsimula ng malaking halaga. Iyong time deposit nga puwedeng 5,000 e.
Di ba yung 2.125% sa BPI, per annum yun?
ReplyDeleteAnd ile-less pa sa 2.125% per annum yung withholding tax?