Ang pangunahing pinagmulan ng evolution theory ni Charles Darwin ay ang akda niyang Origin of Species. Mula sa ilang dekadang pagsaliksik, matagumpay na dinokumento at inanalisa ang kasaysayan hindi lamang ng ebolusyon ng tao kung hindi ng mundo.
Una, pinasinungalingan nito ang edad ng mundo ayon sa Bibliya. Bilyong taon na ang mundo ayon sa pag-aaral ni Darwin. Inaral niya ang uri ng mga batong na-deposito sa ilalim ng dagat. Sa paggamit ng Carbon Dating, matagumpay nyang na-compute kung gaano katanda na ang mundo. Ayon sa kanyang pagsusuri, hindi rin sabay-sabay ang paglabas ng lahat ng species sa mundo.
Matinding pagtuligsa ang ginawa ng simbahan sa akda na ito ni Darwin. Ayon kasi sa Bibliya, ang mundo ay ilang milyong taon pa lang. Na-compute ito mula sa pagsasalin-lahi ng tao mula kay Eva at Adan hanggang sa kasalukuyang panahon. Di ito tumugma sa kalkulasyon ni Darwin base sa sedementary deposits ng uri ng lupa sa tulong ng Carbon Dating. Kaya nga ang mga siyentipiko at mga naniniwala kay Darwin ay hindi rin naniniwala sa impormasyon sa Bibliya.
Pangalawa, ang Theory of Evolution ni Charles Darwin ay sumusuporta sa Big Bang Theory. Ayon sa kanyang pagsasaliksik, ang mga species ng hayop at ang mga uri ng sedementary deposits ay sumusuporta sa unti-unting pagkabuo ng mundo at hindi lang nagmula sa isang source o nilalang. Ito nga ang naging dahilan kung bakit ang paniniwala sa paglikha ng mundo ay mahahati sa: Evolutionists at Creationists. meron bang diyos na gumawa ng mundo? O ang mundo ba ay nanggaling sa isang Big Bang, unti-unting paglikha ng mundo mula sa simpleng molekyula lamang?
Ayon sa mga naniniwala kay Darwin, kung totoo ngang ang diyos ang lumikha ng mundo, bakit mali ang tala ng panahon sa bibliya? Di ito tumutugma sa ebidensiya ng mga fossils at sediments. Pangalawa, kung totoong diyos ang lumikha ng langit, lupa, tao at hayop, bakit merong katibayan siyang nalakap na ang mga hayop ay nagbabagong anyo sa takbo ng panahon? Maraming mga hayop ang nagpalit ng anyo dahil sa pagbagay sa klima at kapaligiran. Di kaya ito ang katibayan na wala talagang lumikha? Ang mga hayop, halaman at tao ay nag-evolve at patuloy pang nag-e-evolve.
*****************************
Ngayon, i-apply naman natin ang Darwin's Theory of Evolution bilang bahagi ng Recycle Series. Ang ating unang biktima, este 'specimen' ay ang no.1 taga-COMMENT ng PB Blog for 2 weeks - si Kuya Evot.
1990. Nagsimula siya sa gilid lang ng telon. Wala pang 'speaking part', EXTRA kung baga. Katulad ni Kuya Germs, taga hawak ng kurtina.
Makalipas ang 5 taon. Unti-unti na syang nabibigyan ng break. Aba! INFERNESS, may ROLE na siya...bilang TASA!
Noong 2002, tumanggap pa rin siya ng mga teeny-bopper role. Kung saan ay pa-TWEETUMS at pa-CUTE, bilang DANCING SUNDALO ng VILLAGE PEOPLE.
Ilang taon ang lumipas, naging DARING/MAPUSOK na siya at gumanap bilang FELIX BAKAT. Katulad ni Philip Salvador, Rio Locsin at Lorna Tolentino, ginamit lang pala niya ang pagiging DARING as "stepping stone", "For the sake of art". Sapagkat
Ilang taon lamang ang lumipas...Best Actor na siya ng 2007! Isang lehitimong aktor na siya.
Iyan ang Pamilya Banal Ebolusyon ni Kuya Evot. Ang totoo, nanghihingi lang ng pics si Charisse para sa Video na gagawin nila, haha.
Iyan ang Pamilya Banal Ebolusyon ni Kuya Evot. Ang totoo, nanghihingi lang ng pics si Charisse para sa Video na gagawin nila, haha.
*************************************
Sa Pamilya Banal, talagang may EVOLUTION ang performance ng tao. Nagiging Star, gumagaling, tumatatak ang performance. Abangan...sino kaya ang susunod na e-evolution natin...ta da da dan.
2 comments:
Tnx tito ido. Bait-bait nyo talaga...hehehe...
d ko alam meron ang mhahanap na pwdeng reviewer sa humanities test ko sa monday.. hahah Darwin's theory of evolution.! wow lang huh! hahaha
Post a Comment