Thursday, December 24, 2009

25 or not 25

Sa unang beses sa kasaysayan ng PB Christmas, ginawa natin ito hindi December 25.  Sa mga susunod na taon, mas gusto mo ba ang PB Christmas sa 25 or hindi sa 25?

Hmmm.  I think it is just a matter of opinion di ba?  Meron kasing advantages at disadvantages, syempre.  Tignan natin ha.

Pag hindi Dec 25
+ Syempre puwede ka pang tumanggap ng bisita sa bahay sa Dec 25
+ Dadami ang araw mong mas relaxed
+ Mas madali kumuha ng caterer, madaling umorder ng food
- Distractions possibly.  May trabaho o school pa bukas, di pa tapos ang trabaho etc.
- Problema pa ang gagawin mo sa Dec 25
- Before Dec 25, parang sobrang busy ang mga tao hirap mag-prepare.  Hirap para sa committee

Pag Dec 25
+ The spirit of Christmas
+ Walang pasok kahapon, malamang walang pasok bukas
+ Konti ang traffic sa daan
- Sa kaka-prepare sa party, wala ng time sa araw ng Pasko.
- Wala kang time sa ibang bisita
- Pagod na Pagod ka sa araw ng Pasko


Ano sa palagay nyo?

3 comments:

jim said...

Pabor ako na hindi Dec 25 ang
PB x mas party, relax ako pag araw ng Pasko.
MERRY CHRISTMAS TO ALL !!!
special mention to Charisse.
(ok lang sakin kahit lumang
I PHONE)

yet said...

Pabor din ako na di Dec 25 ang PB Christmas Party katulad ngayon parang nananamnam ko talaga ang Pasko. Pabasa-basa na lang ng book at panuod-nuod ng TV. Usually, nagmamadalian kapag Dec 24 ang mga PB.

Kapag Dec 25 na, pwede ka ring magsimba, magmalling, magmovie, magStar City, Enchanted, SMOA at magpunta sa mga bahay ng kapatid mo kung nagtatago ka sa mga inaanak mo.

Charisse said...

Merry Xmas to all!!! Sana po andyan me para masaya lalo Xmas ko. Sayang first time ko pa naman sana magpapila, gusto ko lang maexperience ang feeling...hehehe...Kaso parang ngpapila na din me eh kasi sabi Evot kahit daw wala dyan kailngan mgbigay...Kaya di rin nakaligtas ako.haha. I hope all of you will enjoy your holidays!!!

Tyka pala Papa yung iphone eh next year pa kasi po d pko makakauwi eh. hehe. Cash na lang muna. Merry Xmas po sa inyo ni Mama.