Wala kasi akong makitang study ng mga common phobia sa Pilipinas. So ang data sa baba ay galing sa US. Pero interesting, dahil sa tingin parang parehas lang naman ata. Mukhang ang takot o phobia ay isang bagay na universal o may pagkaka-pare-pareho sa buong mundo.
Tignan natin ang Top 10 Phobias at ang mga ibig sabihin nito:
10. Necrophobia o Takot sa Patay, Takot mamatay at mga bagay na may kinalaman sa patay
- Di na kelangang i-explain ito. Marami ata sa atin ang meron nito. Kayo?
9. Brontophobia/Astraphobia o Takot sa Kulog at Kidlat
- Alam ko lang sa PB na meron nitong mild version ay si Ditse. At iyong talagang full version naman ay si Lolipot. Totoo po yan, tanong nyo siya.
8. Carcinophobia o Takot sa Cancer o Takot sa Sakit
- Pare rin kase itong Hypochondria o iyon bang iniisip mo na lagi kay may sakit, o laging may sakit ang ibang tao. Paduktor-ng paduktor, maski minsan di naman kelangan.
- pero sabagay kakatakot naman magka-cancer
7. Emetophobi o Takot mag-suka o masuka
- Marami sa PB ang nasusuka, pero ewan kung sino ang takot masuka
6. Agoraphobia
- Mahirap i-explain sa Tagalog, pero ito iyong takot sa isang lugar na walang exit o mahirap umexit (where escape might be difficult).
- Pero maraming Pinoy ang ganito, iyong hinahanap kaagad ang fire exit sa isang lugar
5. Claustrophobia o Takot sa small spaces, sa masikip na lugar
- Meron ba nito sa PB. Minsan may nakasabay ako sa eroplano na babaeng meron nito. Nakakaawa nga e, kasi gusto niyo ibukas lagi ang bintana, e pinapasara ng stewardess, inexplain na lang niya, dahil takot na takot talaga siya
4. Acrophobia o Fear of Heights o Takot sa matataas na lugar ex. roller coasters, taas ng building
- Interesting dito e majority sa mga takot sa heights e mga lalaki.
3. Aerophobia o Fear of Flying o Takot sumakay sa Eroplano
- Hmmmm. Meron bang ganito sa PB? Feeling ko lahat sa PB gustong mag-biyahe
2. Glossophobia/Social Phobia - takot sa Public Speaking
- Ang Glossophobia ay takot magsalita sa harap ng maraming tao
- Iyong ibang Social Phobia naman ay merong takot na kumanta, sumayaw o mag-perform sa harap ng maraming tao
- Hmm. meron akong kilala sa PB nito pero di ko na lang sasabihin kung sino
- Sa buong mundo, tinatayang merong 300 Milyong tao ang takot magsalita sa harap ng maraming tao
1. Arachnophobia/Insectophobia
- Takot sa mga Insekto at mga Gagamba.
- Tinatayang 50% ng mga babae ay merong ganitong takot. At 10% naman sa mga lalaki.
- Sino sa inyo ang takot sa isip
6 comments:
Ako sobra takot sa butiki at ahas!..and anything else na kamukha.. herpetophobia? (fear of reptiles)
I notice na madaming Pilipina ang takot sa ahas. Dahil kaya sa komiks at TV na kontrabida ang ahas? Kasi I notice na may ibang lahi na di sila masyado takot at willing silang maghimas himas kahit malaking ahas...they even admire the colors :S
Si kuya takot sa palaka ;) anong tawag sa phobia na yun?
haha, oo nga si kuya takot sa palaka, si siony takot din sa butiki gaya ni Che.
eto hulaan nyo: ano pag ADS?
hint: takot sa a_a_a
asawa
Aq ay my clausthrophobia takot sa masisikp at mddilim na lugar,,i dont know if where might have been but lumbas lang ito nong ng community service kami,we interview the people of that plce and i notice nd n aq mkhinga and sa sobrng dilim prang mauubusan ng hangin ung baga q naisip q lumbas n lng but sa dmi ng tao i cnt,,and im thnkfull that my 1 clssm8 here of that plce and inalalayan nya aq para mklbas kc sobrang nghhina n aq and i dont know what to do?
Same po tayo. Minsan ako pagsasakay ng elevator sa isip isip ko nag hhysterical na at gustong gusto ns lumabas. Ang hirap lang kase parang mauubusan ka ng hangin kapag masikip
Ano po tawag sa takot sa palaka at paano po maiiwasan o maaalis yung takot sa palaka?
Post a Comment