Pag tinanong nyo ang mga kaklase ko nung College, sasabihin nila ako ay walang kibo at sobrang tahimik. Iyong asa isang sulok lang, tapos di nagsasalita. Sasabihin din nilang Mahiyaing Pusa rin ako. =). Wala talagang problema sa pagiging mahiyain at di pasalita. Sabi nga ni Tita Yet, minsan may pinagdaraanan lang. Minsan, ayaw mo lang magsalita, ayaw ng ingay.
May mga taong Likas na Tahimik, marami nga sa PB ang ganun. Walang problema, ayos na ayos yun. Kung lahat tayo ay maingay at madaldal, baka ang pangit din ano? Walang problema sa pagiging tahimik, op kors, dahil nga Likas silang ganun. Ibig sabihin, dapat wala ring problema kung ang iba ay Likas na Alaskador at Likas na Madaldal.
Isa sa mga paboritong Pabula ay tungkol sa Alakdan (Scorpion) at Palaka (Frog). Tumatalakay sa "Likas" na ugali ng isang tao. Sinalin sa wikang Filipino.
ANG ALAKDAN AT ANG PALAKA
Nung unang panahon, may isang alakdan na gustong maghanap ng bagong bahay. Nilakbay niya ang mga gubat, bundok, umakyat sa mga batuhan at halamanan hanggang sa umabot siya sa isang ilog.
Malawak at mahaba ang ilog kaya huminto siya at nag-isip. Imposible para sa kanya ang makatawid kaya't siya ay naglibot paakyat-pababa sa paligid ng ilog. Mula sa isang tabi, may nakita siyang isang palaka na tumatawid sa ilog. Naisip niyang humingi ng tulong dito.
"Magandang Umaga Ginoong Palaka!" tawag ng alakdan. "Maaari mo ba kong isakay sa iyong likod para makatawid sa ilog?"
"Ayoko nga, pano ako makakasiguro na hindi mo ko papatayin?" tanong nang nangangambang palaka.
"Dahil," sagot ng alakdan. "Kung patayin kita, mamamatay din ako dahil hindi ako marunong lumangoy!"
Napaisip ang palaka. May punto nga naman ang alakdan. Kung papatayin siya nito, pareho silang malulunod. Nguni't para makasiguro ay tinanong niya ito ulit. "Pano kung malapit na tayo sa baybayin? Maaari mo parin akong patayin tapos ay ikaw na lang ang uusad sa gilid ng ilog."
"Totoo, " sumang-ayon ang alakdan, "Pero walang paraan para ako ay umabot sa kabilang dulo ng ilog." Nakumbinsi ang Ginoong Palaka.
"O sige... pano kung aantayin mo lamang tayong makatuntong sa kabilang dulo bago mo ko patayin." sabi ni palaka.
"Ahhh... dahil kapag nadala mo na ko sa kabilang dulo, magkakaroon ako ng utang na loob sa iyo kaya't hindi ko magagawang patayin ka, diba?" sagot ng alakdan.
Sumang-ayon ang palaka na itawid ang alakdan kaya siya ay nagpunta sa kinaroroonan nito at isinakay siya. Matapos noon, ay tumawid na ang palaka sa ilog na kasama ang alakdan... Bagaman malakas ang daloy ng ilog, siniguro niya na di malulunod ang kanyang pasahero.
Nguni't sa kalagitnaan ng kanilang paglalakbay, naramdaman ng palaka na may tumusok sa kanyang likuran. Nang napasilip siya ay nakita niyang tinatanggal ng kanyang pasahero ang nakatusok na buntot na may lason sa kanyang likuran. Namanhid ang kanyang laman-loob hanggang sa kumalat ito sa kanyang buong katawan.
"Bakit mo ako nilason, ginoong Alakdan" sambi't ng palaka, "Ngayon mamamatay tayong dalawa! Bakit mo ginawa yon?"
Nagkipit-balikat ang alakdan at sinabing... "Wala akong magawa, natural na sa akin ang ganoon."
At sabay silang nalunod sa malalim na ilog.
**************************************************
5 comments:
Ang ugali ng tao, sa palagay ko, nahuhubog ng mga bagay at tao sa paligid, at sa mga pinapagdaanan nito (experiences). Sa palagay ko, ang ugali ng alakdan, hindi tulad sa tao.
very interesting opinion. Thanks to "di naniniwala sa alakdan".
I agree with "di naniniwala sa alakdan", but to a certain extent. Man's capacity to learn from experience is dictated by the amount of synapses available in his gray matter. Thus, like the alakdan, with minimal (if there is any) gray matter, will tend to act on its own instinct.
what? may mga gray matter pa pala ito at mga synapses. matindi.
una kong narinig ang kuwentong ito sa isa pang Matindi at kakaibang pelikula na Crying Game ni Neil Jordan. Astig. Kung may chance kayong mapanuod makikita nyo kung paano si alakdan in action.
sincerity lang naman ang moral ng istorya, humaba na. :)
Post a Comment