Tuesday, October 18, 2011

Best Dressed Nung Golden Fiesta Party

Lagpas isang linggo na pala, pero sa PB ang main topic pa rin ay ang Fiesta Party ni Tita Edith.  Nung bumisita nga sila Tito Jim, Tiyong, Tita Vangie, Tita Yet, Julienne at JOsh last Sunday eto pa rin ang topic.

Eto naman ang mga napili nating Best Dressed nung party.  

Meron kasing "medyo" Best Dressed lang so sinama na rin natin.  Dami kasing OK na mga damit at costumes, sayang naman kung hindi mabanggit.

1/8 Best Dressed.  Parang 1 guhit sa timbangan na Best Dressed ay si Tita Yet.  Panalo talaga ang kuwintas nya, na una mong mapapansin.  Bagay sa damit at sa kanyang skin tone.   


1/4 Best Dressed.  Gab and Miguel.  Ang gara naman ng barong nila.  Etong style ng barong ang Louis Vuitton ng mga barong.  Sayang, nakapagpabili sana ako nito kay Tito Egay - pogi rin sana ako.  Medyo sumablay lang sa sombrero kaya 1/4 best dressed hehehe.


1/4 Best Dressed din ang arko ng Santacruzan.  Sobra akong natulala nung una ko itong makita.  Di ko kasi maisip kung paano naisakay ito sa kotse, o kung paano na-assemble ng sobrang bilis.  Buti na lang maganda rin ang arko sa picture at nabigyan ng justice ang pagod nila.


1/2 Best Dressed.  Ang MassKara group.  Mula bewang pataas lang kasi sila best dressed haha.  Parang sablay ang pang-ibaba, at si Tito Ayo na naka Red Hot Chilli Peppers sa Fiesta - tinanggal na natin sa picture.  haha.  Inferness, panalo naman ang pang-itaas nila.


and for our full-best dressed list.

Special Mention Best Dressed

Tingin ko sobrang cute naman ng damit nila.  Tama lang.  Merong nagsasabi na dapat mahaba ang palda, pero naku naman e tignan nyo naman silang 4 at di naman ka-tangkaran, e di lalo na silang nagmukhang maliit nun.  Love the simple but elegant design of their outfit.

Tita Helen of Pahiyas was bonggacious in her stand-out Filipiniana dress.  Nagiging suki na natin si Tita Helen sa listahan na ito ha.


Makatawag-pansin naman ang Gown ni Ms. Puerto Rico.  At talagang parang tinatawag ka niya - maski gaano ka kalayo.  Di na nga nakilala si Ralph Chucky dito e, para talagang mukhang expert na candidata sa mga fiesta dahil sa galing ng make-up niya.


and our BEST DRESSED LIST

6)  1G Obando Dancers

Ang kulay ng mga damit nila ay bagay sa theme - bagay sa kulay ng banderitas, kulay ng mga mantel, at kulay ng mga silya.  joke lang po.  Yung damit nila ay parang authentic Obando gowns.  At nakadagdag talaga sa sigla ng presentation nila ang ganda ng kanilang mga kasuotan.  Actually, para silang bumata sa mga suot nila, at yan ang dahilan kung bakit sila kabilang sa Best Dressed list this time.  So for the first time asa Best Dressed List natin ang 5 sisters - Ditse, Lola Nanay, Lola Tiyang, Lolipot, at Lola Maam. 


2G Girls Igorot

Etong costume nila ay mas maganda sa personal kesa sa picture.  Kasi astig yung fabric ng damit nila.  Talagang authentic.  Ang damit nila ay nagdulot ng malaking tulong para maging makatotohanan ang sayaw nila kaya sila andito sa listahan.  Maliit na puna - sana lahat ng pang-itaas ninyo ay nakasara ng todo (di na po ba magkasya? hehe).  Naaangkop at natatangi ang costumes nina Tita Ate, Tita Helen (na naman), Tita Eyan at Siony.


Ms. Philippines

Ewan kung saan nagahilap itong gown na ito.  Pero waging-wagi talaga sa gown pa lang.  At may payong pa!


Moriones group

Pawis at maraming oras ang puhunan sa mga costumes na ito.  Kasi bawat parte ay talagang pinaghirapan.  Ang maskara ay di simple - paper mache po ito.  Inukit, Hinulma, Pinatigas at pininturahan.  Ang mga damit ay modular - pinagdidikit-dikit po para mabuo.  Magaling talaga ang pagkakagawa ng costumes na ito - very technical.  So asa listahan natin sila Tita Eyan (na naman), Tito One, Unyoy, Denniel (na naman), Anton Van, Rap, Carl at Tehya.



Tita Edith

Everytime na may PB occassion, best-dressed si Tita Edith.  E alangan naman mawala siya sa sarili nyang birthday.  Flawless ang gown na ito - akma sa theme, ang kulay bagay sa kanyang skin tone, at napapanahon.  Tama lang ang disenyo hindi exag.  At ang kuwintas, panalo!  Kaya for the 4th time, Best Dressed Individual na naman natin si Tita Edith.


finally...

KADAYAWAN

Wow!  Eto talaga ang stand-out group costume nung parada, at tingin ko ng buong party.  Talagang Kadayawan.  At bonus pa na ang kulay nila ay umaangat.  Di maiiwasan na titigan talaga sila.  From the bilao, to the suha, to the headgear at syempre ang makukulay na costumes.  Wagi sila Tito Par, Tita Bhogs, Lola Nanay, Kriza, Aix at Kevin.

No comments: