Naaalala ko iyon kasi ako ang Vice-President. Asa 4th Year High School ako noon. Kasama namin si Tita Tetes at Tita Eyan sa Committee, nasa College naman sila. In summary, lahat ng members ng committee ay nag-aaral. Nagtatapos ng practicum si Tito Egay at ako ay nag-aaral para sa Finals sa Notre. Sigurado ganun din si Tita Tetes at Tita Eyan.
Kaya ewan nga ba kung bakit nag beg-off ang mga students na maging officer this year. Di ko ma-gets at di ko talaga ito tatantanan ha ha ha. OK, pahinga muna sa issue ko.
Sobrang ganda at saya nung Maskarahan, di ko nga nakakalimutan e. Lahat talaga nag-prepare ng mabuti. At tandaan, 1988 yun so wala pang mga gadgets at high-tech nun. Sa 2 pictures sa ibaba, makikita nyo:
- Si JE bilang Tarzan, may kasama pang sibat.
- Si Ate Bhogs bilang Chef at si Isang bilang Muslim
- Si Tiyang bilang Princess, na ang ala-ala ko ay sumama ang luob dahil hindi nanalo
- Siyempre si Lolipot bilang Darna na makatotohanan ang costume. Bakit nga di siya nanalo?
- Si Ate Yet bilang magician, na talagang walang pag-asang manalo (e di tignan nyo)
At ang Top 10 (Ang picture ayun sa kanan)
- Tita Eyan bilang Robot, pangtaklob ng ulam ang ginawang ulo ng robot. astig.
- Sr. Vicky bilang clown, ang clown na madre. astig
- Tito Ayo bilang Dracula, o demonyo ba yon? ewan
- Tito Jorge bilang Japanese na bungisngis
- Lola Maam bilang General
5th - Lolo Dad bilang Angel. Mag-ingat sa costume , baka magkatotoo. Ano costume Tyong?
4th - Tita Ate bilang Schoolboy na mukhang kartero
3rd- Tita Che-Che bilang Navy na nalunod at nakainom ng tubig
2nd- Tita Edith bilang Lola ni Nora Aunor
Winner - Tito One bilang Maria Clara na malandi
So excited na ulit tayo sa presidency ni Tito Egay, 20 years tayong naghintay.


nakakatawa si kuya jorge, bakit di sya nanalo... si tiyang din, princess poodle... hehehe
ReplyDelete