Kung ang araw na ito ang indikasyon kung gaano magiging busy ang buwan na ito...anak ng tinapa, kelangan ng mag-red bull araw-araw.
Kanina kasi binisita ang opisina namin ng Ambassador ng US, yes si Ambassador Harry po. So since ako in-charge sa buong opisina so ako ang responsible sa buong visit. OK na ba ang pagkain, secured ba ang elevators, ilang guwardiya ba ang naka-station (the answer a grand total of 15). Well inside lang yon. dahil meron pang 20 na pulis at security sa labas.
And of course ako ang kelangan mag-present for 10 minutes.
OK naman. walang problema at mukhang na-impress si Ambassador sa amin. Yun nga lang after the visit, wala na laspag na laspag na ako. Daig ko pa ang nag-marathon ng 10k. At siyempre di rin ako nakakain ng matino. Ayun pala ang paraan para pumayat! hahaha. magtrabaho ng magtrabaho ng super intense, promise di ka tataba. hehehe
wow...astig talaga ang ACN cebu...dati eh si gloria pumunta dyan at ngayon eh US ambassador naman.. ano ginawa nya sa acn cebu ofc?
ReplyDelete