Showing posts with label Pilipinas. Show all posts
Showing posts with label Pilipinas. Show all posts

Tuesday, January 10, 2012

It is really more fun in the Philippines

Di pa rin ba kayo convinced na it is more fun in the Philippines?  =)

Marami pa rin pala ang nagpapatuloy mag-criticize sa slogan ng DOT.  Marami rin naman ang sumusuporta at gumagawana ng kanya-kanyang creative touch sa slogan.

Kung hindi pa rin convinced, tignan ang dati ng mga slogan.  Di ko sure kung sino ang gumawa nito.  Kudos sa kanya! 

Baka puwede pa rin para sa local tourism ;  ).

Boracay, You Sexy Beach!

Haller, Baler!

... Bohol: Go To Hill!

Be Cool, Bicol!

Thank you, Camiguin!

Maliit Navotas, Lumalaki!

We Fly High In Capiz!

Go Gaga In Naga!

Kaibigan, Punta Na Sa Vigan!

Virac, You Rock!

Kamuning Get Me!

Better Leyte Than Never!

Whee! Tawi-Tawi!

Walang Aayaw Sa Apayao!

Maraming Gig Sa Taguig!

Bongga Ka Day, Sa Norzagaray!

I wanna dance with Zambales, I wanna feel the heat with Zambales!
Love it!  Di ba more fun in the Philippines talaga.

Sunday, January 8, 2012

Pag-asa sa 2012


Pandan Beach, Puerto Princesa Palawan May2010 - Tourism Hope for the Philippines


Ayon sa Pulse Asia Survey na inilabas nung mga huling linggo ng Disyembre 2012, halos 9 sa bawat 10 Pilipino ang nagpahayag ng optimismo o pag-asa sa darating na 2012.   Optimismo ang sentimento ng nakararaming mga Pilipino sa bagong taon ng 2012. Tinatayang 88% ng mga Pinoys ang nagsabing sasalubungin nila ang bagong taon na may taglay ng pag-asa.

Likas na positibo ang mga Pilipino, kaya di rin nakakagulat ang resulta ng survey na ito.  Ang optimismong Pinoy ay hindi factor ng kayamanan o economic status.  Ibig sabihin, hindi porket mayaman ay puno ng pag-asa para sa bagong taon.  In fact, it is those who are considered "statistically economically poor", who are the most optimistic (up to 95%).

Sabi ng Inquirer sa Editorial nila nung January 5, marahil ang estadistikang ito ay may kinalaman sa: pagbaba ng unemployment mula 7.1% sa 6.5%, sa anti-corruption na polisiya ng P-Noy administrasyon (di ba nga may impeachment kay Corona, at ang kanyang bossing na si GMA ay naka-detain), ang stable na exchange rate ng dollar sa peso.

Isa ako sa 88% porsyento ng mga Pilipinong puno ng pag-asa sa 2012.  Marami pang dapat baguhin at paunlarin sa ating bansa at sa ating gobyerno. Alam nating lahat yon.  Pero, ang primary source of optimism ko ay 1) pakikipag-usap sa mga matatalinong kabataan (marami pala sila) 2) maraming Pilipino na patuloy na nagsisipag gawin ang trabaho at 3) pagpasyal sa napakagandang lugar sa Pilipinas.  Ang ganda talaga sa Pilipinas.











Tuesday, December 27, 2011

Viral Photo

Sikat na ang term na Viral Video, pero actually ang Viral Photo ang mas nauna.  Ang Viral Photo ay yung isang picture na na-fo-forward, na-sha-share sa dyaryo, internet, social nerworking sites etc.

Ang Time Magazine Viral Photo of they year ay ...from the Philippines.  Tinalo nito ang picture ng First Kiss nila Prince William at Kate Middleton at ng mga Obamas.

Ang picture ay galing sa Inquirer.  At unang lumabas nung January 2011.  Pag tinignang mabuti ang picture, malalamang mabuti kung bakit ito ang naging Viral Photo of 2011.