Showing posts with label Europe. Show all posts
Showing posts with label Europe. Show all posts

Saturday, January 14, 2012

Revisiting Europe - Day 3 at Vatican City

We arrived nightime sa Italy.  We said let's go to another country...Vatican City.  Well, technically Vatican City is another country.  It is the smallest country in the world.

Siyempre gabi na lang ako nakakalibot.

Eto ang picture ng Vatican Museum kung saan andun ang Sistine Chapel. Paborito ko dito kasi andito ang Map Museum. Alam nyo naman na mahilig ako sa geography. Naaaliw akong ia-analyze kung paano nila iniisip ang mundo dati... example, maraming mapa bago makapunta si Magellan si Asia na wala ang Pilipinas. Interesting.



Ito ang St. Peter's Basilica. Mga 6 PM ito sa may Angelus, kaya konti ang tao sa labas. Di pala kita ang kuwarto sa kanang itaas. Kuwarto ni Pope iyon at kumakaway siya sa mga turista minsan.


Eto ang loob ng St. Peter's Basilica. Lahat ng nakikita ninyong kulay ginto...talagang ginto. So iyong hinuhulog sa simbahan, ayan ginagawang gintong dekorasyon.
Malamang iyong mga kinarukot sa Pilipinas nuong panahon ng Kastila ay pinambili niyang bubong na iyan. Made of ivory ang mga estatwa ng santo at ginto at pilak ang mga palamuti. Tsk tsk tsk.  Kung anu-ano talaga ang maiisip mo pag pumasok sa St. Peter's Basilica.


OK. maski pangit ako sa picture na ito (ito lang ha!), nilagay ko na. Baka isipin niyo na di naman ako nakapunta at kumuha lang ako ng ibang picture. hahaha.


Revisiting Europe - Paris to Rome

Day 3: On the plane Paris to Rome
Malamang di nyo naman gustong makita ang picture ng mga meetings ko. So...

Di ba sosyal? Ang seat ko ay 2A, so pangalawa ako sa pinaka-importanteng pasahero ng flight namin from Paris to Rome.   We took Air France from Paris Charles de Gaulle airport to Rome.



Eto ang view sa seat ko. Marami namang picture ng eroplano at loob ng eroplano sa web at sa mga magazine, kaya eto na lang post ko.  Something unique...



Sa byahe mula France to Italy, ay madadaan sa world famous Mont Blanc sa Alps. so eto ang picture. Since winter e puro snow ang bundok.

Revisiting Europe - Eiffel Tower Paris, France

Day 1: Paris, France

Diretso kaagad ng Eiffel Tower maski alas-7 ng umaga. Actually, first time kong makita ang Eiffel Tower ng umaga, maski na 2 years akong tumira sa Paris dati.  Kung meron kang ipapasyal sa Paris at 7am, malamang iyon ay sa Eiffel Tower. 

Mahal ang entrance sa Eiffel Tower!  So buti na lang at sarado pa siya, at di na-tempt ang kasama kong umakyat. 

Ang Eiffel Tower Entrance Fee ay depende kung saan ka pupunta.  I mean hanggang 2nd floor ba or hanggang sa pinakataas.  Mas mataas, mas mahal.
Entrance fee
To the 2nd floor Adults: 8.10 € Child : 6.40 €
To the top floor Adults : 13.10 € Child: 11.50 €
Stairs to 2nd floor Adults : 4.50 € child : 3.50 €





Picture 2: sandamakmak ang picture ng Eiffel Tower sa web, pero eto lang ang picture na kita ang singit ng Eiffel Tower, so there you go.




Picture 3: Ayokong itagilid ang picture baka ma-discover pa ko. Di ba astig, terno pa suot ko sa Eiffel Tower!

Revisiting Europe Nov08

Dahil marami ang nag-re-request (mga 2). At para masundan ninyo ang aking paglalakbay....

Day 0.5:

Naisip kong huwag ng picture-an ang NAIA dahil...well alam nyo na.

So eto ang picture sa aking first stop - 3 hours sa HongKong Airport. Last time ko sa HK airport ay 2002, so ang laki pa ng iginanda. Ang tanging simbulo lang ng HK ay ang CHinese characters duon sa flight # (kita nyo?)
Siyempre pinicturean ko ang favorite kong tambayan sa airport...ang Smoking Area.


Monday, December 8, 2008

Aalis na Naman

Tama nga ata ang paghulog ng barya sa Trevi Fountain...dahil babalik na naman ako ng Europe.

Sabi ng Nanay ko, e pag pinapadala ka raw ng opisina e ibig sabihin e magaling ka. Pero parang dumadalas naman ata ang pagpapadala sa akin. Nakakatakot na ito...baka gusto na nila ako talaga paalisin.

OK na rin kasi sobrang traffic talaga sa SLEX pag Dec. Saka, naka-schedule naman akong bumalik bago magPasko. Since nadagdagan ng 2 ang fans ng travel...e itutuloy ko na rin. So bago pa man ako umalis e pictures na kaagad, para maka-practice na tayo.

Sa Tuesday na ang alis ko. Medyo hectic ang byahe na ito kasi 4 na bansa ang pupuntahan - Germany, Austria, France (ulit) at Spain. Sana makapag-blog pa rin ako, para sama-sama pa rin tayo sa byahe.

Napuntahan ko na ang 4 na bansa. Iyong iba matagal na. Itong unang picture ay sa Munich, Germany. Ang binasagang Oktoberfest o Beerfest Capital ng mundo. (Alam nyo bang ang Oktoberfest ay dapat cinecelebrate sa Sept?) Last time ko duon ay 2005, kasagsagan ng laban ng US at ni Saddam. Kaya nung nakita ko ang isang building, pa-picture ako sa sign na: 'Kein Krieg in Irak' meaning 'No To War in Iraq'.



Kasama ko ang mga kaibigan ko at nagpunta kami noong 2003 sa Vienna, Austria. Sobrang sikat ni Mozart dito. Pero mas sikat ang...Sound of Music. Kaya ayan, ang picture-an namin ay sa set ng "I am Sixteen Going on Seventeen" ni Captain at ni Maria. Naaalala nyo ba?



Noong February 2008 ay umattend ako ng training sa Madrid. Pero ang huling beses ko sa Barcelona ay nung 2004 pa. Iyon ang summer na umabot ng 40degrees sa Europe. Ang picture sa baba ay against the famous "Sagrada Familia" ni Gaudi (na sosi na restaurant sa Greenbelt 2)

Excited din akong bumalik ng Spain dahil ito na ang pinakamainit sa pupuntahan namin. Sabi sa weather.com ay -3 degrees sa Germany at Austria (patay!), 0 degrees naman sa France (nyay!). Pero sa Spain ang pinakamainit - 8 degrees. (nye!)