Showing posts with label Current Events. Show all posts
Showing posts with label Current Events. Show all posts

Friday, July 1, 2011

Sara vs. Sheriff

Malamang nabalitaan nyo na ang pananapak ni Davao Mayor Sarah Duterte kay Sheriff Abe Andres.  Ganito raw:

- Nag-abiso ang Sheriff tungkol sa demolisyon sa isang pamayanan sa Davao
- Nakiusap ang Mayor sa Sheriff na huwag munang ituloy at pag-usapan muna
- Sabi ni Mayor, kaka-landslide lang sa Davao na marami ang impacted, so huwag muna
- Kaso tinuloy pa rin ng Sheriff ang demolisyon. Sumusunod lang naman siya sa orders ng Judge galing sa Regional Trial Court
- Sabi ni Mayor, nanghihingi siya ng 2 oras para nga makapag-usap.  Pero tinuloy pa rin ang demolisyon
- Kaya, mga 4 na beses sinapak ni Mayor ang Sheriff

Ayos, only in the Philippines

Cigarettes and Coffee

1 week na pala akong hindi nag-Starbucks.  Well, simula nung bawal ng mag-yosi sa Starbucks.  Pero I don't mind their decision, with all honesty.  I think it is a marketing strategy.  I don't think they are doing that because they care about the health of the people, come on!  Sabi nga ni Tita CheChe, sobrang makasalanan ang mga Frapuccino nila.

My take, Starbucks will attract more coffee drinkers who are non-smokers.  Good for them.  If that's their new target market then good.  Good thing naman is that the smokers still have lots of choices.  Puwede namang magyosi sa Coffee Bean o sa Seattles o sa Bo's Cofee.  

So para sa akin, di ako target market ng Starbucks.  OK lang.  Katulad din ng hindi ako target market ng Pepsi at ng Lucky Me.  All is fair in business and smoking =).

Thursday, June 30, 2011

Starbucks and No Smoking

Not sure kung napansin ninyo - bawal na magyosi sa labas ng Starbucks (well, dati pa naman bawal sa loob hehehe).  So yung mga table sa labas - No Smoking na.  Congratulations to Starbucks for a very bold business move. 

For sure, matutuwa ang DOH at lahat ng non-smokers sa decision na ito.  Matagal na rin kasing umaangal ang mga non-smokers na nauusukan sila pag pumapasok at lumalabas sa mga stores.

Para naman sa mga smokers, I guess hanap na ng bagong puwedeng pagkapehan at pagyosihan.  Puwede pa rin naman sa iba.  We will see kung susunod sila sa no-smoking policy ng Starbucks. 

Sunday, March 13, 2011

Pinakamalakas na Earthquake

Ang Earthquake nung Biyernes na tumama sa Japan ang ika-4 na pinakamalakas na earthquake sa kasaysayan ng mundo (by Magnitude).  Ito ang pinakamalakas na earthquake sa loob ng 7 taon. 

Wala po sa Top 20 ang July 1990 earthquake sa Pilipinas.  Kasi, kasama sa listahan pati iyong mga lindol nung unang panahon pa.

Friday, March 11, 2011

DISASTERS

Eto ang status ni Tita Che-Che sa Facebook.  Ang masasabi ko lang:  ang galing naman niyang mag-English.  At ang lalim naman.  Ano sa palagay ninyo?


do disasters remind us of our mortality, that we are bound to die (sooner or later)…that there is a force beyond our control? that while we spend most of our lives succumbing to the pressures of social status or material desires: acquiring things, knowing more, becoming more popular - these can all be wiped out at once? #walalang

8.9 Magnitude Earthquake Hit Japan

Loser, pero may meeting ako hanggang 10:30 on a Friday night.  I know, kinda pathetic.  So after ng meeting tinawagan ko na kaagad si Tito Jorge.  Di naman sa Tokyo ang center ng earthquake, pero sa lakas na yon, malamang tinamaan din ang Tokyo.  Tinawagan ko si Tito Jorge kung nakausap na niya si Ia, at kung OK lang ba siya. 

Sabi ni Tito Jorge, nakausap nga nya si Ia.  At OK na OK si Ia.  OK na OK siya dahil asa Pilipinas pala siya!!!  hahaha, di ko alam.  Grabe na itong trabaho na ito - nahuhuli na ko sa balita.