Showing posts with label Life. Show all posts
Showing posts with label Life. Show all posts

Saturday, January 7, 2012

GLAMPING, SPARTY at kung anu-ano pa

(inspired by Karen and Camae)

Narinig nyo na ba ang GLAMPING at SPARTY?  Ako kasi last week lang.  Sumisikat na rin kasi sa Pilipinas ang mga ito. 

GLAMPING = Glamorous Camping
Di ba pag nag-ca-camping ka ang dala mo ay isang knapsack kung saan andun ang canned goods, mga damit, abrelata.  Tapos aakyat kayo ng bundok o pupunta ng gubat tapos dun magpi-pitch ng tent.  Well, iba na ngayon.  Kasi nga ang mga tents ngayon nakatayo na.  Di na ikaw ang maglalagay.

Ano bang sleeping bag?  e may kama nga sa tent.  At ang ibang tent ay aircon pa.  At pag nag-GLAMPING ka meron ka pang Butler o waiter.  Wala nga lang TV, kasi naman e di hotel na yon kung meron.

Hanep naman, kakaiba na talaga ngayon.





Wala pa masyado sa Metro Manila na GLAMPING sites.  Sabagay saan ba naman dun puwede mag-GLAMP.  Ang pinakasikat na GLAMPING sites ay sa:
Pamalican Island sa Bohol
Maribago Bluewaters sa Cebu
at Sumilon Bluewater sa Sumilon


SPARTY = SPA PARTY.  So magpa-party kayo sa SPA

Apparently mga 5 years na pala ito sa Pilipinas.  Simple lang ang trip.  Imbes na mag-party kayo sa bar, restaurant o sa bahay - magpaparty kayo sa pamamagitan ng sabay-sabay na pag-spa.  Dati raw madalas sa party ang exclusive girls.  Pero ngayon meron na ring mga co-ed SPARTY.

Kakaiba.


Mabait

(inspired by Ditse)

Tinanong ko ang nanay ko kung sa tingin ba niya ay "mabait" ang kanyang panganay na kapatid.  Ang sagot nya, oo naman.  Halos mabilaukan ako sa kinakain kong tulya.  Di ko kasi ineexpect na sa depinisyon ng Pinoy ay mabait ang aming Ditse.  Di naman siya masamang tao, pero mabait?  Hmmm.

Bigla kong naisip.  Para sa akin, hindi mahalaga ang maging mabait.  Pero ayokong maging masama.  Tingin ko di naman kabaligtaran ng mabait ay masama.  Ang kabaligtaran ng mabait ay hindi mabait.

Medyo komplikado rin kasi ang "mabait" sa konteksto ng mga Pinoy.  Di ba nga maririnig natin na sinasabi ng iba na "ang bait naman ng batang ito, hindi magulo at hindi maingay". Nye, so ang mabait pala ay yung parang tuod lang na nakaupo at di nagsasalita.  Minsan naman ang tinatawag na mabait ay yung mga hindi umaangal maski inaabuso na ng asawa o kasintahan.  Iyong matiisin ba.  Yikes yoko nun.

So kung ang pagiging mabait ay: tahimik, nakapirmi lang sa isang tabi at martir.  Pass!  Ayoko nyan.

Gusto kong tawaging magalang, iyong hindi bastos, malawak ang pag-iisip, at paguunawa, cute, talented.  OK mga yan.  Pero mabait, sila na lang.