Monday, January 12, 2009

Sweet Sixteen

Ngayong araw ang ika-labing anim na anibersaryo ni Tito Ido sa kumpanya. Kaya hiningan natin siya ng ilang sandali para kapanayamin:

PBBlog: Congratulations! Wow 16 years. Naaalala mo pa ba ang 1993?
Tito Ido: Salamat! Op kors. Naaalala ko pa ang aking unang araw sa opisina, January 11, 1993. Binilan ako ni Mommy ng bagong pantalon at long sleeves. Ang sapatos ko ay namana ko kay Par. Ang kurbata naman ay namana ko kay Tito Egay. At mga 2 oras niya akong ni-lecturean kung paano magsuot ng tie. Ang hirap ah! At 7:00 pa lang asa opis na ko, di na nangyari ulit yun.

PBBlog: Naisip mo bang tatagal ka ng kumpanya?
Tito Ido: Pagpasok ko sa kumpanya, gusto ko lang talagang tumagal ng 2 taon at tapusin ang kontrata. Gusto ko rin siyempre makarating ng Amerika, dahil dun ang training namin. Pero sobrang bilis ng panahon di ko na rin namalayan na 16 years na ako sa kumpanya.

PBBlog: Sa loob ng 16 anim na taon, di mo ba naisip na umalis?
Tito Ido: Maraming beses ko na ring naisipang umalis dati. Lalo na nung panahon na lahat halos ng mga kabarkada ko ay nagpunta na ng US. O kaya naman ay sa Singapore. Tapos siyempre grabe rin kami maliitin ng mga taong nakaalis na ng kumpanya namin. Kasi po ang ang starting salary nung 1993 ay limpak-limpak na 4,500 pesos. hehehe. At naging 5 digits (meaning 10,000) ang suweldo ko nung 1996, ikatlong taon ko sa kumpanya. hahaha. Kaya, muntik na muntik na kong mapapirma at magtrabaho sa US nung 1999. Sobrang laki ng offer, pero di ko nga tinanggap.

PBBlog: So bakit di mo tinanggap?
Tito Ido: Dahil sa pag-ibig. Hahaha.

PBBlog: Ano ang mga pinakamagagandang ala-ala ng 16 years sa kumpanya?
Tito Ido: Mga bagay na di nabibili ng pera, syempre. Kasi nga iniinggit kami lagi nung mga umalis e. At parang awang-awa sila sa suweldo namin. Kaya dati naiisip ko talaga, na kung matagal na kong nagtrabaho sa Amerika, sobrang dami na siguro ng pera...sa Las Vegas. Haha.

Pero, sa kabila ng hindi kalakihang suweldo, ay marami naman akong pinagpapasalamat sa kumpanya. Pinaka-OK syempre ang mga libreng biyahe. Dahil sa aming kumpanya, ay nakarating ako sa iba't ibang lugar. Nakapunta na ako sa 6 na kontinente. Narating ko na ang 48 States ng America (hulaan nyo nga ang dalawang di ko pa napupuntahan =). At nakapunta na ako sa 74 na bansa sa buong mundo. So di talaga ako lugi =).

PBBlog: Kung tumagal ka ng ganyang katagal, tingin mo iyan ba ang best company?
Tito Ido: Best company para sa akin. Pero siguradong hindi best ito para sa lahat. Actually, wala ata akong karapatang magsabi na ito ang best company, dahil ito pa lang ang kumpanyang napasukan ko. Pumasok ako right after college at dito pa rin hanggang ngayon.

PBBlog: May message ka ba sa mga mambabasa ng blog?
Tito Ido: Wala.

PBBlog: Hindi, ang kulit mo naman e. Iyong prinsipyo sa pagtratrabaho.
Tito Ido: Ah! Siguro iyong hanapin mo ang trabahong talagang gusto ko at merong kang passion na gawin. Dahil pag nahanap mo iyon, e para hindi ka nagtratrabaho.

PBBlog: Maraming salamat!
Tito Ido: Salamat din. Sabihin mo sa mga readers mo na tignan ang pic ko sa baba nung 1993. Pogi ako jan.

28 comments:

Anonymous said...

Wow Tito ido pretty boy pla kau nung bata kayo;) LOL.

Anonymous said...

Wow kuya congrats! Mga sixteen times mo na rin pinlano magresign diba? heheheh. Hay nako charisse, yan na ang best picture ni kuya noh. Kaya nga yan ang pinost nya! Infernes, may kakapalan ang kilay mo noon ha....

Anonymous said...

magagaya ko kya si tito ido d2 sa accenture?hmmm... kung ako tatanungin, gusto ko gayahin but minsan nabobored ako sa ginagawa ko sa ofc kc minsan d ako nachachalenge sa ginagawa ko (eh cyempre magaling ako kasi pamilya banal ako!!) at minsan nman ok ung ginagawa ko sa ofc. gusto ko kasi na masaya ako sa work ko kahit maliit lang ang sweldo(d nman sobrang liit ng sweldo, ung competitive nman sa ibang company) at tuloy tuloy ang learning ko. ahhhmmm, lilipat na pla ako sa states 6mnths ftr d wedding, magparelocate nlng ako accenture US kung pde at kung d pde magapply nlng ako sa accenture US....hehehe...

BLOWOUT NAMAN TITO IDO...iparoute mo nlng ung blowout mo sakin sa cube location ko sa accentur mckinley bldg at 6.33O...hehehe...

Anonymous said...

hula ko for the 2 states na d pa napuntahan ni tito ido, alaska at hawaii...hehehe...tama ba?

Anonymous said...

yung 2 state na di pa napupuntahan ni kuya hula ko eh hawaii at di ko alam yung isa eh, pero alam ko nakapunta na sya sa alaska.

Anonymous said...

Tito ido kilala kna kmukha nyo artista yung mkapal kilay si JAY MANALO..hehehe...ok b?pde na pla kau gmwa ng movie...hehe..

Anonymous said...

anong movie?ang lam ko puro bold ung movie ni jay manalo...hahaha

Anonymous said...

Guess ko hawaii and rhode island yung d nyo pa po npunthan here sa states..tma po b?hehe..

Anonymous said...

Salamat sa mga greetings. At napamahal na sa'kin si Charisse ng lubusan. Di ba si Jay Manalo ang Totoy Mola? haha

pero Hawaii - been there 3 times haha. Alaska - nag glacier climbing kami jan. At isa sa mga pinaka-OK na city sa US ang anchorage. Rhode Island - nag-weekend ako jan twice. Next guess

Anonymous said...

OO nga Tito Ido mukhang nagkakasundo na tayo.hahaha...Kailangan ko na kasi maging ready maging pamilya Banal and maging ready sa pangaasaran.hehehe..

Yes, si Jay Manalo yta yung sa Totoy mola and Prosti.hahaha...Pde din naman kamukha mo si Marvin Agustin makapal din kilay nun.hehehe...

Guess ko sa hindi nyo pa napuntahan sa states ewan ko na lang if wala pa dito kahit isa: Delaware, Vermont, Maine or New Hampshire. Dali ano na Tito Ido tama na ba ko?

Anonymous said...

natira kasi ako ng philly for 6 months. punta kami sa lahat ng new england states 2 weeks driving ng buong northeast. Ganda dun lalo na pag fall.

Anonymous said...

hula ko ulit, montana at wisconsin.hehehe... =)

nax nman marvin agustin kamukha mo tito ido!!! mukhang nagpapalakas si charisse sau tito ido huh...puro gwapo ung mga kinocompare sa kilay mo 16yrs ago...hahaha... =)
kung sa bagay, 16 yrs ago mo cla kmukha eh ngaun kya cno na kamukha ni tito ido? hehehe=)

Anonymous said...

Clue naman kasi kung west coast or east or mountainside ang hirap maghula eh...hehehe...

Anonymous said...

haha!

1) is something 'near' - nakakagulat
2) iyong isa somewhere mid-west na bakit ko pupuntahan?

hehe

Anonymous said...

congrats pare! saan na ba ofc nyo? one mckinley na ba?

Anonymous said...

huy carol. kumusta? at salamat. 8 pa rin ang offices namin. pero yes meron kaming ofc sa mckinley pero di sa one mckinley

Anonymous said...

Guess ko ulit: Missouri, Iowa, or Oklahoma..Di ko na lam I give up na yta...hehe...

Anonymous said...

kinareer mo na cha ung panghuhula ng 2 states na d pa napupuntahan ni tito ido huh...hahaha... =)

Anonymous said...

I know kasi si Tito Ido eh yaw pa sabihin..hahaha...Pero ako ang hindi ko pupuntahan eh yung mga nakakatakot na places here Like somewhere in South Like Louisiana, Virginia, Mississippi and you know why? lam nyo na yun kasi madilim dun.hahaha...

Darwin's Theory said...

common misconceptions yan ng mga pinoy about the South. Sobrang ganda dun. New Orleans siyempre ibang reason. Pero South Carolina ang galing. Mississippi din daming magagawa. Sorry tumira ako ng Virginia ng halos 2 taon kaya mahilig din ako ng country music (honestly) at kaya ko rin yung may accent =)

Darwin's Theory said...

Bilang sagot sa huling hula mo. Wala pa ring tama ni isa he he. Na-assign din kasi ako ng Kansas (buti 2 weeks lang) at Iowa binisita ko ang friend ko naka-assign dun. Oklahoma, dun naka-assign girlfriend ko dati.

Darwin's Theory said...

Correct answers are:

Montana - never got the reason to go. Wala akong kaibigan saka laging out of the way sa mga trips.

and

Washington State - yes! dati kasi major hub ng NW yan. so lagi akong asa airport thinking andali naman pumunta. never happened. tapos sa Europe na ko napadpad.

Anonymous said...

I think maganda naman talaga sa South but, yung population kasi dun mostly u know. I am not being racist naman base lang sa mga experience ko dito sa Cali. Nagiingat lang din.hehehe...Kasi one time I almost hit someone here sa downtown coz they don't follow the rules and never use the right lane for them. Daming bad experience eh kaya nakakadala na din. Yung accent naman nila I can handle it naman sa una lang sbrang mapapa-huh? ka lage dahil sa hindi mo maintindihan salita nila. Eh nsanay na ko kasi almost all of our customers are from East coast eh. Sa araw-araw mo ba naman sila makausap ewan knlng.hehehe...

Tama pala si Evot sa Montana..Galing-galing naman.hehehe...Cge next time ulit tito ido pahula ka. Hindi yta talaga kayo mauubusan ng pakulo eh.hehehe.

Anonymous said...

ayun nman pla, pagpumunta nko sa states meron na ako translator...hehehe... =)

Darwin's Theory said...

sa downtown LA nga ako na-harrass ng mga yan e. katakot. hinabol ako ng bum. siyempre ginawa ko lang ang gagawin ng tunay na lalaking Pinoy ...tumakbo ako ng mabilis

Anonymous said...

Meron nga po ako na-experienced sa Portland Oregon sa bart dun after pagbaba ko and nung boss ko na girl sinundan kami kaya karipas din kami ng takbo and pasok sa resto. Hindi ko kasi pinapansin salita ng salita sya half black and half filipino pa naman. Drunk kasi eh. Tapos nung hindi ko kinausap eh ngsasalita magisa.hahaha...Yun lang din minsan mahirap here pero mas madami namang safe na places dito compare sa iba. Kaya mag-ingat at tumakbo kung kinakailangan.hehehe.

Anonymous said...

eh nasa US na pala c anonymous, yung gusto pumunta ng Italy! he he
(re. comments on I.T.A.L.Y. post)

Darwin's Theory said...

na-miss ko sa US....Target! di kasi maka-walmart mga kasama ko jan. Nung October 1 week ako sa US, nagpa-ship pa ko ng kahon! kasi sale e 35$ lang. Pero after 2 months dumatin, kararating lang e.