Monday, January 26, 2009

YAMAN

Reporter: Mrs. Marcos, it is said that you are the richest woman in the planet. But how much are you really worth?

Imelda Marcos: I do not know. Because if I knew how much money I have, then I am not rich.


PART 1: PAGPUPUGAY
Sigurado, lahat sa PB ay gustong magkaraoon ng pamumuhay na maluwag sa pera. Sigurado rin, marami sa atin ang gustong yumaman.

Kaya sobrang naaliw ako sa picture. Ito ay kuha halos 20 taon na ang nakakalipas.

Nakita nyo na ito.



At ito ang larawang nasa harap


Astig di ba? 80's na 80's: floral 1-pc dress, rollers, short-shorts at analog TV. OK, mabalik tayo sa YAMAN at sa hangad na PAG-YAMAN. Noong 1985, alam nyo bang mas konti pa sa 15% ang pamilyang Pilipino na merong telebisyon? E paano, meron lang linya ng kuryente sa mas konti sa 40% ng buong Pilipinas.


Sino ang may TV noong mid-80's? Ang pagpasok ng 1980's ang simula ng pangingibangbansa ng milyong Pilipino. Ang pangunahing destinasyon ay MIDDLE EAST. Sabagay, kung iisipin nating mabuti, 3 sa 4 na pamilyang PB ay binuhay ng mga OCWs. Huwag na nating bilangin si Ditse ano, dahil di naman usi mag-Japayuki nun. Anyway, sa pagtatapos ng dekada 80, tinatayang umabot ng 6 na milyong Pilipino ang nasa MIDDLE EAST.


Ang no.1 na kasangkapan na binibili ng pamilya ng OCW ay TV. Tinatayang 90% ng Pamilyang OCW Pinoy ang mayroong TV sa bahay. Actually, kami nga rin walang TV ng matagal na panahon, hanggang nag-abroad si Daddy.


Balik tayo sa picture. Sa pagsusuma, mukha nga silang nakakaangat sa buhay dahil merong silang TV. At, ang tinatago nung Persian Carpet ay Betamax. Paano ko nalaman? Huwag na makulit, e nakuha ko nga ang picture na ito, maski tagong-tago ni Ate Edith. Anyway, TV + Betamax + ceramic figurine display - MUKHANG MAYAMAN nga.


Bago ang ikalawang na bahagi ng BLOG POST - magbigay pugay muna tayo sa mga BAYANI ng Bansa at tagapagtaguyod ng PB - Tiyong, Tito, Lolo Dad, Kuya Jim, Ate Vangie, Tito Boyet, Tita Tetes (nung una), Tita Eyan. Kung di dahil sa kanila wala tayong PB Blog (di tayo makakapag-aral malamang e).

PART 2: PAANO MO MALALAMAN
Sobrang damang theory kung paano mo malalaman kung mayaman ka na. Sandamakmak na libro at pag-re-research ang ginawa ko ng mahigit na 2 taon. Pinagsama-sama ko ang mga prinsipyo ng mga dalubhasa sa buong mundo. Ito ang resulta ng aking saliksik.
a) INCOME TEST
- Una, bilangin ang mga dependents mo. (O, nabilang mo na?). Tapos 1,000 pesos araw-araw ang pera ng mayaman. I-multiply ang # of dependents by 1,000 then multiply by 30(para isang buwan). Naguluhan ka ba? Ex. 3 ang dependents mo + ikaw = 4. So, 4 x 1,000 x 30 = 120,000. Ibig sabihin kung meron kang kita na 120,000 a month, e mayaman ka.
b) NEED AND WANT TEST
- Eto mas madali. Ilista mo ang 5 bagay na sobrang gusto mong bilhin - bahay, kotse, sapatos, bag, computer kung anuman. Kapag nabili mo daw ang 3 sa 5 ito sa susunod na 3 buwan, e mayaman ka.
c) SECURITY
- Eto complex. Computin ang gastos mo sa isang buwan - lahat-lahat ha. Maski iyong mga binibigyan mo, pinapagaral, sinusustentuhan ng load, pati mga tip mo sa patay-sindi. OK? Na-compute mo na? Ngayon, i-multiply mo ang TOTAL EXPENSES FOR 1 MONTH by 120. Correct 120, bale 10 years. Ano ba? computin mo na game? Ang tagaaaaaaal naman.

OK na? Good. Kung meron kang ganyang pera, puwes mayaman ka na.


**********************

So, mayaman ka ba? Haha. Syempre ang unang tanong e gusto mo bang yumaman. Sa maniwala kayo't sa hindi e hindi lahat ng tao ay gustong maging mayaman. For sure, nakarinig na kayo sa mga kaibigang mayayaman na ang gusto lamang sa buhay ay maging masaya (aaaaaaah).


Kung masaya sila e hindi ko alam. Pero ang listahan sa ibaba ay listahan ng mga pinakamayayamang Pilipino nuong 2008. Nandyan ang may-ari ng SM, PAL, Cebu Pacific, BPI, Metrobank, GMA7, ABS-CBN2, RCBC, Alaska Milk, Rustans&Starbucks, SMB, Manila Bulletin, Inquirer at siyempre isang senador.

Top 40 Richest Filipinos of 2008 from Forbes Magazine

1) Henry Sy & family
Networth: $3.1 billion
Age: 83; Marital Status: Married, 6 children

His SM Prime Holdings is the Philippines’ largest shopping mall developer. Owns Banco de Oro (BDO), the Philippines’ second-largest bank.

2) Lucio Tan & family
Networth: $1.5 billion
Age: 74; Marital Status: Married, 6 children

Former chemical engineer from China who mopped floors to pay for school. Owns Fortune Tobacco, nation’s largest cigarette maker; Philippines Airlines, country’s leading airline; Asia Brewery, maker of beer (Beer na Beer) and alcoholic beverages; and mining operations.

3) Jaime Zobel de Ayala & family
Networth: $1.2 billionAge: 74; Marital Status: Married, 7 children

Personally holds no shares; wealth now in children’s hands. Jaime is chairman emeritus of the country’s largest conglomerate, Ayala Corporation while eldest son, Jaime Augusto, is chief executive. Holdings include Globe Telecom, Ayala Land, Bank of the Philippine Islands, and several other real estate and BPO companies.

4) Andrew Tan - $700 million
5) Tony Tan Caktiong & family - $690 million
6) John Gokongwei Jr. & family - $680 million, 81 years old
7) Eduardo Cojuangco Jr. - $610 million, 73 years old
8) Enrique Razon Jr. - $525 million, 48 years old
9) George Ty & family - $435 million, 75 years old
10) Inigo & Mercedes Zobel - $430 million
11) Manuel Villar - $425 million, 58 years old
12) Emilio Yap & family - $420 million, 82 years old
13) Vivian Que Azcona & family - $360 million
14) Beatrice Campos & family - $325 million
15) Luis Virata - $270 million, 54 years old
16) Oscar Lopez & family - $240 million, 78 years old
17) Andrew Gotianun - $235 million, 80 years old
18) Alfonso Yuchengco & family - $200 million, 85 years old
19) Mariano Tan & family - $195 million
20) Manuel Zamora - $130 million, 69 years old
21) Menardo Jimenez & family - $129 million, 76 years old
22) Gilberto Duavit & family - $127 million, 73 years old
23) Alfredo Ramos - $126 million, 64 years old
24) Jon Ramon Aboitiz & family - $125 million, 59 years old
25) Felipe Gozon & family - $110 million, 68 years old
26) David Consunji & family - $105 million, 87 years old
27) Rolando & Rosalinda Hortaleza - $90 million, 49/51 years old
28) Eugenio Lopez III & family - $85 million, 56 years old
29) Betty Ang - $80 million
30) Tomas Alcantara & family - $75 million, 62 years old
31) Lourdes Montinola & family $68 million, 80 years old
32) Salvador Zamora - $67 million, 62 years old
33) Philip Ang - $63 million, 67 years old
34) Wilfred Steven Uytengsu Sr. & family - $55 million, 81 years old
35) Enrique Aboitiz & family - $50 million, 86 years old
36) Frederick Dy - $49 million, 53 years old
37) Bienvenido R. Tantoco Sr. & family - $45 million, 87 years old
38) Jesus Tambunting - $40 million, 71 years old
39) Manuel Pangilinan - $39 million, 62 years old
40) Marixi Rufino-Prieto & family - $30 million, 68 years old

9 comments:

Anonymous said...

Ido, napakaganda talaga tingnan at gunitain ang mga nakalipas,,, lalo pa ng panahon na makapal pa ang buhok ko,,,salamat talaga s pag post mo ng larawang ito,,, he he he!

ayo said...

naalala ko pa... nakikinuod kami ng betamax kila boyet nuon, tapos sila din ang unang nagkaroon ng family computer (nintendo).

Anonymous said...

interesting... income test, pasado ko. (hindi kasama other dependents na mas marami ha!-hehehe)2nd test, NO, medyo mahal gusto ko mabili ngayon. di kakayanin in 3 months time. 3rd test, secret (ssshhhh!) ikaw, ido, pasado ka ba sa tatlo?

Anonymous said...

Ang dami naman surname Tan dyan eh panu naman me Tito Ido sama mo na din..Charisse Tan & future husband James Evert Lising - income TBD(TO BE DETERMINED PA!!!) HAHAHA, 25 yrs old.

Anonymous said...

natawa naman ako talagang nag-test pa si Ate Edith. hindi mo na kelangang mag-test kami na ang magpapa-totoo hehe.

Agree, secret din ang #3 ko. hehe

Anonymous said...

Kakatawa ang picture! Wala akong masabi sa kumaway pa sa camera... at sa rollers! At ang suot ni Boyet na sando -- "Pamusoy" -- trivia: yun ang official basketball team ng pamilya banal, dekada 80s!

Anonymous said...

korek! PAMUSOY nga. INFERNESS, nagchampion naman sila nung panahong iyon

ayo said...

sakin ang daling i-compute:
1. ang layo! (asa pa)
2. big NO!!!
3. asa pa talaga...

jorge said...

yes, go Pamusoy, rah, rah rah!