Thursday, January 8, 2009

EXCLUSIVE INTERVIEW with SCHOLAR DAD

Bakas sa kanyang boses ang saya at excitement. Ibinahagi niya sa PB ang pagkakapasa ng 1st screening nung nakaraang taon. Ang unang Huwebes ng 2009 ay pagsalabuong sa bagong taon. Ang ikalawa ay muling pagsalubong ng isang espesyal na balita.

Sa kabila ng dami ng ginagawa at sa panimulang bugso ng emosyon, ay pinaunlakan pa rin ng SCHOLAR DAD Tito Jorge and Pamilya Blog sa isang EXCLUSIBONG PANAYAM. Basahin ang excerpts ng panayam.

Pamilya Banal Blog (PB Blog): Ikuwento mo naman sa amin Kuya Jorge kung paano nyo nalaman na nakapasa si Ia sa Mombusho Scholarship.
Kuya Jorge: Tumawag ang embassy mismo kay Helen kanina. Iyong landline kasi namin asa opisina. Tapos ako tinawagan ni Helen. Asa kliyente kasi ako e. Si Ia naman nasa Library.

PB Blog: Ano naman ang naging unang reaksyon mo nung malaman mo?
Kuya Jorge: Ang reaksyon ko? Sa Wakas! Makakapanood na rin ako ng TV at DVD! (sabay tawa).

PB Blog: Eh si Ate Helen naman
Kuya Jorge: Naiyak siya! Tapos sinabi niya sa opisina na magpapa-ice-cream siya. Kaso sabi sa opisina, "Malamig po maam".

Tita Helen (galing sa malayo): Naku parang pang-telenobela ang reaksiyon ko.

PB Blog: Ilan nga ba silang natira sa 2nd screening? Si Ia lang nga ba Kuya Jorge ang pumasa?
Kuya Jorge: Sa undergrad sa Pilipinas, oo siya nga lang ang pumasa. Nung December pa kami tumatawag sa embassy para malaman ang resulta. Tinanong nga ni Helen e, 8 daw sa Pilipinas ang natitira. Marami nga naghihintay ng resulta pati mga taga-ibang bansa - gaya ng Malaysia ganun. Minsan nga, walang pumapasa sa Pilipinas e..Pero iyon nga, si Ia lang sa undergrad sa Pilipinas ang nakapasa.

PB Blog: Naisip nyo ba kung ano ang plano? Mag-isa ba siya dun o sasamahan ninyo siya?
Kuya Jorge: Ah mag-isa siya. Pero every Christmas e uuwi siya. Iyong pamasahe niya ang pag-iipunan.

PB Blog: So mga kelan na si Ia pupunta ng Japan?
Kuya Jorge: Sa March na.

PB Blog: Nitong March na?
Kuya Jorge: Oo e, kelangan na siyang andun before April 1. Kung hindi siya na magbabayad ng pamasahe niya.

PB Blog: Economics ang course niya di ba?
Kuya Jorge: Oo Economics. Pero iyong first year nya e mga language courses muna. Iyong school di pa sure kung alin. Basta sa Tokyo o sa Osaka. Meron pang test para madetermine kung aling school nga. Baka University of Tokyo o Keio University. Maganda dun di ba?

(Ang Tokyo University lang naman ang no.1 school sa Asia for the past 12 years na ata. At Top 20 school ito sa buong mundo)

PB Blog: So paano iyon i-dro-drop na ba nya ang subjects niya ngayong sem?
Kuya Jorge: Sabi ko nga tapusin muna niya e. Sayang din e. Marami pa siya matutunan. Saka iyong subjects niya sa Math nag-prepare para sa test niya sa scholarship. Sayang din.

PB Blog: So anong paghahanda ang kelangang pang gawin ni Ia?
Kuya Jorge: Matutong maghugas ng pinggan! Sabi ko nga dapat mag-practice na siyang tumirang mag-isa para matutunan ang mga household chores. Dapat kasi masanay na siya.

PB Blog: So maghahanda ka ba Kuya Jorge?
(haha, bitinin ba ang PB Blog readers? Pero mas maganda atang siya na ang sumagot nito, hehe)

PB Blog: Ano naman ang final message mo sa mga mambabasa ng Pamilya Banal blog?
Kuya Jorge: Katulad ng lagi kong sinasabi, pag may inaspire ka at you work hard to achieve it, makukuha mo iyon! Pero ako naman kasi, mas mahalaga yung VALUES kesa anumang SCHOLASTIC ACHIEVEMENT

(matagal na pause)

PB Blog: Iyon na iyon Kuya Jorge? Wala bang joke? Baka di sila maniwalang galing sa iyo iyan?

Kuya Jorge: hihihihihi (with his signature laugh/natatanging pagtawa).


************WAKAS NG PANAYAM**********************

Para malaman kung gaano ka-prestihiyoso ang Monbusho scholarship (parang 10 lang ata ang inaawardan nito sa isang taon sa buong mundo). At malamang kung aling universities ang ranked buong mundo, i-click ang mga link sa ibaba:

http://en.wikipedia.org/wiki/Monbukagakusho_Scholarship
http://www.arwu.org/rank/2004/top500(1-100).htm

4 comments:

Anonymous said...

congrats IA!!!
pasalubong nxt xmas frm japan huh...(pasalubong agad eh d pa nakakaalis...hahaha)
sana makauwi ka sa kasal namin ni Charisse.
Gudluck and God bless sau dun sa Japan...balita ko madaming Japanese dun sa Japan...hahaha...=)

Anonymous said...

congrats ia. you deserve it. ingat ka dun ha. always pray to god.

one said...

wow. galing mo ia.

Anonymous said...

congrats Ia. Don't forget to call us if you have problems there. The whole PB is supporting you.
in Japanese: NAZALIKODMOLANKAME