Saturday, January 10, 2009

Message from Charisse

Marahil ay natabunan na ng ibang posts at ibang messages, pero meron palang comment si Charisse:

Hindi pa po yan ang wedding invitation namin. Dito kasi you need to notify yung guests mo in advance sa wedding mo. That's what you called "Save the date" invitation.

Hmmm. Ano kayang ibig sabihin nito? Kung hindi yun ang wedding invitation, ibig sabihin hindi ba tayo invited? Ano bang ibig sabihin ng "Save the date", save mo yung date pero di pa sure kung invited ka ba o hindi? So waitlisted ka. Alangan namang "save the date" tapos invited ka sa wedding, e di ba iyon nga ang Wedding Invitation?

Ano ba talaga? Invited ba kami o hindi? Kung invited kami, e Wedding Invitation yun ano! kasi iniimbitahan mo kami sa Wedding! Kung "Save the Date" lang, at baka sakali mo lang pala kami iniinvite, e babasagin na namin ang alkansya namin ngayon pa lang. At mag-vacuum ka diyan, dahil di nyo matatanggap ang walis.

So game, Wedding Invitation ba iyon o Save the Date lang?

11 comments:

Anonymous said...

"Save the date invitation". Kasi po we are just giving heads up sa mga guest namin. Yung iba po kasi they are travelling pa from here sa states or nasa malayong lugar. Para po yung mga taong yun they can reserve na the date for us. So, sa lahat po ng nka-receive ng save the date invitation meaning you're invited sa wedding. Sa wedding invitation po kasi it has yung program and yung EMCEE po pala si TITO IDO kaya humanda na ang lahat. Hehehe...

Anonymous said...

Ganun naman pala Tito Ido! Eh bakit naman kasi may "save the date" pang nalalaman eh wedding invitation din yun. Tama ka Tito Ido, ang gusto lang namin malaman ay kung invited tayo o hinde.

Darwin's Theory said...

hahaha. korek! ayan magiging talk of the town na ang wedding nyo! haha

Anonymous said...

to make it short, lahat po kayo mga mahal namin pamilya banal ay invited sa wedding namin ni cha. ung purpose po kya ngbigay kmi ng save the date invitation ay para masave nyo na sa calendar nyo ung date ng wedding namin para no excuse kayo na d makakapunta sa wedding namin. kasi alam po namin na super busy ng mga myembro ng pamilya banal sa mga kanikanilang trabaho/buhay lyk si tita edith(president), tito ido(senior exec), tito par, tito egay, tito jorge, tita helen, tita ate at sa lahat pa ng myembro ng pamilya banal. =)

jorge said...

dear evot at charisse,

inaasar lang kyo nila tito ido at tita edith, alam na nila yung save the date save the date na yan, above sea level naman ang mga IQ nyan, masanay na kyo, patikim lang yan sa pang-aasar ng pamilya banal!

Darwin's Theory said...

haha. natawa ako sa above sea level. Mataas ang sea level sa Taal Lake.

Anonymous said...

inferness sa pamilya banal di naman na kailangang may "save the date" invitation pa lalo na sa mga okasyon na ganyan. kahit gaano pa sila kabusy di nila palalampasin ang mga pagkakataon na maging part sila ng most memorable part ng buhay nyo. at tama rin tito jorge, masanay na kayo lalo na si charisse sa mga pangaasar kasi more to come pa. hehe. to evot and charisse, congrats and welcome to PB.

Anonymous said...

sino ka po anonymous?hehehe...tnx tnx po... invited ka dn po sa wedding nmin anonymous...hehehe... =)

Anonymous said...

OO nga po kailngan ko na masanay kasi 'di pa nga po nagsisimula si Tito Ido sa matindi nyang pang-aasar pinatitikim pa lang po ako ng unti-unti. Nahihiya pa medyo si Tito Ido (kung meron).hehehe...

Anonymous said...

hindi siya nahihiya, tinitimpla lng nya ang sinasabi nya kasi alam nyang may mas matitindi pang magcocomment or mangaasar syo. kaya watch out ka lalo na sa mga walang kibo.hehe pero keri mo yan kasi sa states naman kayo magstay ni evot e. feeling ko naman matatahimik ang buhay niyo. evot salamat sa invitation mo pero sori at di ako makakarating. good luck nlng sa inyong dalawa at naway pagtibayin nyo ang inyong pagsasama. wag kayo magpapadala sa mga pangaasar o anuman galing sa ibang tao o kapamilya. dapat kayong dalawa lng ang nagkakaintindihan at magtiwala kayo sa isat isa. ipaglaban ang pagmamahal nyo at humingi lagi ng guidance sa diyos.

Anonymous said...

Thank you anonymous...