Monday, January 5, 2009

Paboritong Pagkain at Restaurants

Tuggets (Tofu Nuggets) @ Goodah by Carl

Di nga alam ni Carl na Tokwa pala ang kinakain nya. Nung maubos na nya ang 8 pieces, saka namin sinabi. Hindi pala siya kumakain nun...dati. Sabi nya wala raw pinag-iba ang lasa ng TUGGETS sa Chicken Nuggets. Ang kaibahan - ang presyo. Dahil ang 8 pirasong nuggets ay 29 pesos lang. Masustansiya kaya sobrang sulit.

Isa pang kakaiba sa Goodah ay ang kanilang Halo-Halo. Wala itong gatas. Sa halip, Chamito Ube Soy Milk ang ginagamit. Kaya may automatic na ube taste na kaagad. The best para sa mga lactose intolerant/bawal sa gatas.

Pero, di lahat ng Goodah branches ay may Tuggets ha, tanong nyo muna. Ang sigurado ay meron nito sa Goodah, Binan Laguna sa may Petron Station.

Steamed Dumplings @ Tasty Dumplings by Ayka

Hindi ko talaga kung ano ang meron sa loob ng dumplings na ito. Pero ito ang dumplings na nakaka-adik. Mapapansin ninyo na ang mga katabi ninyo ay talagang dumplings lang ang kinakain, wala ng iba. Ginagawa nilang kanin at ulam. Actually, OK din naman ang Pork Chop nila.
Ang OK dito e ~100 pesos ang babayaran per person. Mura na rin talaga. May branches sila sa Banawe, Ongpin at Masangkay sa Binondo. Balita ko meron na rin daw sa Serendra.
Par, isama mo naman kami minsan ng matikman namin.

Spaghetti in Malunggay Pesto @ Halo by Tita Helen and Ia

Medyo kakaiba sa kadalasang restaurant ang Halo, kasi nga isa siyang semi-VEGAN restaurant. Halimabawa ng kanilang menu ay Veggie Burger (galing sa bulaklak ng saging o Banana Blossom - iyong sinasahog sa pata tim), Eggplant and Cheese Tortilla at iyon ngang Spaghetti with Malunggay Pesto. Meron din namang chicken at fish, pero wala talagang Red Meat.

Interesting din ang kanilang mga inumin. Pero, ah, wala namang kanin juice. Merong Wheatgrass Cold Tea, Bohol coffee at tsokolate at ang kanilang specialty - tarragon tea. Ngapala, prices are also affordable. Ang mga dishes nila ay mula 70 pesos hanggang 150.

Matatagpuan sa Cubao Expo sa Araneta Center. Pag nadaan kayo sa QC puwedeng subukan.

Teriyaki Chicken @ Teriyaki Boy by Lola Maam.

Ito ang pagkaing babalik-balikan at madaling hanapin. Pero, di ko makuha ang recipe nito dahil secret daw. Sabagay ito talaga ang best seller nila.

OK sa Teriyaki Boy dahil meron silang Kid's Meal - OK ang lasa at hindi mahal. Puwedeng tempura o teriyaki chicken, na meron ng kasamang fruit BBQ (yes!), chocolate jelly at iced tea. OK dito kasi mabilis talaga ang service. Makikita ang Teriyaki Boy sa inyong paboritong Mall, maski Starmall meron.
Hot Prawn Salad @ Le Garden by Ate.

Kung nakakain na kayo ng Prawn Salad, e ibahin ang version ng Le Garden. Dahil dito e talagang buong-buo ang Prawns na ubod ng laki. Medyo malutong sa labas pero sobrang lambot sa loob. Malinamnam dahil para talagang salad - merong cherries, apple, at marami pang prutas at higit sa lahat 'very generous' serving of cream.

Matatagpuan ito sa Paseo de Carmona; Carmona, Cavite.

Tara game. Kain na tayo!

4 comments:

ayo said...

wow! ang sasarap nman. meron ng appetizer, main course at dessert ah. ako favorite ko na soup yung nasa Josephine's Tagaytay: Mutya ng Cavite. da best soup para sakin.
sluuuurp. sarap!

Anonymous said...

nagutom ako sa mga nabasa ko...masarap na nakainan ko ay:

Casa Verde sa Cebu - specialty, baby back ribs at super mura lng, 145 pesos lng at 2 pcs na un...

Sutukil at AAA's Grill sa cebu again - super sarap ng grill fuds...hehehe

Dampa sa paranaque / libis area or Seaside restaurants sa metrowalk - ang sarap nung buttered garlic na shrimp...

EGAY said...

Ang lagi kong binabalikan pag nasa Diliman ako, RODIC'S Tapsilog, sa UP Shopping Center. Php60/plate.

Aircon na nga sila ngayon! Dati kasi todo paypay, mainit ang place para di ka na tumambay, dami kasi kumakain.

Evot, la ka kadala-dala ah! puro sa Cebu mga resto lista mo! dahil ba sa food o sa mga...???

Anonymous said...

Speaking of UP, ang favorite kong pagkain nuong estyudent pako ay ang BBQ @ Beachhouse (Super sarap talaga nito, dati P12 per stick) at chickencutlets in mushroom sauce sa CASAA (P30 per order, may rice na)!!! Partner it with watermelon or dalandan shake (P7 per baso), da best! So one time bumalik ako, medyo disappointing dahil di na ganun kasarap, but nalaman ko na meron na rin palang mongolian food dun (P50 per bowl, anything you want in ur bowl, spiced with mongolian sauce). Sa mga madalaw sa QC, try nyo!