Dear Cousin Kuya Jim.
Di ko pa sure ang plano this year. Ikuwento ko na lang sa iyo, at pakisabi ang opinyon mo. Di ba 3 taon na kaming nagpapa-aral ng scholar. Mag-college na sila this year. Iyong isa OK - tuloy sa college. Mag-IT sya at pasado sa FEU so OK.
Pero yung dalawa kasi, ang baba ng grades e. Di namin sure, kung papag-aralin pa sa college. Tapos di pa siya honor student. E anong klaseng scholar naman yun kung di honor student.
Ang kelangan desisyonan, tuloy bang pag-aralin ang dalawang estudyante na mababa ang grades o hanap na lang kami ng bagong graduate sa elementary at pag-aralin sa High School? Ano sa tingin mo?
*****
Gusto mong practice kita sa interview mo para sa embassy? Ginagawa ko yan sa opisina namin. Bago interviewihin ng mga American lawyers ang ina-applyan namin, dumadaan muna sila sa akin - para tama ang sagot nila. Gusto mo? Kaso masungit ako ha =). At wala talagang kamag-anak pag trabaho ang pinag-uusapan hahaha. Gusto mo?
14 comments:
Pasingit, Do, kahit hindi ako ang mag-aabroad. Interesting naman topic mo. Grabe, mag-apply ng VISA. On-line application pa lang para sa form na dadalhin (DS160), kahirap na.
Maganda talaga, if you can give some tips. Kanina, nagbigay ng tip ang Auntie. Eto yung conversation:
Auntie: "Minsan tiningnan pa lang ng Consul ang iniiterview, di na pumapasa. Siguro may problema din sa documents."
Question: "Pwede ba interpreter?"
Auntie: "Hindi"
"Naku! baka mahirapan si Jim?" (joke only).Pwede naman daw, English carabao.
Isang tip nya ay wag magpahalata na gustong-gusto mo.
hi Ate Yet. Medyo challenging mag-apply ng visa to the US. UK, medyo madali. Canada, medyo madali din. US Visa - walang criteria - at para kang nag-de-defend ng thesis. 12 beses akong na-interview sa US Embassy - so lahat na ata ng klaseng tanong nakuha ko na.
Meron kaming kasabay na ininterview dati - malubha ang sakit ng tatay at nasa hospital na. Na-deny pa. Meron namang pamilya kasama pa pati yaya - approve silang lahat.
Sige pra-practin din kita, if you like =).
nung ininterview ako sa US embassy eh pagpasok ko dun sa cubicle/room eh nakita ko yung papers ko na hawak nung consul na meron nakatatak na "Approve"...konting question lang yung tinanong sakin nung consul...masmarami pa nga tanong yung naunang naginterview sakin before yung consul... pero I think super different yung interview sa pagaapply ng immigrant visa at tourist visa...
yes cousin love it ! praktisin mo ako habang nag popoker tayo sa pina colina .
HAPPY BIRTHDAY INVANCE IDO !
tama lang na mag hanap ka ng another students na poor pero matalino , sayang naman kasi ang talino nila kung hindi magagamit sa tamang paraan !
Nung nag-apply ako ng US visa, immigrant na ako sa Canada kaya siguro medto ok ang result (10 years). Pero siguro dapat lang kumpleto sa papeles at wag pahalata ng gustong gusto mo makpunta ng US. Saka dapat lang sincere ka sa mga sagot mo at ma-feel nila na di ka mag TNT doon.
Thanks, Tes, for the info. Very helpful s'ya.
Yes, Do, I really like it. Maka-pagpractice sa isang jetsetter katulad mo. Hope, we have time. i have nothing to lose.
Sa katulad ni Boyet, wala sigurong problem no?
Hi ate yet, nakita nyo yung list of requirements sa internet? kakatapos ko lang ng interview sa US embassy dito nung tuesday. Eto ang mga tanong:
1. So tell me about the nature of your trip?
2. What papers are you presenting in the conference?
3. So who is funding your trip? Do you have enough funds to support your trip? (Buti na lang school ko ang magbabayad ng pamasahe hehe)
4. How many years have you been studying in singapore?
So after nun wala naman hningi na papeles at sabi nya my visa is approved.
sabi dun sa guide, tinitingnan daw ay ang "intent" mo sa pag-alis at "ties" mo sa bansa mo. Kung may trabaho ka at established ka sa trabaho; or kung may business ka at mga ari-arian, malamang di ka mag TNT o magwowork sa amerika ng illegal...
syempre iba ang case ko dahil conference kumpara sa tourist; kasi pag magtuturista ka kelangan mo daw patunayan na may enough ka panggastos sa pagt tour mo, at may titirhan ka dun, so baka maghanap ng bank statement.
Nice. dami na nag-share ng experiences nila para matulungan sila Kuya Jim.
Tingin ko:
1) Apply for Immigrant status - madali, pre-approved na ito. Di ka tatawagin for appointment kung di ba approved. So tama si Evot
2) Aattend ka ng company sponsored meeting. Or school/education seminar or event - Madali din. Reputasyon ng companya o ng school ang inaa-approve
3) Tourist na magbabakasyon for 2 weeks - say sa Disneyland o Hollywood. Depende sa kayamanan =)
Medyo challenging iyong TOurist na may bibisitahin. May automatic suspicion na mag-TNT. Kelangan lang kumpleto ng documentations at solid at consistent ang sagot. Kaya yan!
Korek ka dyan Yet, hindi masyadong mahirap para sa katulad namin na seaman ang mag renew ng US VISA pero minsan kahit renew na nga ay may bumabagsak pa rin.
Nahirapan din ako noong unang kuha ko kasi nga ay wala naman akong experience sa pag babarko kaya grabe sa paliwanagan ang ginawa ko sa consul sa US Embassy para makumbinse ko sya na apruban US VISA ko.
Nga pala kahapon ang interview ko sa US VISA ko at sa awa ng Diyos ay narenew ko ulit for another 5 years! Kaya masaya na naman si Rhoda kasi tuloy na naman ang tangap nya ng dollars! he he he.
Wow, very comprehensive at given na ang mga expected na questions galing kay Che! At ang gaganda ng mga insights ni Ido at Boyet. Thanks, talaga kasi these things will be of help talaga. Makapag-practice nga, kunyari ako ang Consul, interviehin ko si Jim.(di kaya, dumugo ang mga ilong namin...)
Any other tips will be highly appreciated. I'm sure may mga exciting experiences din ang ibang PB re: VISA interviews.
Gay, how about you, any 5cents worth advice. I heard you are also a jetsetter.
Hi tita yet! Ito po yung usually ng mga questions: 1. Length of stay 2. Purpose of visit 3. Who will be responsible for accomodation, food, travel expenses 4. Unplanned departure dates 5. Where to stay? Address. Pde din po ako gmwa ng invitation letter. I dnt knw if it will help po maapprove.
Hi, Cha,naisip din namin yon pero di ba masasabi rin iyon during the interview tungkol sa purpose for coming? Pero sige, gawa ka na lang. Ano ba ang maganda email tapos iprint nalang o letter talaga. Ikaw na bahala. I think, it will help para may idea na kaagad sila before the interview.
Nye, yung mga visa application namin dati sa company-sponsored trips e pakita lang mukha sa konsul. Ito daw yung tawag nila eh "physical appearance", tapos submit ng passport as a group. After a week, lipad na kami.
Pero ang advise sa min nun, pag tinopak ang konsul at me interview:
1. Be calm. Appear "professional" and business-like.
2. Kung ano yung tanong, yun lang sagutin. (me mga kausap daw kasi masyado mapalabok ang mga sagot, lam mo na)
3. You are going to the U.S. on purpose and state that clearly. Date, place and departure back to Phil.
4. Be sure you have your passport with you during the interview...he he he.
Post a Comment