#1) Seat 1A
Papunta ako ng Chicago galing Washington DC. Nagtaka ako, bakit hindi ako tinanong kung anong gusto kong upuan - aisle ba o window. Binigyan na lang ako ng ticket. Sobrang tuwa ko naman ng makita ko ang seat number ko - 1A! Wow imagine, 1A. Ibig sabihin ako ang pinaka-importanteng pasahero sa buong flight. Yes!
Yun ang akala ko. Nang pumasok na ako sa eroplano, bigla akong natawa. Kasi 12 lang pala ang pasahero - at lahat kami aisle at window seats. Isa pa ang piloto namin ang kumuha ng tickets namin - astig di ba! Piloto na stewardess pa.
#2) Kandado ang pinto
Palipad kami ng Virginia galing Detroit. Wala pang isang oras ang biyahe, dahil di naman kalayuan - parahes asa East Coast.
Nung papa-take-off na kami. Meron kaming narinig na mga lagabog. Nagkatinginan kami lahat. At mega shock! Ang mga maleta namin ay nagkalat sa runway, hahaha. Nalimutang isara ang pinto ng cargo. Bumalik kami sa tarmac - at ayun, naghintay pa kami ng 3 oras, at nagpalit ng eroplano.
#3) 4th is the lucky landing
May storm kasi nun. Galing akong Cleveland at magbabakasyon sa Florida. Di naman mahaba ang flight, pero grabe mula simula e turbulent na. Alog alog ang plane at nakakahilo na. Nung papalapit na kami ng Miami, eto na po ang problema. Dahil sa lakas ng hangin di kami maka-landing.
Nag-try mag-land ang plane for the first time. PALPAK. Balik kami sa taas, tapos hintay ng 10 minutes.
Landing ng pangalawa, MAS PALPAK. Eto iyong tipong bumukas ang mga overhead bins at nahulog ang ibang maleta.
3rd landing WORST PALPAK. For the first time, nakita kong nagliparan ang mga diyaryo, note book, cans ng softdrinks sa buong eroplano. Ngayon nakakatawa pag iniisip, pero nung panahong yon e takot na takot kami lahat.
#4) Lifevest na pangmahirap
Bakasyon kasi kami galing Sao Paolo, Brazil papuntang Argentina, so Economy Class. Sakay kami ng TAM airlines. Nung binabasa ko ang manual - dun ko na-realize na wala pala kaming Lifevest. ANO BA YAN? So paano gagamitin namin? Iyon daw kuchon na inuupuan mo ang yakapin mo in case of emergency! hahaha. natawa talaga ako sobra. Kung sakaling may emergency, mayakap mo pa kaya ang kuchon mo?!?!
#5) Bed 180
Minsan may maganda rin namang nangyayari sa airplane. Tinawag ang pangalan ko sa intercom, akala ko ililipat na naman ako ng flight. Iyon pala - i-u-upgrade ako. From Business Class gagawin akong First Class. Flight ito from Manila to Paris, so 15 hours. Sulit!
Ang upuan nagiging kama. Binigyan pa kami ng damit pantulog. Merong stewardess na naka-assign sa bawat 3 pasaheros. Walang mealtime - kasi maski kelan mo gustong kumain, dadalhan ka ng pagkain. First time ko kasi yon. So nung inalok ako ng pagkain: Prawns, Turkey, or Beef? Sabi ko, puwede ba iyong lahat. hahaha (jologs!). At syempre, binigyan nila ako ng lahat. Wala ring oras sa panonood ng movie. Sabihin mo lang kung kelan mo gustong manuod, at kung ano ang gusto mong panuorin, papaandarin nila.
Sarap buhay. Lalo na libre pamasahe =).
No comments:
Post a Comment