Friday, March 4, 2011

Nasaan ang Pinoys Abroad

Sa pagtatapos ng 2010, tinatayang 11 Milyong Pilipino ang nasa abroad.  Ito ay ~11% ng populasyon ng Pilipinas.  Karamihan ay kababaihan, na domestic helpers o kaya personal service workers.

Noong 2009, umabot ng $17 Bilyong (US Dollar ha), remittance ang naipadala sa Pilipinas ng mga Pinoy overseas.  Kaya nga ang tawag ni GMA ay  OFI = Overseas Filipino Investor.

Nasaan ang mga Pinoys abroad?

1) United States
- Sabi ng US government,  4 Milyong Pilipino ang asa US. 
- Sa katunayan, ang Tagalog ang pang-lima sa most-spoken Languages sa buong US

2)  Saudi Arabia - alam na natin ito

3) Canada
- Noong 2008, tinalo ng PIlipinas ang China sa bilang ng mga immigrants papuntang Canada

4)  UAE
- Lalo na sa Dubai at Abu Dhabi, nagiging preferred destination ng mga Pinoys na asa larangan ng HRM

 Kumokonti na ang mga Pilipino sa Japan, di tulad nung 80's at 90's.

Maraming PIlipino abroad ang hindi dokumentado (walang passport, TNT etc), kaya napakahirap matiyak ang tamang bilang. 



1 comment:

Evot said...

Super dami nga ng mga pinoy dito sa US...kahit saan ka pumunta dito sa CA eh meron ka makikitang pinoy...sa hospital nga eh madaming doctor na pinoy at pwede ka pa humingi ng pinoy translator kung amerikano doctor mo...

Una ko napuntahan na bansa eh Singapore,malaysia then thailand. Sayang at hindi ako nakapunta sa paris,france nung nasa germany ako kasi 1hour train nlng from sa hotel ko sa germany eh nasa paris nko...
At nakapunta na din kami ni cha sa Hawaii...ay state pla yung hawaii at hindi bansa...hehe