2 beses na kaming naka-pag Cruise. Pero parehas sobrang tagal na - lagpas 10 years ago na. Yung una, asa Europe na rin kasi kami - tapos gustong ma-experience kasabay ng may sale - Go!
7 nights lang ang pinili namin. Di namin kasi sure kung ano ba nangyayari sa cruise. Saka di naman ako marunong lumangoy hahaha.
Ang kinuha namin ay Mediterranean cruise. Ang itinerary namin ay ang tinatawag na Basic European cruise =). Bale nagsimula kami ng Venice, Italy tapos pumunta ng Bari. Then Greece, Turkey tapos sa Croatia and then balik ulit sa Venice.
Ang second cruise ay 2 years later naman. Carribean cruise naman. Sorry Tito Boyet, di pa namin alam ang Royal Carribean dati - kaya Carnival cruises kami. 8 nights din - at bumisita ng 4 na bansa sa Carribean.
SINO ANG NAG-CRU-CRUISE?
Totoo ang tsismis, karamihan mga senior citizens. Lalo na sa US - Carribean lines. Tantya ko mga 70% ay senior citizens. Marami ring mga honeymooners, at ang iba ay pamilya. At ang pa-ilan-ilan ay mga kung saan-saang galing bansa. Merong taga-Pilipinas, Australia, meron dinga mga Japanese.
MAHAL BA MAG-CRUISE?
Oo. Pero di naman sobrang mahal. Madalas, merong mga sales - maski anong destinations o routes. Kelangan lang ng tyaga sa pag-aabang.
Pag cinompute mo kasi ang magagastos mo sa paglipat-lipat ng mga bansa, di na masama ang presyo ng cruise.
BAKIT KA MAG-CRU-CRUISE, puwede namang airplane?
Relax kasi sa cruise. Pag-board mo ng ship at pagpunta sa cabin mo - iyon na yon, maghihintay ka na lang makarating ng destination. Kay rin siguro wala masyadong teenagers or tweens na nag-cruise, unless kasama ang buong family. Kasi baka boring para sa kanila.
At marami ring magagawa sa ship. Merong shopping, merong parang mall. Merong spa, jacuzzi, tennis court, bar, sinehan. So para ka ring asa city. Iyong mga ibang cruise ships merong malalaking casinos - merong tables at slot machine.
MERON BANG CRUISE na galing Pilipinas?
Ang Manila Bay Cruise lang po =). May balak daw ang Star Cruises na mag-start sa Pilipinas - pero dati ko na narinig yan, wala pa rin. Sa Subic daw, so sana magkatotoo. Kung gustong mag-cruise, kelangan pang pumunta ng HongKong, Singapore, Taiwan or Malaysia.
ANO ANG ITINERARY ng StarCruises?
Ang SuperStar Libra (3-nights): Penang, Malaysia --> Phuket, Malaysia --> Krabi, Malaysia --> back to Penang
Ang SuperStar Virgo (5-nights): Singapore -> Penang, Malaysia --> Phuket, Thailand --> Singapore --> Malacca, Malaysia --> Kuala Lumpur, Malaysia --> then back to Singapore
No comments:
Post a Comment