Nung 2009, ang published tuition fee sa Ateneo ay 2,517.03 per unit. Kasama ng extra charges, laboratory fees, miscellaneous fees at iba pang expenses, ang tuition fee sa Ateneo ay aabot ng 100,000 P every year o dalawang semestre. Well, kung ang course mo ay Comp Sci o yung may mga laboratories mas mahal pa.
Kung meron kayong anak sa 4th year high school na gustong pag-aralin sa Ateneo, ganyan po ang kelangan ipunin - 100,000, sa isang taon.
Ang 100k isang taon ay - 8,333.33P kada buwan. O kung di leap year, ito ay 273.96P kada araw.
Malaking halaga nga pala. Pero puwedeng pag-ipunan.
8 comments:
ido ano kaibahan ng ateneo sa ibang school ?
Interesting. There are PBs who dream of studying in Ateneo and of course in UP. Correct me with this,"it will help you if you will enroll in UPCAT this summer for you to be ready for next year's Entrance exam."
mag apply na lng ng scholarship, o kaya mag varsity player para me bawas sa tuition
Hi Kuya Jim. Ang Ateneo kasi asa Top 100 best schools in Asia. Tingin ko dahil magagaling ang mga professors. Saka Catholic school kasi siya, so iyong mga magulang gusto dito. Magagaling ang mga ka-opisina naming galing Ateneo.
Tita Yet, ibig mong sabihin mga review classes? Tingin ko makakatulong, pero di naman kelangan. Paturo sila kay Miguel =).
Nalimutan kong sabihin sa inyo. Di ba pumasa si Miguel sa UP. Pumasa rin siya sa Ateneo =). Tito Egay, saan na mag-aaral si Miguel?
Tama, Ayo! Thanks, Ido. Pwede nga siya magpaturo ng mga tips sa exam kay Mig.
Tito Ido, sa U.P. pa rin daw siya. Ni hindi nga pinuntahan yung orientation ng Ateneo. Pilit nga namin attaned siya, baka kasi makumbinsi pag nakita o narinig sales talk ng Ateneo during the orientation. Kaso, ayaw talaga.
Buti na rin yun...laking tipid ata nun! he he he. Pero sayang din yung chance.
Oo nga, magagaling ang mga friends ko na mga taga Ateneo. Saka parang mas mababait at masisipag sila kesa saming mga taga UP... hehe.. but i guess depende din sa course... ano nga ang course ni miguel?
BS Bio. Me balak mag-med after, kaya pag nakalusot, mas me chance sa PGH mag-proper....sana
Post a Comment