Paano ba masusukat ang kasanayan sa MAANGHANG na pagkain? Pag naglagay ka ba ng Hotsauce sa pizza - mahilig ka na sa maanghang? Pag mahilig ka sa Spicy chicken ng KFC, spicy person ka na ba?
Finally, puwede ng i-measure ang tolerance sa ANGHANG. Ang BUFFALO WINGS N' THINGS ay nag-open sa Pilipinas last year. Ang spicy chicken wings nila ay merong 5 level:
1) Rookie (mild, para lang KFC)
2) New York's Finest (may sting, parang BonChon Chicken)
3) Firehouse Classic (may kagat sa dulo)
4) Dial 911 (hehe)
5) Nuclear (pamatay)
Ang challenge: Kaya mo bang kumain ng 5 piraso ng chicken wings, na walang inuman ng tubig, coke o beer?
Since mahilig ako sa maanghang, triny ko ang NUCLEAR challenge nung October. GRABE. After ng 2nd chicken ko - sumuko ako. Beer kaagad. Madikit lang ang balat sa dila mo - umaapoy na talaga.
Pero last week, natapos ko ang challenge. Nakakain ako ng 8 NUCLEAR na walang inuman ng beer o tubig o softdrinks.
Sino sa PB ang gusto ng challenge na ito? =). Try natin kung makapagdala ako ng NUCLEAR. Iniisip ko pa kung ano ang premyo - trip to Thailand (joke!) or dinner sa isang nice spicy restaurant. Sino muna ang sasali sa challenge - we'll see what we can arrange.
3 comments:
yung oishi na hot and spicy nga pinapawisan nako eto pa kaya. baka di ko pa kaya ubusin ni 1 rookie!
I am in! kahit anong Nuclear pa yan! Go!Go!Go!
interested ako tito..i want to try!
Post a Comment