Showing posts with label Outing. Show all posts
Showing posts with label Outing. Show all posts

Tuesday, April 5, 2011

POKER OUTING

Ang tanong bago outing, sino kaya ang mananalo sa PB Poker, ngayong wala na sa Evot?  Eto ang resulta ng Poker Night last weekend.  remember, merong added difficulty ito kasi nag-po-poker sa gitna ng ganaw.

GAME 1:
WINNER:  Tito Egay

GAME 2:
WINNER (naghati na lang):  Tita Yet and Tito Ido

GAME 3:
WINNER:  Tito Jim

GAME 4: (x2)
WINNERS (naghati ulit):  Tito Ido and JayE

So ayun.  Ang sagot sa tanong...iba-iba ang mananalo.

NANGA-NGAREER NUNG OUTING

CAREER SA DANCING






CAREER SA PLANNING



CAREER SA CHEERING



CAREER SA POSING


CAREER SA HOSTING


CAREER SA GAMES



CAREER SA PAGBABANTAY

Outing Games

Dahil sa venue, iba rin ang mga games nung outing.  Nagpa-laro si Tito JOrge ng rugby na sobrang inenjoy ng lahat.  Here are the pictures...thanks to Kriza, Camae, and Shiela




pati ang mga kids meron ding playground






Monday, April 4, 2011

my Advanced Bday at the Outing

Maraming salamat sa PB for giving me an advanced party during the outing.  Alam ko sila Tita Par ang bumili ng birthday cake - Thanks Tito Par.

Meron ding special presentations ang PB

- Ashlie's song numbers: Billionaire at Listen.  Di ko alam na songer pala si Ashlie maganda ang boses niya ha inferness. 

- Andrei's Justin Bieber dance numbers.  Ayos naman sila JayE - isang singer at isang dancer.  Nice.

- Unyoy's kalas buto dance number

Syempre di rin papatalo ang mga 2G, nagsayaw din sila Tito Par, Tito One, Tito Egay, Tito Jorge.  Nagsayaw ba si Tito Jim, di ko maalala.  O kinalimutan ko na lang hahaha.

But the biggest surprise of the presentations was Pia - pinakita kasi ang kanyang 3 talents ng paulit-ulit.
1) Dance number ng Just the Way You are - with matching choreography.  Tinuruan pa nya kami.  Malapit ng matapos ang kanta na-X pa kami sayang.  Si Tito Jim ang nanalo dito.

2) Song Number with Journey (by Lea Salonga)

3) Speech na dineliver nya nung Graduation nila.  Grabe ang haba ng speech at ang lalalim pa ng ibang words - meron pang cursive at kung ano-ano pa. 







Maraming salamat ulit sa mga performers at sa buong PB for making the bday memorable.

Outing Food

methinks nag level-up ang food nung Outing.  I think dahil mababa ang boto lagi ng FOOD pag outing, nag-effort ang marami para gawing masarap ang pagkain. 

Tito Boyet and Tito Rhoda's Siomai and Scramble  - 4pm pa lang naka-set-up na ang stations.  The siomai was a hit as always.  Pero ang scramble ay BLOCKBUSTER.  Ang haba ng pila sa dami ng gustong makatikim at gustong mag-2nd round.




Shiela's Baked Potatos with Mushroom and Bacon - Sinfully delicious.  Ramdam mo ang mantika sa mga ugat mo.  haha.  Pero sarap talaga.  Ang bilis nga naubos.  Ganyan masarap na food - konti lang para it will leave you wanting more.

for dinner
Lolipot and Tita Edith's Steamed Crabs and Chilli Crabs + Shrimps - alam ko sobrang mahirap maghanap ng crabs pag April.  Pero astig ang crabs na ito - malinamnam at mataba.  Mas gusto ko personally ang steamed crabs, pero si Tito Jim at ang may request ng chilli crabs.  Parehas masarap

Tito Egay's Roasted Chicken and Tito One's BBQ - is a hit with the kids.  Lalo na kay Gab =).

Lola Maam's Pata Tim - I loved this, lalo na pag sinabaw sa kanin.  Sobrang lambot ng laman.

Lola Tiyang's Caldereta and Adobo - napansin ko iyong caldereta with Olives.  Sosyal.

JayE and Shiela's Crabsticks salad with Ceasar Salad Sauce - nung una kong makita ito, di ko mawari kaagad.  Kakaiba talaga - may crabsticks sa salad.  Sosyal

Tito Par and Tita Bhogs Lechon from Elar's -   Ibang sarap ito than usual lechon.  Kakaiba talaga ang lechon from Elars.

di ko po alam kung sino nagdala ng maraming maraming drinks - thanks po!

after dinner
Tito Par and Tita Bhogs Chichirya - pati ang chichirya namin ay nag-level up na rin!  Syempre meron pa ring kropek.  Pero grabe ang Boy Bawang at Sugo peanuts - napalitan ng Growers Mexican Style less fat Peanuts.  Ang Rin-Bee napalitan ng V-Cuts.  Ang Oishi - napalitan ng Vegan chips. At meron pang Chicharitos.  Nung nakita ko nga kung gaano karami ang chichirya - ang reaksyon ko ay Exag!  Todo na talaga to.





Again, maraming salamat sa mga nagdala ng pagkain.  Salamat din sa nagdala ng drinks at bumili ng water, at yelo.  Salamat din po sa nagdala ng fruits.

Outing Rooms

Kung minsan nahihirapan maghanap tulugan kapag outing, iba ang experience namin nung Outing.  Ang daming tulugan!!! 

Total of 8 rooms kasi, at each room kasya ang 6 people na comportable matutulog.  Ang set-up ay 2 double-deckers bawat room.  Sa bawat room, merong mga aparador.  Actually meron ding aircon, ewan kung merong gumamit nun.




Meron ding tulagan si Ditse - bale sa first floor na siya para di na kelangan maghagdan at malapit


sa CR.  Ang bawat cabin merong kitchen incluing ref.  Meron ding TV with Cable sa may sala.

Tingin ko, maayos ang tulog ng PB sa outing na ito.  Masarap kaya matulog ng maginaw, at nakabalot ng kumot.  Lalo na kung Summer!

Nagustuhan ninyo ang mga rooms?

Pina Colina

Isang kakaibang outing ang PB2011.  Mahirap i-compare sa mga ibang outing dahil siguro sa venue.  Sa ala-ala, ito ata ang kauna-unahang beses nag-outing ang PB sa Tagaytay.

Ang PB Summer Outing attire namin ay jackets at sweater=).  Nung bandang 7pm na, grabe na ang lamig lalo na dala nung malalakas na hangin.  Di na kelangan ng aircon. 





Challenge din ang swimming, pinuntahan ko ang mga bata - enjoy naman sila, kaso nga ngatog na ngatog talaga.  Pero since may jacuzzi naman, enjoy ang PB3G at 4G na magbabad nung gabi na. 





Malaki ang outing venue namin.  Para siyang isang malaking compound.  Galing nga kasi na-reserve ni Tita Edith ang tatlong cabin, so parang amin ang kalahating area ng lugar exclusively.  Sa Cabins 1 and 2, ang ganda ng view from the terrace - overlooking Tagaytay at ang Pineapple plantation.




Since maluwang ang area, puwede mag-volleyball at puwede din mag-football. Ang mga bata naman nag-enjoy sa paglalaro sa inflatable playground. 




Ang binayad sa outing ay P600/person.  Matatandaan - last year 570 pesos ang binayad natin sa Pansol.  So di na masama. 

Nagustuhan nyo ba ang venu natin?

Kakaibang PB Outing 2011

Talagang kakaiba - paano ba naman first time ng PB mag-"Summer"-Outing pero ang mga tao naka-jacket o sweater.  hehe
Nag-enjoy ka ba sa PB Outing 2011?

Friday, April 1, 2011

PB OUTING...BUKAS NA!

Ang bilis ng araw.  Bukas na ang PB Outing.  1 Tulog na Lang.

Mga Paalala ni Tita Edith
- Magdala ng jacket.  Dahil baka umulan sa gabi.  At maginaw sa Tagaytay
- Merong 30 towels na ibibigay.  So magdala na rin tayo para sure
- Pina-reserve na rin pala niya ang jacuzzi Saturday night for a few hours.  Thanks Tita Edith
- Magluto po tayo sa cabin nila Tita Edith.  Kasi di ba pag nagluto - merong dagdag na 10% charge.  So sa kanila na lang tayo magluto.  Pag nagluto kayo sa inyo - sisingilin ko kayo ng additional 10%.  malinaw?

KAKAIBANG FOOD
- So anong dadalhin ninyong kakaibang food?
- Meron kaming Lechong Sisig from Cebu.  Salvaro for snacks.  At Budaw for breakfast. 
- At saka nga Nuclear Bomb Chicken for the challenge.

See you all tomorrow!

Thursday, March 31, 2011

2 Tulog na Lang

...PB Outing na

So meron palang 2 contestants para sa Spicy Food challenge.  Very nice.  Iniisip ko pa ang prize - will most likely be dinner at Intercontinental Hotel - where they serve the best and spiciest food.  (sama ko syempre).  Assuming papasa sila of course =).  Pag di sila pumasa - meron silang date with Inidore for at least 3 days hehehe.

What to Bring:
  • Food!  (including merienda, chips at kung anu-ano pa)
  • Swimming Attire (Tita Edith, kelangan ba swimsuits?)
  • Mahjong, poker set, cards, PSP, iPad (para sa meron), iPhone, iPod, Galaxy tablet, Toys for Kids
  • Salbabida, Swimming pool toys
  • Sun Block/Sunscreen
  • Shades
  • Money (pambayad, pantaya)
  • Light Jacket (baka malamig sa gabi)
  • (Tita Edith, do we need to bring towels?)

Tuesday, March 29, 2011

3 Tulog na Lang

...PB Outing na!

May comment si Tita Edith about the games.  Di ko siya kung ano ang dahilan kung bakit hindi excited ang PB sa games katulad din ng food.  Puwede kasing ibig sabihin nito e mas gusto nila na mas OK na games at mas OK na food.  Pwede.

Pero pwede rin talagang di tayo excited sa food at games.  Kasi nga busy-busyhan din naman ang lahat sa outing:  nagpo-poker, mahjong, internet games, swimming, chickahan at kung anu-ano pa.    Either way, mukha namang nag-e-enjoy ang karamihan.

So not sure,  ano palagay ninyo?

Ngapala - asa Cebu ako for meetings not sure kung makakablog ako while there.  

4 na Tulog na Lang

...PB Outing na.

Ayon sa poll, di na masyado excited ang PB sa mga games sa Outing.  So I guess, ang priority talaga ay mag-relax.  Well, given na bago rin ang venue - opportunity to explore it at mga amenities.  Again, public place po ito - so expect na merong kasama.  At ang ibang gamit ng mga facilities ay MAY BAYAD - so magtanong, muna OK, bago mapasubo.

Meron ba kayong questions about the venue?   Or activities na gustong i-suggest?  Alamin na natin just in case merong kelangang dalhin. 

Monday, March 28, 2011

Spicy Test

Paano ba masusukat ang kasanayan sa MAANGHANG na pagkain?  Pag naglagay ka ba ng Hotsauce sa pizza - mahilig ka na sa maanghang?  Pag mahilig ka sa Spicy chicken ng KFC, spicy person ka na ba?

Finally, puwede ng i-measure ang tolerance sa ANGHANG.  Ang BUFFALO WINGS N' THINGS ay nag-open sa Pilipinas last year.  Ang spicy chicken wings nila ay merong 5 level:

1) Rookie  (mild, para lang KFC)
2) New York's Finest (may sting, parang BonChon Chicken)
3) Firehouse Classic (may kagat sa dulo)
4) Dial 911 (hehe)
5) Nuclear (pamatay)

Ang challenge:  Kaya mo bang kumain ng 5 piraso ng chicken wings, na walang inuman ng tubig, coke o beer?

Since mahilig ako sa maanghang, triny ko ang NUCLEAR challenge nung October.  GRABE.  After ng 2nd chicken ko - sumuko ako.  Beer kaagad.  Madikit lang ang balat sa dila mo - umaapoy na talaga.

Pero last week, natapos ko ang challenge.  Nakakain ako ng 8 NUCLEAR na walang inuman ng beer o tubig o softdrinks.  

Sino sa PB ang gusto ng challenge na ito?  =).  Try natin kung makapagdala ako ng NUCLEAR.  Iniisip ko pa kung ano ang premyo - trip to Thailand (joke!) or dinner sa isang nice spicy restaurant.  Sino muna ang sasali sa challenge - we'll see what we can arrange.



5 Tulog na Lang

5 Days na lang PB Outing na!

Ayon sa PB poll, pinaka-excited pala ang PB na "Mag-relax at magkita-kita".  Hmm yan lang pala gusto nyo, bakit nag-outing pa, hahaha.  Sabagay mataas din ang boto ng "Makita ang venue".

Di pala excited ang PB sa food.  Hmmm bakit kaya.  Baka dapat itaas natin ang level ng food ng PB Outing.  Kasi every year, naaalala ko na eto lagi ang pinakamababang votes. 

Sa food poll, ang pinakamataas na boto ay para sa Shrimps/Prawns.   Kakagulat din na mataas ang pizza.  Mataas din ang boto ng "Iyong kakaiba".  Interesting. 



Thursday, March 24, 2011

PB Outing Activities

Wala pang naka-planong activities for the PB Outing.  I mean, for sure merong mag-poker, merong mag-mahjong, meron ding mag-online gaming, maraming mag-swimming, at mas maraming magkukuwentuhan. 

Plus, we have a new venue - which is already exciting.  Mukhang maraming puwedeng gawin sa Pina Colina, ano?  Sabi sa site, di pa gawa ang Game Rooms, sayang.  Pati na rin ang Badminton ay volleyball courts.  Ate Edith, alam mo kung gawa na ito?

Meron ding massage for 400P per hour.  Yung elevated jacuzzi meron din palang bayad - 1,200 per hour good for 10 people. 

Syempre libre ang swimming kasi naka-check-in tayo.  At libre din ang wifi - so bring your laptops, iPads, iPhones, iPods etc.

Tuesday, March 22, 2011

PB Outing Decision - To Cook or NOT to Cook?

Sa Outing, ang Dinner natin ay kanya-kanyang dala.  Alam na natin yon, at marami na rin ang nagsabi ng dadalhin nilang pagkain. 

Ang breakfast at early lunch, kelangang desisyonan.  TO COOK OR NOT TO COOK?

TO COOK: 
- May 10% na dagdag pag nagluto, breakfast man o lunch.  Ibig sabihin ang dapat na 550 per person malamang magiging 550 + 55 = 605 per person na
- maaga tayong kakain kasi 12noon ang checkout.  Maaga ring magluluto

NOT TO COOK
- Ibig sabihin bibili ng pagkain para sa breakfast at early lunch
- Baka madagdagan din ang contribution per person
- Kung late lunch, malamang sa labas na kakain or kanya-kanya na

Ano opinyon nyo?

Ngapala, don't forget magdala merienda at snacks?  and don't forget desserts. 

PB Outing Rooms

Na-areglo ni Tita Edith ang 3 Log Cabins.  Thanks Pres. Edith.

- 49 tayong lahat at ang gastos ay P550 per head
- 18-19 people ang kasya sa Log Cabin I and Log Cabin II.  Mga 12 naman ang kasya sa Log Cabin III.
- Gumawa na ng drat room assignment si Tita Edith, publish natin next time
- Ang mga beds ay double-decker.  At meron ding matutulog sa sofa beds

Nagtitipid tayo, so huwag ng maselan, OK =).  Basta may tulugan na maayos yun na yun hehehe.  Puwede kasing di kayo tabi-tabi o sama-sama sa kuwarto, dahil nga sa pagkasya sa mga kuwarto.  Saka si Pres. Edith ang gumawa ng room assignments, kung may angal kayo e bale wala rin - siya binoto niyo e.  hahaha.  ano ba ito nanakot pa.

Enjoy!

Monday, March 21, 2011

Outing - Gastos

Tita Edith, nakalimutan ko na kung magkano nga ba computations per person para sa outing - magkano nga ba?

Thanks.

PB Outing Venue - Pina Colina

Ang venue for the PB2011 Outing ay sa Pina Colina.  Ito ay nasa Tagaytay City, Cavite.  Ibig sabihin ng Pina Colina = Pineapple Hill.  Ito ay asa Barangay Francisco.  Pag madalas o nakapunta na sa Cavite - madali lang makita ito.  Malapit sa Ming's Garden

Eto ang directions at ang mapa:

Directions  Via SLEX

1. From SLEX, take the Sta. Rosa exit.

2. After the toll booths, turn right going to Tagaytay.

3. Along Sta. Rosa Highway, slow down after you pass Ming's Garden.

4. When you see the big, green Tagaytay Haven Hotel signage, turn right on the road just before the signage. There is a waiting shed on the corner.

5. After turning on this road (Ulat road), go straight until you hit a road on the left. Turn left on this road. It's an uphill climb going to Piña Colina resort which is on the left side.



Via Aguinaldo Highway

1. From Manila, take the Coastal Road going to Tagaytay via Aguinaldo Highway.

2. When you reach the Tagaytay Rotunda near Olivarez, turn left going to Picnic Grove, Tagaytay Highlands or People's Park.

3. Along that road, when you hit the traffic light with Tagaytay Econo Hotel on the right / Tagaytay ridge side, turn left on Sta. Rosa Highway.

4. When you see the big, green Tagaytay Haven Hotel signage, turn left on the road just after the signage with a waiting shed on the corner.

5. Go straight on this road until you hit the first road on the left. Turn left on this road. It's an uphill climb going to Piña Colina resort which is on the left side.



PB Outing 2011 - Food

Ang check-in sa resort ay 2pm - so ibig sabihin naka-lunch na tayo nun.  Ang tanong, ano ang dadalhin ninyo para sa dinner.  Iyong luto na siguro please - para di na maabala pa sa pagluluto.

Ano po dadalhin ninyo for dinner?