Friday, February 13, 2009

Lesson for Today: SCIENCE

Alam kong marami na ang nag-iisip na puro tsismis at panlalait ng lumang picture lang naman ang laman ng PB Blog. OK FINE!

So maiba naman (at wala na rin akong maisip na pambalentayms).... Our subject for today is SCIENCE. Our topic is INVENTORS.

Simulan na natin...

THE ELECTRIC FAN

Ang unang gumaganang mechanical fan ay naimbento ni Alexander Sablukov noong 1832. Tinawag niya itong 'centrifugal fan' o 'air pump'. Pero nung nadiskubre ni Thomas Edison at Nikola Tesla ang electrical power, dun na naimbento ang ELECTRIC FAN nung 1882.





THE WALKMAN


Para sa kabataan, ang Walkman ay yung cassette player na portable player na ginagamit sa pakikinig. Rebolusyanaryo ang imbensyon na ito ng Sony, dahil pumuwede na ang pakikinig ng tugtog habang naglalakad. Imposible kasi dati iyon e. Una itong ipinakilala sa Japan, at inimbento ni Nobutoshi Kihara para sa chairman ng Sony na si Morita. Ang totoo, gusto lang ni Chairman Morita na makinig sa mga OPERA habang nakasakay siya sa eroplano. Sosyal.




THE TELEVISION


Nung 1884 naimbento ni Paul Gottlieb Nipkow, ang unang 'electromechanical television system' na gumamit ng scanning disk. Ito iyong umiikot na disk na maraming butas na umiikot papunta sa gitna. Ang tawag sa proseso ay 'rasterization'.

Pero ang sinasabing totoong imbentor ng television ay si Vladimir Zworykin. Importante kasi ang imbensyon nya: ang telebisyon na may kakayanan 'to transmit and receive system employing cathode ray tubes'. Dahil sa kanyang imbensyon naging practical ang paggawa ng TV nung 1923.





THE MOTORCYCLE


Sinasabing dinisenyo ang unang motorsiklo ni Gottlieb Daimler sa Germany. Maaalalang siya rin ang nagtayo ng tanyag na Daimler-Chrysler na gumagawa ng mga kotse. Nung 1885, inimbento niya ang unang 'motorized bicycle' na pinapatakbo ng langis, maski ang tawag nila nun ay 'riding car'.





THE DISHWASHER

Aba. Malay sinong nag-imbento nun. Tignan niyo nga sila naghuhugas.





Sana ay marami tayong natutunan sa PB Blog today at sana'y naibigan ninyo ang topic natin today. Class dismiss.

16 comments:

Anonymous said...

ang sexy ni lolipot dito inferness!
mapapasipol ka...

Anonymous said...

ate yet, ano ang hawak mo dun sa pic? sapatos? hehe.

Anonymous said...

sa last pic, kaninong bahay ba yan? sa amin ba? mayaman pala kami nun kasi La Germania (generates love) ang kalan, at ang ref "Frigiddaire" sosyal. Sa amin nga ata kasi ako yata yung nakasilip sa likod ni ate yet. O si kuya...

Anonymous said...

Wow tinalbugan lahat ni lolipot, grabe galing sa pose!

Ano Det laban ka p b sa mama mo ha ha ha!!!

Pero ang cute nyung dalawa ni yet nagdidishwash na eh tuwang tuwa pa! Dahil b kinokodakan?

Anonymous said...

ang mama pala yun,,, kaya pala sabi ko parang kilala ko yung medyas at rubber shoes, akin kc yun eh! astig talaga ang dating huh,,, parang miyembro ng Daisysyete!

Anonymous said...

Ido sa pic#2, nagpapapacute ka ba doon o may nararamdaman ka masakit sa tyan mo?:0)

Anonymous said...

tito boyet, INFERNESS ako na pinakaAMPOGI sa picture. Yes! ako lang ang di PAHABA ang mukha. hehehe

Anonymous said...

"I left my heart in San Francisco" kaya ang pinapakinggan ni Par?

Anonymous said...

I agree! Sa lahat ng pic ni Ido, ito na ang pinaka maganda sa lahat.Maayos bihis mo at maganda buhok mo. At ikaw lang ang nakatingin sa camera.

Habang abala sa pakikinig si par ng ewan ko kung ano? si one kaya, ano tinitingnan dun? Nagtatampo ba cya?

Anonymous said...

sori kalimutan ko si Jorge. Inferness, mukhang kung fu master "na puyat". parang nalugi kasi wala na estudyante! Lahat mahaba, tuhod, braso, muhka at pati gulugod! hahahaha... tama ba? gulugod tawag dun sa nasa leeg niya? hahahaha

Anonymous said...

grabe, det! sa 'kung fu master na puyat'... tiningnan ko nga ulit, eh! tama nga naman...di lang puyat, ang PAYAT pa!

gulugod nga yon, sa sobrang payat ng buto nais nang lumabas...

Anonymous said...

o ano? di kayo maka-comment sa legs ni lolliput!

sige, subukan nyo!

jorge said...

Ako ba yon sa pic 1? ang layo naman ata kay john lloyd o si herbert bautista man lang nyan.

Walandyo ka det, narinig ko na naman yang gulugod na yan!

Ang gulugod- yan ang alaska sakin nung unang panahon, syempre nangunguna na sa pang-aalaska si tita edet. Actually kakaiba talaga yung gulugod ko, pagnilagay ang daliri sa gulugod ko at ako'y lumunok, may feeling na mahahati ang daliri, talent yan, he he he.

Anonymous said...

Naku makorek nga yang gulugod nyo!!

Kahit itanong nyo kay diche ang gulugod ay nasa likod ng ating katawan "spinal cord ba". Ang tawag dun sa nasa leeg ni jorge ay gulung gulungan.

class dismiss...

Anonymous said...

excuse me titser lola maam, pwede ba umapila? ang alam ko kasi na gulugod ay yung nasa ibaba ng tuhod,,, napaksakit nga pag nadulas ka sa hagdan at tumama ang gulugod mo sa baytang,,,paki tanong na nga kay diche once and for all...so i can rest my case:0)

Anonymous said...

Haay Boyet yung nasa baba ng tuhod ay lulod hindi rin gulugod!


Hayaan mo irerequest ko kay ido n magpost ng mga sinaunang salitang tagalog n "only d oldies" can understand he he he...