Grabe ang linggong ito sa sobrang busy. At hindi pa tapos ang linggo ko. Bukas, meron akong matinding presentation - daming audience, kaya nag-pra-practice ako. Medyo mahirap ang topic. Sa hapon naman, e last day ng elimination round sa bowling namin. So busy Saturday.
Sa sobrang busy ngayong linggo, e wala akong nagastos na pagkain lahat libre. Pati nga dinner ko e libre. At syempre sosyal, basta libre kasi - sosyal. At basta sosyal libre.
Monday - Circles @ Makati Shang. Ang OK talaga sa Circles ay ang selection. Sobrang daming pagpipilian talaga. Paborito ko syempre ang one-to-sawang sashimi at mga raw lobsters and crawfish. Pag cinompute nyo nakain ko malamang 5,000 sa dami. Pag kumakain ako sa Circles e yung mga mahal lang kinakain ko. Iyong iba nga kumakain ng Pizza at Spaghetti! natatawa ako.
Circles Buffet Lunch = 1,600P (with drinks)/ person. Pero libre nga ako e.
Tuesday - Felix at Greenbelt 3. Sobrang mahal, pero di ko trip ang menu. Di ko rin trip ang pagkain. OK kasi dito ay ang kanilang wine selection. Pero lunch, so walang wine.
Lunch Price: P700/person. Libre ako =)
Wednesday - Sala Bistro. Lunch with clients. Highly-recommended, dahil very unique ang menu at very tasty. Syempre sobra mahal.
Lunch Price: P900/person. Di ako nagbayad =)
Thursday - Nu-vo @ GB3. Eto ang paraiso para sa akin. Sobrang sarap naman kasi ng steak dito. Sobrang tagal ko talagang kumain dito, dahil ninanamnam ko ang bawat nguya. Ang steak ko kasi ay Rare =). Sila lang at Highland Steakhouse ang nakakagawa ng masarap na Rare steak.
Lunch Price: 1,700 per person. Free Lunch.
Friday - CHowking Lauriat Packed Lunch. Naimbitahan kasi ako mag-present sa isang meeting. Fried Chicken, Siomai, Rice, Buchi at Chicharap.
Lunch Price: 140P
Astig di ba? Wala akong nagastos this week, maliban sa kape. hehe
1 comment:
I noticed na d2 lng yata wla comment si evot??? Y kya???
Post a Comment