Walang tao sa mall. Walang tao sa grocery. Walang tao sa mga restaurants. Malamang naka-pila sa lotto-han.
Alam nyo ba kung ano ang chance na manalo ng jackpot sa lotto sa Huwebes?
Ang maikling sagot: 1 sa 14 na milyon. Para exacto, 1 sa 13,983,816. Ang ibig sabihin nito ay merong 14 na milyon na kombinasyon sa pagtaya sa Super Lotto 49 numbers.
Ang formula ay: n! / [k! (n - k)!] or C (n, k). Binabasa ito ng Combination of n and k or N factorial divided by quantity k factorial times n-k quantity factorial.
(Ia, please correct kung mali. Thanks.)
Kung interesado kayo sa detailed computation (ewan kung bakit). Makikita nyo dito:
http://en.wikipedia.org/wiki/Lottery_mathematics
In summary, mahirap manalo! haha. Kung sampung piso ang ticket (magkano ba ticket? 20 pesos ba?) at balak mong tayaan lahat ng kombinasyon, gagastos ka ng 14 milyon number combinations X 10P = 140,000,000. Kung umabot nga ng 250 million ang premyo, e meron kang tubo na 100+ Milyon.
Pero eto ang problema. Paano kung 2 ang nanalo, e di lugi ka na ng 15 milyon. E paano kung 3 ang manalo, e di lugi ka ng mga 60 milyon. At kung 5 naman ang manalo na paghahatian ninyo e di 115 Million ang talo mo!
Pero kung may 140 Million ka, huwag ka na siguro tumaya ng lotto =).
Good Luck!
1 comment:
Tama ka tito ido sa probability computation, nag check din si ate Ia sa kanyang sci-calc -- 49c6 parehas din ang lumabas. Yan din ang sabi sa random.org na website (http://www.random.org/) na pinantuhan ko.
Dito sa website, kumuha ako ng 6 random numbers. Kakaiba ang pagkuha nila ng random numbers, based sa atmospheric noise kaya walang pattern. Ang theory ko kasi kya wala pang nanalo because karamihan ng pinoy pagpumili ng number ay birthday ng anak o asawa, anniversary, etc. syempre hanggang calendar numbers lang.
Kaya mga bloggers, subukan nyo ang site at kumuha ng random numbers. Syempre huwag kakalimutan, para manalo kailangan tumaya. At sabay sabay tayong yumaman!
Ingat!
Post a Comment