Bakit hindi na lang magluto? Tipid na, wala pang traffic. Eto ang tatlong pang-Valentines na putahe. Parang sobrang dali lang naman gawin. Good Luck. Penge ha.
GAMBAS
Sangkap:
1 kilong sariwang sugpo o hipon
5 piraso bawang
¼ tasa mantika
1 tasang tomato sauce
1 tasang tubig
3 tangkay na celery, hiwain
2 karot, hiwain
2 patatas, hiwain
1 sibuyas, tadtarin
asin
betsin
Paraan ng pagluluto:
- Igisa ang bawang, sibuyas at celery.
- Ihalo ang tomato sauce at tubig.
- Isama ang iba pang mga sangkap maliban sa betsin. Takpan.
- Ipagpatuloy ang pagluluto ng 10-15 minuto.
- Ihalo ang betsin at asin.
HONEY HAMONADO
Sangkap:
1 kl baboy (salet o laman)
6 na butil bawang
1 tasa pineapple juice
2 kutsarang asukal na pula
½ tasa sprite
½ - 1 kutsarita paminta, durog
asin
betsin
mantika
Paraan ng Pagluluto:
- Paghalu-haluin ang mga sangkap maliban sa karne.
- Ibabad ang karne sa nagawang sangkap sa loob ng magdamag.
- Pakuluan ang karne at sangkap. Timplahin.
- Ihiwalay ang karne sa sangkap o katas nito.
- Bahagyang iprito sa kaunting mantika ang karne.
- Ihalo na ulit ang katas, hanguin at ihain.
VALENTINE PEANUT BUTTER CHOCOLATE TRUFFLES
Ingredients:
1 package (6 ounces) semi-sweet chocolate chips
4 tbsp. peanut butter
3 cups corn flakes
½ cup peanut
Procedure:
1. Pour 1 inch of water in Sauce pan and bring to boil over medium heat.
2. Place chocolate chips and peanut in pudding pan over boiling water.
3. Stir to blend and melt.
4. Remove from heat when melted.
5. Stir in corn flakes and nuts; mix thoroughly.
6. Drop by teaspoonful onto waxed paper.
7. Cool.
1 comment:
Sa recipe ng GAMBAS:
pkdagdag sa sangkap ang siling labuyo para mas masarap!
Post a Comment