Tuesday, February 3, 2009

Saang GENERATION ka?

Paano ba makatungo sa mga tao mula sa iba't ibang henerasyon sa trabaho, sa pamilya?

Taon ng Kapanganakan: Generation
2000- kasalukuyan: Generation Z
1981-2000 – Generation Y
1966-1980 – Generation X
1940-1965 – Baby Boomer Generation

Isa-isahin natin...

Generation Y or PB 3rd Generation
Ang Generation X ay tinatwag ding NET-GEN o Net Generation dahil karamihan sa kanila ay merong access sa computer at internet. Tinatayang ¼ ng buhay ng Generation Y ay on-line.

Eto ang summary ng pag-uugali ng Generation Y
- Di mahilig sa kompetisyon o mga contest. Gusto nila lahat puwedeng manalo o maging honor student.
- Gusto nila ng mabilisan at madalas na feedback. Example: sa panahon ng Generation Y nauso ang mga STAR at SMILEY stamp sa kamay ng bata sa eskuwelahan. Dito rin nauso na merong GOLD, SILVER at BRONZE medals – at kadalasan lagpas 10 ang mga nagiging honor students.
- Mahilig sa extra-curricular activities. Para sa kanila di lang enough na magaling ka sa academics, dapat may iba ka pa ring alam.
- May pagka-mainipin. Laging naghahanap ng ginagawa at gagawin
- May natural na tendency na maging environmentalist
- Sa trabaho, gusto nila na parati silang may personal time o oras para sa sarili, di lang puro trabaho. WORK-LIFE Balance kung baga

Generation X or PB 2nd Generation

Mas competitive ang Generation X, at mas sanay sila na merong nananalo at natatalo. Ang henerasyon na ito ay malapit sa pamilya, pero may tendency na MAGREBELDE sa magulang, maski isang beses lang. Mahilig din sila sap era at sa mga usaping pera.

Eto ang summary ng pag-uugali ng Generation X
- Grabeng magtrabaho. Minsan nga asa bahay na nagtratrabaho pa rin.
- Naghahangad ng 'flexibility' sa trabaho. Oo nga’t grabe magtrabaho, pero mas gusto nila na sila magsasabi kung paano magtrabaho.
- Sobrang importante sa kanila ang pakikisama sa mga ka-trabaho.
- Masipag mag-aral, at iniisip na sobrang importante ng edukasyon
- Mahilig mag-duda. Mahilig mag-experiment.

BABY BOOMER or PB 1st Generation

Ang baby-boomer generation ay pormal at sobrang conservative. Mataas ang pagpapahalaga nila sa posisyon ng tao, sa pinag-aralan at sa kalagayan ng tao sa lipunan.

Eto ang summary ng pag-uugali ng mga Baby Boomers
- Mataas ang tingin nila sa edukasyon. Kaya madalas nilang pinapa-frame ang kanilang diploma at pati ng mga anak nila
- Gusto nilang ng trabaho kung saan puwede silang sumikat.
- Mas gusto nila na pinupuri sila sa harap ng maraming tao.
- Natural na SOSYALIN sila. Mahilig sila sa mga magagandang bagay, at mag-iipon ng pera para bumili ng maganda maski mas mahal.
- Mga relihiyosong tao. Sobrang importante ang kanilang personal na relasyon sa Diyos.
- Mataas din ang tingin nila sa kanilang generation. In fact, madalas natin silang marinig na nagsasabi ng “ Nung Panahon namin…”
- May pagka-negative nga pala sila. Iniisip muna nila ang mga hindi puwedeng mangyari at ang mga puwedeng pumalpak, bago ang mga positibo.

GENERATION Z

Mga bata pa ang mga GENERATION Z, kaya ang kanilang pag-uuagali ay nag-e-evolve at binabantayan pa. Pero eto ang sinsasabi tungkol sa kanila:

- Sila ang nagdidikta kung ano ang binibili: pagkain man, gamit sa bahay. Kilala na nila ang tatak.
- Mahilig sila sa 'structure' o sa 'schedule'. Pag oras na ng gusto nilang palabas, dapat manuod na sila ng TV.
- Ang tinatayang suliranin: di sila masyadong pala-kaibigan. Sanay silang maglaro mag-isa at gumawa ng mga bagay na sila lang.
- Marami rin sa kanila na ang pangarap ay maging "celebrity"

1 comment:

Anonymous said...

parang asa gen Z ako na merong gen X, gulo no?