Eto po ang 2 sa mga pangunahing plataporma ko kung ako ang magiging PB President ulit.
1) Tanggalin ang Pilahan
Eto ang unang-una kong gagawin. Tingin ko di na makabuluhan ang pilahan sa panahon ngayon. OK ang pilahan dati, kasi talagang kelangan natin ng pera nun. Walang-wala tayo dati, so sobrang excited talaga tayo. Ngayon, bale wala na ang pilahan para sa mga pumipila. Sa pila, mapapansin nyo na wala silang gana at parang di naman nasiyahan sa natanggap nila. Understandable naman yon. Marami sa kanila ang di na kelangan ng pilahan.
Sobrang tindi ang paniniwala ko na dapat tanggalin na ang pilahan. So lahat ng suma-sangayon sa akin, iboto nyo po ako. Dahil talagang gagawin ko ito sa PB president.
2) Healthy Food
Sa handa sa lunch at dinner sa araw ng Pasko, dapat lahat ng pagkain ay healthy. Napapansin kong nagtatabaan at nagkakasakit na ang mga PB, kaya napapanahon lang na maging healthy tayo di po ba?
Ganito: bawal ang beef at lalo na ang pork. Puwede chicken, pero bawal ang balat. Bawal ang hipon, alimango, alimasag dahil mataas sa cholesterol. Puwede ang isda, pero bawal ang bangus dahil belly nito grabe nakakataba. Bawal din ang hito at dalag, dahil yuch naman nahuhuli ito sa imbornal.
Bawal ang anumang pinirito nakakahigh-blood ito. Ang lahat ng makitang may hawak ng mantika, magmumulta ng 1,000 pesos. Bawal ang asin at vetsin, lalong lalo na ang patis. Bawal din po ang grilled kasi nakaka-cancer ang mga inihaw.
Bawal na bawal po ang kanin. Kasi ang taas ng glucose content nito, posibleng magdulot ito ng obesity at diabetes. Ang bawat taong magsabi ng salitang "kanin", sisingil ng 100 pesos bawat beses na sinabi ito. Kapag ginamit ito patanong, magiging 200 pesos na: example, "wala bang kanin?" - yan 200 na multa nyan.
Again, ang inaalala ko lang naman po ay ang kalusugan ninyo. Kaya eto po ang menu natin
Appetizer: nilagang mani. tuna sushi, salmon sushi. Nilagang itlog, pero tatanggalin natin ang pula.
Salad: di na kelangan ng salad
Main Dish:
Nilagang okra, nilagang alugbati, nilagang ampalaya.
Kilawing galunggong
Ginataang kalabasa na di ginasa
Steamed tokwa
Dessert: Saging, mansanas
Snacks: carrots, at pipino. Walang sauce, bawal din.
Kung gusto nyo po ng magandang kalusugan at yan ang kainin natin sa araw ng Dec 25, iboto nyo po ako bilang PB president.
**************************
may nabilataan akong may magno-nominate sa akin sa Nov1, kaya naman nilahad ko na ang plataporma ko. mwa hahaha. pag ako naging presidente PROMISE, gagawin ko ang dalawang yan.
14 comments:
IBOTO SI IDO! PERFECT FOR PB PRESIDENT FOR 2012!!!
IDO!IDO!IDO!
(Pwede request'wag bawal hito?)
I agree with both agenda. Maganda. :)
why YET & HELEN ?
try nga natin ng nov.1 yung mga food na suggestion nyo...kung pati kayo makakatagal sa pasko na ganun ang pagkain...hehehe!!!PB tayo,hindi nyo na ba natandaan ang speech ni egay tungkol sa fiesta?pwede tayong maging healthy na,mala fiesta pa ang pagkain natin sa pasko.hindi ito pangkaraniwan na okasyon.ang paskong PB ay hindi kumpleto kung walang masarap at mala-fiestang pagkain.tradisyon ito ng PB! kung walang pilahan, mag-effort magbalot ng regalo. kasi pasko nga it means season of giving.kung gusto naman natin makita ang natural na saya at energy ng mga pipila,try kaya natin after lunch papilahin na sila para wala silang mga topak at hindi inaantok at pagod.kahit tayong nagpapapila may energy na magbigay..e di mas masaya!!!! hehehehe...ang pilahan ay tradisyon sa PB na dapat nating ipagmalaki!!!ito ay tradisyong PB at PB lang ang gumagawa.
dahil pareho tayo plataporma, make me your vice, Tito Ido!
Yahoooooo!
mukhang kalaban yung proud PB sa itaas.... he he he
kung aalisin ang pilahan eh gawin next year na lang para makapila for the first time si JC sa PB...hehehe...
at dahil gusto namin na makapila si JC sa PB pilahan eh naghahanda na din kami ni charisse magpapila sa pasko... :)
To proud PB, agree ako sau na dapat ipagmalaki natin yung tradisyon ng PB ang pilahan sa pasko... gusto ko nga gawin yun dito sa family ni charisse sa pasko kaso nga lang nasa pinas kami so next time ko na lang gagawin ang pilahan sa family ni charisse...
naalala ko nga nung nagaaral pa ko eh nakwekwento ko sa mga friends namin ni charisse yung pilahan sa PB at comment nila lage eh "ang saya naman ng family nyo at meron kayo nun"... =)
May kasabihan tayo... ang kaligayahan sa pasko ay hindi nasusukat ng... pera... kaya tama si proud PB...pwedeng ibalot. Pwede ring balot ang ipapila. Pwede ring penoy. Pwede ring greeting card na may makabuluhang laman. Wala naman sinabing pera ang ipapila diba? haahaha
Palagay ko dapat baguhin dun ay kung ano ang ipapapila -- :D
"YES" para sa pilihan. Pera man o kahit na anong regalo sa pilahan ay masaya. Malaki ang natutulong ng pilahan lalo na sa mga bata na ngaaral pa. Magagamit nila yun pambili ng mga pangangailangan nila sa school. Magagamit din nila ito na savings sa kanilang pgaaral sa kolehiyo. Masaya din ang pilahan sa mga ngbibigay dahil alam nila na nakakatulong sila sa mga bata. Proud ako na meron tayo ganitong tradition dahil nagpapatunay lang na ang pamilya natin ay nagtutulungan sa isat isa.
kahit ano mangyari magpapapila ako , kahit pabente bente lang ! mag handa kayo ng pamalit ko sa isang libo .
Grabe naman tong si "Proud PB" sineryoso ang campaign ni aspiring president ha ha! Ganun naman talaga yun kunwari ayaw ng pilahan pero pag pasko na kita nyo naman kung magbigay! D b tito egay?
Isa lang naman ang messege nyan wag nyo siyang iboto! wag iboto...wag iboto!
vote for lolo tyong ...
SOBRANG GUSTO KO SI IDO FOR PRES. PERO MAY KATWIRAN SI PROUD PB KASO PAANO BA NAMAN MABOBOTO ETONG SI PROUD PB EH AYAW MAGPAKILALA! MAY PUNTO SYA NA "PILAHAN" AY TRADISYON NA MAGANDANG IPAGPATULOY. PWERA LANG ANG 1G, ANG LAHAT AY PUMILA. EH DI MORE THAN 50 YEARS NA ITO. PERO KAKAIBA NGA LANG SIGURO ANG PILAHAN NOON DAHIL MEDYO 'MARALITA' PA NOON ANG MGA PBS.
ayoko kay tsong, puro Chess, gagawin sa pasko. masakit sa ulo.
mwa hahaha. kakatawa kayo lahat. basta talaga tungkol sa pera(pilahan) at pang-ookray marami mag-co-comments.
huwag nyo ako iboto please. hahaha, yun lang pala ang pakay.
Post a Comment