Na-realize kong matapang pala talaga si Tita Edith dahil dun sa speech ni Mr. Espejo. Yun ang nag-standout para sa akin sa speech niya. Alam ko namang may katapangan si Tita Edith, pero mas lalo lang na-validate nung cinonfirm nga nung isang mataas na officer galing Insurance Commision.
Ang dami palang kaibigan ni Tita Edith, despite (?) her position and katapangan. Tapos parang puros joke at masaya din ang greetings ng mga personnel ng kumpanya nila, so ibig sabihin cool siya. At di naman sila mukhang napilitan sa paggawa ng video dahil ang iba nga e talagang pinag-isipan at creative. I guess, eto ang isang hinihingi (o inaasam) ng isang boss, na maging cool siya sa lahat ng empleyado.
Sa mga PB speeches naman naging common theme naman ang pagkamatulungin. Di ba nga si Tiyong sinabi pa talaga ang presyo ng binigay ni Tita Edith nung na-ospital siya hehe. Eto rin ang sinabi ni Tito One, at ni Rap at nabanggit din ni Tito Egay.
Speaking of Tito Egay's speech, napulot ko naman dito ang analogy ng bday = fiesta = maraming pagkain. At naalala ko talaga ang time nung asa compound pa tayo na lagi kong inaasam asam na merong celebration pag merong may bday. Paguwi ko galing school pupuntahan ko na si Che-Che at tatanungin kung "Janno Gibbs" ba o "Kuh Ledesma"? Janno Gibbs = gives = ibibigay ang pansit na may puto sa pinggan. Di masyado masaya. Kuh Ledesma = kukuha ka ng food at may handaan sa labas. Yun ang gusto namin, aside from mas maraming pagkain, mas masaya. Gets?
Teka pala, kelangan ko palang okrayin si Lolipot, dahil pinangako ko. Lolipot, bawal po magsabi ng "wala akong masabi, nasabi na nilang lahat". BAWAL NA BAWAL. Tatampalin ko po ang kamay mo sa susunod natin pagkikita. Dahil di naman po totoo na wala na kayong masabi, dahil marami-rami din naman kayong nasabi. hahaha. Sorry po na-okray ko kayo Lolipot, I love you po very much. Pero di ko po love ang outfit nyo ng Panagbenga parade, para po kayong pupunta sa Debut ni MM. Mwa hahaha. Talagang yari ako kay Lolipot nito. Pero pupunta na ko ng Cebu e.
Ang nakuha ko namang speech kila Karen, Camae at Kathleen ay "I Love You Mama".
No comments:
Post a Comment