Wednesday, October 19, 2011

Eleksyon 2011

Grabe naman itong buwan ng Oktubre parang hintahatak sa bilis.  12 days na lang pala at Nov 1.  Bukod sa Undas, ibig sabihin Eleksyon na naman. 

Wala akong idea kung sino ang mananalong presidente this year.  Last year sobrang mali ang hula ko.  At palpak din ang kampanya ko.  Iyong kandidato e umabsent nung eleksyon hahaha.  Ang siste, ako pa ang na-elect na officer.  hahaha. 

OK na hindi maging officer.  OK kasi may impluwensya ka sa puwedeng mangyari.  Mas madaling magawa ang mga ideas.  Hindi kasi sobrang matrabaho.  Dami na ng trabaho sa opisina, dami pa trabaho sa PB.  This year kasi sobrang daming activities:  3 ang 50th Bday party, may debut pa, 2 outing at meron pang International - 2G sa Singapore.

Sabagay ang eleksyon naman sa PB e nadedesisyonan sa mismong araw, kaya exciting.   Wala kang idea, pero posibleng ikaw ang ma-elek.  Pag ikaw ang napag-tripan naku yari ka.  

Iyong susunod na President medyo suwerte na rin.  Wala kasing 50th bday at wala rin debut.  Christmas syempre at saka New Year, plus Outing.  Bukod dun, wala namang naka-schedule.  So kung gusto ninyong subukang maging presidente para lang ma-try, baka eto ang magandang taon.

Asa ibaba ang listahan ng mga naging PB Presidents.  Noong nakaraang 11 taon pala,  merong 1  taga-1G, 7 na 2G at 3 na 3G.

Hmmm, taga-saang G kaya ang magiging presidente this year?


PAST PRESIDENTS


2011 ???
2010 Ganito Kami Noon, Paskong PB Ngayon - Tita Edith
2009 Golden Christmas - JayE
2008 Mas Relax - Tito Egay
2007 MTV - Tito Ido
2006 Filmfest - Tita Ate
2005 Cowboy - Kevin
2004 Relax (na hindi) - Evot
2003 JokeJokeJoke - Tito Jim
2002 Retro - Tita Helen
2001 MTB - Tita Edith

2000 Millenium - Lola Maam
1999 Enchanted - Tito Jorge
1998 Bahala Na - Tito Par
1997 Ballroom - Tito Ido
1996 Sitcom - Tita CheChe
1995 Kanta at Sayaw - Tito Ido
1994 Pautakan - Tito Ido
1993 Disney - Tito Ido
1992 Sportsfest - Tito One (PM and Evening President) & Tito Ayo (Morning President)
1990 Family Presentation - Tito Ido
1988 Maskarahan - Tito Egay

http://pamilyabanal.blogspot.com/2007/11/kasaysayan-ng-pamilya-banal-christmas.html

No comments: