First up, presentation ng mga taga-Standard. Pinaunlakan nila tayo ng dalawang dances. Personally, favorite ko yung Pandanggo dance number nila kasi parang may elemento ng suspense at konting takot. Eto ang kanilang 2nd dance number...
Eto po ang start ng PB Presentations - ang Obando dance ng 1G. Love the costumes - very colorful at bagang-bagay sa motiff na touch the color. Also love the colorful hats.
Was really impressed with the dance number ha - talagang cinareer nila ang dance. at todo bigay talaga sila sa dance number. Iyong lang kung saan-saan sila nakatingin habang nagsasayaw hehe.
Eto naman ang start ng 3G Presentations. Iyong mga nakakabatang 3Gs at mga 4Gs ang nagsimula. Hmmmm. ano ba masasabi natin dito...
Kindergarten school!? haha. Mahirap talagang maayos eto kasi tignan nyo naman ang dami ng kids sa harap, na parang nag-labo-labo. Ang liliit naman kasi nila, so let's give them a break, OK.
Eto ang 3G Girls rendering a modern Muslim Fan Dance.
Sabi na nga ba't panalo sa picture ang formation na ito na isa sa dance steps nila.
Finale ng 3G dances ay ang Modern Ethnic number ng mga boys.
Talagang napa-wow ang audience with this step. Very good choreography and excellent execution.
and now comes the 2Gs
Eto pa ang isang makulay na touch the color dance number, ang Bulaklakan dance ng 2G Girls. Di pala masyado makita effect ng kanilang bulaklakan na arko sa picture. Pero patok ito live.
I think kinakabahan sila na hindi magsabay-sabay sa steps. Pero carry naman, and as you can see in the picture, talagang sabay sila at least this step ha hehehe.
and now the Igorot Dance. Which turned out to be the ultimate scene stealer. Puwede palang maging serious pero malakas at masaya pa rin ang impact. Lalo na nung meron silang palayok sa ulo - exciting na may suspense.
at eto ang kanilang WINNING POSE. Magaling talaga!
and the finale was the 2G Boys dancing Maglalatik. Nung inaayos namin ang program at nag-practice, para kaming may audition - kung sino ang pinaka-OK siya ang gagawing finale.
Gusto namin tapusin ang PB Presentations with the impact at iyong masaya ang ending. Saktong-sakto naman pala. After the very serious at career Igorot number, eto naman ang masigla at punung-puno ng energy na dance.
What I liked about the dance ay yung masayang masaya silang lahat habang sumasayaw. Sumisigaw, nadadala ang audience, enjoying themselves. Feeling nila ata ang galing galing nila hahaha.
So ayan po ang PB Presentations para sa Bday ni Tita Edith.
Good News: I think this was 3 to 5x better over-all sa mga presentations during Tito Yet's Circus Party. WHich means we are constantly improving everytime Congratulations sa buong PB. All of us should be proud. And the pictures speak for themselves.
Bad News: Ano pa gagawin natin next time? Oh no. Nakaka-stress naman at nakaka-pressure.
Good News: Matagal pa naman ang next 50th party, parang 1 year and 3 months pa. So we have all the time.
No comments:
Post a Comment