2 topics ang pinagpipiyestahan sa Facebook at mga forums.
1) Worst Airport
May isang travel website na tumawag sa NAIA Terminal 1 na worst airport in the world. Ouch!
Ang good news dito: I have been to worse International airports in the world so this is not true.
Ang bad new dito: 2 lang ang better International airports sa mga napuntahan ko. So posible, depende sa opinyon, puwede talagang ituring na ito ang worst sa mundo. I also agree na ito rin ang one of the world's worst airport toilets. Not sure kung nasubukan nyo na - sobrang liit (maski sa boys mahaba ang pila)at sobrang luma at bulok na talaga.
Eto ang article ng gmanews tungkol sa topic na ito:
http://www.gmanews.tv/largevideo/latest/95785/ub-naia-terminal-1-tinawag-na-worst-airport-in-the-world-ng-isang-website
2) mala-Hollywood sign
Eto naman ay ang kakaibang reaksyon ng mga tao tungkol sa diumanoy plano ng probinsya ng Batangas na lagyan ng mala-Hollywood sign ng salitang "BATANGAS" ang Taal Volcano. Si Governor Vi daw ang nagplaplano nito.
Syempre papayagan ba ng Pinoy ito, kaya naman gumawa na sila ng kanya-kanyang versions =).
Ayan na anga ang mga pictures sa iba-iba. panalo ang sign sa Tondo at Payatas!
Sabi naman ng iba e lagyan na lang ng "I Love you Lucky" ang Taal o kaya "Si Val na Walang Malay", mwa hahaha.
Ewan.
No comments:
Post a Comment