Monday, October 10, 2011

TITA EDITH's GOLDEN FIESTA TOP SURPRISES

Ang dami ring mga revelations at surprises kagabi di ba.  Eto ang mga listahan ng mga realizations at surprises para sa akin.

#3.  LECHON BAKA
Ang pangit pala ng itsura ng lechon baka habang iniihaw!  hahaha.  Kasi po mukhang ang payat-payat naman.  Di kasi katulad ng baboy, na parang ang saya-saya pa rin habang iniihaw siya.  Etong baka pala pag inihaw e labas na buto't-balat. nakakalungkot tuloy. 

#2.  HATAW
Pag-program na pala, e sobrang hahataw si Ditse!  pansin nyo ba.  Di ba nung practice e parang lelembot lang siya.  Aba nung presentation na nila ay mega-hataw na siya.  Kung mawasiwas niya ang sombrero at ang palda niya e ganun-ganun na lang.  Naku, sana e huwag naman siyang rayumahin.

#1. PINAKAMAGANDANG DALAGA
Sinong mag-aakala na ang pinakamagandang anak na dalaga ni Tito Par at Tita Bhogs, ay si...Kevin!  Syempre maganda si Kriza at Aix, pero naman naman naman.  Ang byuti ni Ms. Brazil ay talagang Latina na pang-Ms. Universe.  Mas maganda pa siya kesa dun sa mga ibang totoong babae, hahahaha.

No comments: