Tuesday, October 11, 2011

Reaksyon

One good thing about being the host is that I can see the reaction of everyone at the same time.  So, since lagi ako nasarap nakikita ko sabay-sabay ang emosyon ng celebrant at ng buong audience.

Eto ang mga reaksyon na di ko malilimutan.

1) Ang reakson sa mukha ni Tita Yet nung nagsasayaw si Ms Puerto Rico. 
Sana na-capture ni cameraman, pero malamang hindi. Alam mo yung reaksyon nya na halos mamula-mula na at halos himatayin sa sobrang katatawa.  Feeling ko nga aatakehin na sya sa sobrang tuwa.

2) Ang reaksyon nung asa Standard na table sa 3G Boys dance
Lagi ko ngang binabantayan ang reaksyon ng mga taga-Standard, syempre marami sa program ang puro PB, e gusto natin na enjoy ang lahat.  So nung hataw na ang 3G boys, lalo na nung tumuntong iyong iba sa bewang ng ibang dancers.  Talagang na-pa-wow ang mga guests natin.

3) Ang reaksyon ni Tito Jorge sa speech ni Rap
Habang nag-speech si Rap, talagang binabantayan ko ang reak ng mga tao.  Si Par humihiyaw at ang lakas ng palakpak.  Pero grabe ang reak ni Tito Jorge, parang ang saya-saya niya na di mapaliwanag. Alam nyo na yung sinasabi ko iyong tawang trademark ni Tito Jorge. Naisip na ata niyang may next in line na sa trono niya.

4) Ang reaksyon ng mga PBs at the back table
Ang sayang panuorin nung mga andun sa bandang likuran, if I remember it correctly eto sila Tito Par, Tita Bhogs, Tito Jim, Tita Vangie, Tito Jorge, Tita Yet, Tita Helen, Tito One, Tito Egay ang mga yon.  Grabeng mag-cheer sa PB Babes at sa mga presentations.  Talagang gaganahang mag-perform pag ganun. 

5) Ang reaksyon ng mga judges sa Q&A portion ng PB Babes
Sobrang game din kasi ang mga naimbitahan nating judges, at nakakatuwa rin na sobrang enjoy sila sa mga kalokohan natin.  Nawala ata ang pagka-demure nila nung Q&A portion, dahil talagang hagalpak sila ng tawa e.

and finally.  Priceless ang reaksyon ni Tita Edith during Parada.  First time ko lang nakita ang ganong itsura ni Tita Edith: parang pinaghalong appreciation, tuwa, mukhang impressed at proud siya para sa PB.  Kasi medyo na-stre-stress na siya before this na late na maka-start at baka umulan.  Medyo matagal din siyang nakatayo sa puwesto ha.  Pero iyon nga buti OK.  So after nga kitang-kita ko na impressed at satisfied sya sa parada.  Hay buti naman, kasi nga 1st number yon.  Kita ko rin ang reak ng mga ibang bisita ni Tita Edith nung parada, at natuwa rin ako na mukhang naligayahan at na-appreciate naman nila ang parada. 

So yun ang aking mga memorable reaksyon.  Ano ang sa inyo?

2 comments:

ayo said...

nung pumasok ang mga 1G para sa performance nila, yung mga taga insurance commission at standard lalo na yung mga me edad eh kulang na lang na mag-standing ovation, talagang pumalakpak sila ng husto.

Viva 1G!

yet said...

I agree! at di sila nagkamali...ang ganda kaya panoorin. sana pag-tanda natin kasama pa rin tayo sa presentation...he!he!he! kahit nakatayo lang...