Wednesday, October 5, 2011

Table Setting - Aling kubyertos ang gagamitin?

Di naman tayo hotel sa Sunday, pero sa anumang formal o semi-formal dinner, naka-set ang table parang ganito sa ibaba.  Minsan nakakalito sa dami, at kung para saan ba ang bawat isa.  So tignan natin.


(picture galing sa wikipedia)


Ibaba, From left to right:  Salad Fork, Dinner Fork, Dinner Plate, Dinner Knife, Spoon for Soup, Appetizer/Seafood Fork.

Taas, from left to right:  Bread plate/Bread knife, sauce, small spoon and small knife for dessert, red wine glass, white wine glass, water glass at juice/soda glass

Eto ang rules:
1) Magsimula papalabas - papasok.  Ibig sabihin unahing gamitin ang salad fork, kasi nga malamang salad ang unang pagkain.
2) Kung merong seafood appetizer, gamitin ang maliit na fork sa pinaka-kanan (SeaFood Fork).  Pag walang seafood appetizer, wala naman yan.
3) Pag may tinapay, ilagay ito sa bread plate.  Kurutin ang bread ng maliit, ilagay ang butter at kainin.  Huwag pong hiwain sa gitna ang pandesal katulad ng ginagawa sa bahay.
4) Ang spoon ay para po talaga sa soup.  Ang standard kasi sa pagkain sa formal at semi-formal dining ay Knife and Fork.  Subukan nyo nga pong gawin, minsan lang naman.  =).
5) Iyong maliit na spoon sa itaas ng dinner plate ay para sa dessert.  Opo ang spoon para sa dessert di po sa kanin.
6) Kapag ang kubyertos ay nadikit sa lamesa, sorry di na po gagamitin.  Ilagay sa ibabaw ng pinggan.  O kaya ihulog na lang, at humingi ng bago sa waiter. 

Baso
1) Kung merong baso na may malaking bunganga/bibig, para po ito sa Red Wine.  Kasi po, kelangan daw i-air o pahanginan ang red wine, para full ang body nito.  Bawal po lagyan ng yelo ang Red Wine.
2) Ang mas maliit na baso ay para sa White Wine.  Puwedeng malamig ang White Wine, pero bawal din po lagyan ng yelo.
3) Basong maliit ang katawan para sa tubig.
4) Iyong isa pang baso, e puwede sa ibang klaseng tubig (may ispirito tulad ng San Pellegrino) o coke.

Di po ba ang saya?  Masaya kasi paminsan-minsan lang naman.  Gawin natin sa Sunday ha?

Sige po sa Sunday titignan ko kayo.  Ang magkamali, tatampalin ko ng ruler.  hahaha.


No comments: