Saturday, October 1, 2011

Fiestas sa Pilipinas, Festivals in the Philippines

FIESTA ang naisip na birthday theme ni Tita Edith para sa kanyang golden bday celebration.  Alam nyo bang lagpas 100 Fiesta sa Pilipinas sa buong taon?  Grabe ano, so halos linggo-linggo merong 2 fiesta sa isang bahagi ng Pilipinas. 

Dati ang fiesta kasi ay talagang nakalaan para sa mga santo at meron itong religious nature.  Pero ngayon, maski kalabaw may fiesta na, maski putik nga e meron na ring sariling piyesta.

Eto ang ilan sa mga sikat na piyesta sa buong taon sa ating bansa.  Ang mga pictures ay galing sa wikipilipinas o tourism-pilipinas.com.

******************************

ATI-ATIHAN
ikatlong araw ng Linggo sa buwan ng Enero

Ang Ati-Atihan festival ay ang fiesta para kay Santo Nino.  Isa ito sa mga pinakasikat na fiesta sa buong Pilipinas, katunayan maski sa Metro Manila at halos buong Pilipinas nag-a-ati-atihan kada-January.  Interesting dito e kung paano dinadamitan ang mga batang Santo Nino - minsan merong bumbero at basketball player.
 


SINULOG
ikatlong araw ng Linggo sa buwan ng Enero

Ang Sinulog ay piyesta rin ng Santo Nino, na ginagawa sa Cebu.  Actually, pagan celebration ito nung una, at nag-gu-gunita ng pagtanggap ng mga taga-Cebu ng Kristiyanismo.





DINAGYANG
ika-apat na Linggo ng Enero
Ang Dinagyang ay piyesta ulit ng Santo Nino, sa Ilo-Ilo City.  Eto ang paggunita ng pagdating at pagbebenta ng isla ng Panay sa mga Malay na dumayo sa bansa.  Naalala nyo ba si Prinsesa Maniwan-tiwan na binenta ang isla sa halaga ng isang salakot na puro ginto.





PANAGBENGA
Buwan ng Pebrero

Di lang isang araw ang Panagbenga Flower Festival, dahil pinagdiriwang ito sa buong buwan ng Pebrero sa Baguio.  Sa piyesta kasama ang Ibaloi tribe sa pagdiriwang, di ko lang sure kung talaga bang nag-volunteer silang sumama o isinali lang.   Sabagay di naman ito religious festival, so baka nga selebrasyon ito ng buong community ng Cordillera.




Date: 28th Feb – 1st March
KAAMULAN
Pebrero 28 - Marso 10
Ito ay selebrasyong ethnic-cultural sa probinsya ng Bukidnon.  Parang thanksgiving celebration naman ito.  Di ata religious festival ito, kasi sinabay ito sa pagiging probinsya ng BUkidnon nung March 10, 1917.  Exciting ito dahil kasama dito ang 7 tribal groups —Bukidnon, Higaonon, Talaandig, Manobo, Matigsalug, Tigwahanon and Umayamnon. Kaya nga sinasabing ito ang natatanging ethnic festival sa buong Pilipinas.

 

Date: Holy Week

MORIONES
Tuwing Mahal na Araw

Sa Marinduque naman ito.  Makulay na paggunita ng Mahal na araw kaya merong mga costumes at role-playing. 




FLORES DE MAYO
Mayo 1-31
Hmmm.  Meron na bang naging Reyna Elena o kaya COnstantino sa PB?  Alam ko meron ng naging Hermana at Hermano Mayor, pero ewan kung meron naging Reyna at Hari sa PB sa Flores de Mayo.






PIYESTA NG MGA KALABAW
Mayo 14-15
Sikat ito sa Luzon at pinagdiriwang sa tatlong pangunahing lugar: Pulilan, Bulacan; San Isidro, Nueva Ecija; at Angono, Rizal. 
  


PAHIYAS FESTIVAL
Mayo 15
Bukod sa piyesta ng kalabaw, ang Pahiyas festival sa Lucban, Quezon ay pagdiriwang sa paggunita sa patron ng mga magsasaka - si San Isidro.  Ang piyesta ng Pahiyas ay naging piyesta ng pansit at kiping.  (alam nyo yon?)

 



PIYESTA SA OBANDO
Mayo 17-19

Di na kelangang i-explain dahil alam na natin ito, lapit kasi ng Obando sa Malabon.  Ito po ay piyesta para sa mga patrong San Pascual de Baylon, Santa Clara at Our Lady of Salambao.
Sino po sa PB ang nagsayaw sa Obando?




Date: Third week of August


KADAYAWAN
Ikatlong Linggo ng Agosto
Eto naman ang Thanksgiving piyesta ng Davao.






PENAFRANCIA FESTIVAL
Ikatlong Sabado at Linggo ng Setyembre

Eto ang fiesta sa Naga, Camarines at buong Bicol Region.  Fluvial celebration ito ibig sabihin sa tubig.  Kaya lang parang ang dalas naman na merong na-a-aksidente sa prosesyon ano?




Date: 3rd weekend nearest to 19th October

MassKara Festival
Linggo malapit sa ika-19 ng Oktubre

Parang pyesta ito ng pagsasayaw na giangawa sa Bacolod City sa Negros Occidental.  Kasi contest ito e, pagalingan sumayaw at pagalingan ng costume.


Date: 23rd November

Higantes Festival
Nobyembre 23

Ginagawa ito sa Angono Rizal bilang paggunita sa patron na si San Clemente.  Recently, nagiging tourist spot ang Angono pag  Higantes festival.  Di ko nga alam na religious pala ito, at para pala kay Saint Clement ito.  hehe.

 

Naku dami pang fiesta sa Pilipinas, merong Pistay Dayat sa Pangasinan, Lanzones Festival, Kalimudan sa Sultan Kudarat, Pagdiriwang ng mga Igorot, Pintados, Piyesta ng Putik, Turumba (sa Pakil), Maleldo (sa Pampanga).  At maraming-marami pa. 

6 comments:

ayo said...

kami ni Siony nagsayaw sa Obando nung 5 years na kami kasal pero wala pa baby. dami artista dun gaya ni Giselle Sanchez na 10 years din bago nagka-baby tulad namin.

Anonymous said...

maraming salamat dito!!! Keep up the good work. Malakingang naitulong nito sa assignment ko. Yeheeeeyyyy!!:D

Anonymous said...

thanks po ang laki nang tulong nito sa project ko,thanks talaga ng marami.

Unknown said...

san po dagdagan pa ng konti

Anonymous said...

Thanks din dito matataasan ung grades ko kay ma'am. hahahah :D

Unknown said...

asan yung niyugyugan festival