Most likely mag-co-commute ka, kasi ang hirap ng parking. So sasakay ka ng tricycle mula Santan hanggang MCU. Buti nga ngayon meron ng dumadaan na tricycle sa tapat ng compound, at least di ka na maglalakad hanggang kanto sa kainitan.
Pagkatapos, sasakay ka ng jeep papuntang Sangandaan. Pag minalas-malas ka, e halos isang oras ang iintayin mo bago mapuno ang jeep. At dahil ang init, nanggigitata ka na habang sinasamyo ang halimuyak ng kasama mong pasahero na init na init na rin. Sabagay mas gusto mo na sigurong nakahinto ang jeep bago ka sumakay. Kasi malamang me dala kang bulaklak sa kanang kamay at kandila at mga baon sa kaliwa, baka masubsob ka pag biglang paandarin ni manong.
Dahil nga traffic, ni-re-route ang daan papuntang sementeryo. Ibig sabihin, malayo-layo ang lalakarin mo. Haaay ang init-init so pawisan kang naglalakad. Pag minalas-malas naman ay uulan, at magiging putik ang dadaanan mo. Ang kapit sa bag at ipit sa wallet ay ganun na lang dahil maski maraming pulis, naglipana ang mga mandurukot sa paligid-ligid.
At pag asa sementeryo na, simula na ang live maze. Kasi nga di ba sobrang sikip na duon. Actually di ka na kasya pag di ka tumagilid. Tapos may mga nicho pa na di nalilinis, so pinamumugaran ng mga langaw at insekto. Iyong ibang lugar naman, putikan dahil sa ulan kinagabihan. Sa kalagitnaan, kelangan mo ng malaking hakbang para makarating sa kabilang banda - di ba bawal tapakan ang nitso?
At pagdating mo dun sa looban - fresh air! fresh na fresh talaga, dahil parang amoy ng sariwang sama ng loob. Syempre ang Nov 1 ay araw ng tukneneng at squid balls. So isasawsaw mo ang dalang pagkain sa halimuyak ng Sangandaan cemetery.
Yan ang shortened version ng ating pakikipagsapalaran taon-taon tuwing Nov 1. Pero aminin mo na, na-mi-miss mo pa rin ano?
5 comments:
korek ka dyan Ido, talagang nakaka miss din ang pagpunta ng panchon kasi may 5 na taon na yata akong di nakakapunta don... pero pag napaaga ang balik ko ngayon sa barko (hindi pa nga nakakauwi eh) baka nxt year hagip ko n ang araw ng patay, pasko at birthday pa! yahooooo!
korek kayo tito ido at tito boyet...nakakamiss talaga! may 10 years na akong di nakasama sa pagpunta dun. at baka matatagalan pa bago ko masaktuhan un!
Isa sa mga tradisyon ng PB ang pagpunta sa panchon kapag Nov1. Alam ko na important sa mga nasa abroad na PBs ang naganap kanina sa sementeryo, kaya on my little way, i'd like to give you an update.
1.) Pinakamaaga sa sementeryo sila Nanay,Par,bhogs,kevs, aixs at kriza.
2.) Sumunod na kami,Jay-E,Andrei, Tsong at Tsang.
3.) Next, Auntie, Edet,Ate,Diche, Lolliput, Jim at Sister Vicks.
4.) Jorge at Helen
5.) Dumating din sina Egay at Dang.
Kwentuhan. Mostly ang topic ang election sa hapon. Tawanan, syempre, naduon ba naman si Jorge, Edet at Egay, syempre hagalpakan na naman. Kahit walang kwenta, basta tumawa ka na lang.May mga pictures pala na kuha si Jim at edet.
Nagdasal with sis.vicks at nag-uwian na. Ako, kahit na 'di tinuro sa amin to practice yung mga ginagawa sa panchon e sumasama na rin ako kasi naging tradisyon na ng PB(parang reunion) at pag-alala rin sa mga nauna ng PB.
Yet, thanks sa update at saka congrats sa pagkakapanalo mo bilang presidente ng PB for the coming year 2012!!! deserving ka naman maging officer kasi active ka lagi pag may okasyon tayo sa PB!!! at dahil sa update mo sa akin at presidente ka pa at nag b-day ka noong wala ako kaya pag uwi ko ay may regalo ka sa akin!!! oks ba?
boyet,
salamat sa message mo. lumalakas ang lalo ang loob ko, alam mo naman, di biro ang maging PB pres.In-add na rin kita sa FB Pamilya Banal account kahapon kaya pwede ka na ring sumubaybay duon. may mga news din duon pag di makapag-blog si tito ido o kaya may mga immediate questions.
salamat ulit!!!nag-iisip nga rin ako paano kami mag-fund raising para maka-add sa budget sa Pasko. bigla kong naisip ang mga PB na nasa abroad.
Kaya, to all PB na nasa abroad (Tes,Boyet,Petite,Evot,Cha,si che,nag-aaral ata pero pwede): You are all welcome to pledge any amount para sa fund raising at umasa naman kayo na gagamitin natin yan sa lalo pang ikakasaya ng mga happenings ng PB this year at kung sosobra e sa next year.
salamat ulit!
Post a Comment