SPEECHES
Ininvite po namin ang 2 guests from Standard Insurance to say something about Tita Edith. Eto po si Mr. Espejo. Hmmm. kamag-anak kaya siya nila Tita Bhogs?
at si Ms. Letlet, na ang tawag kay Tita Edith ay Elizabeth.
As always, Ditse is the first PB to deliver a speech. At as always, nagpasalamat na naman siya sa lahat ng guests na dumalo, hmmm, para siyang may bertdey hehehe. Pero maikli ang speech ni Lola Ditse this time. Ditse, gusto raw po malaman ni Tita Yet kung ano ang laman nung kahon. hahaha.
Mataas ang expectation ng PB kay RapRap at sa kanyang speech. And he delivered. Sobrang taas ng expectations nalagpasan pa nya. Ang galing mag-deliver ng speech ni RapRap. Very good job Rap!
Next was Tita Ate who delivered her speech on behalf of 2G. Dinaan nga niya sa tula - na ang pamagat ay Pinsan. With matching frame, that also served as a gift.
Representing the siblings, si Tito Egay naman ang nag-speech. Nag-focus ang speech ni Tito Egay sa Fiesta at ang kahulugan nito para sa mga PB.
Dapat e may ipapalabas ng video, pero nagkaroon ng delay umandar, so tinawag natin si Tito One para mag-speech. Ang introduction ni Tito One, "maikli lang po ang speech ko hindi katulad ng kapatid ko na ang haba ng speech di naman maintindihan". hahaha.
After the speeches, ipinalabas naman ang mga videos. Iyong isa gawa ng Standard - bumati ata halos ng lahat ng empleyado ng kumpanya hehe. Some of the videos were really creative and entertaining.
Next naman ay ang mga PB abroad. Una ay ang video ni JC. Nakakapagsalita na pala siya, at Tagalog! Next naman ang masayang video nila Tita Tetes. Tig-i-tigisa silang bumati ng Happy Birthday sa ibat-ibang salitang Pinoy - Ilocano, Bisaya, Chavacano at shucks an nga ang isa? I forgot. Tagalog po ba? Ang matindi, aba naka-costume din sila ng pang-Pinoy fiesta. Astig! Very creative at enetertaining.
Tapos ang tula ni Tita Che-Che. Na tungkol sa pagiging pinsan. Pero nung huli, parang nanghingi siya ng pila. Ano ba yun, para lang si RapRap. hehe
FINAL PRESENTATIONS
At ang 2nd to the last presentation ay ang performances ng magkakapatid. Ginaya nila ang mga performances ni Tita Edith over the years. Eto si Karen na nagsayaw ng Big Spender.
Si Camae naman at Kathleen ay nagsabay kumanta ng Bonggahan
at eto si Kathleen na emote naman din pala sa pag-perform
After ng performances nila, nag-"speech" sila. Sorry wala po akong maalala sa sinabi nila kung hindi I Love You Mama. hahaha. Ano nga ba sinabi nyo?
Last part ay ang suprise presentation ni Tita Edith. Tignan mo nga naman ang may birthday na ito, nag-perform pa. Waray-waray ang kanyang number, kaya ganyan na lang ang pag-emote niya.
After ng kanyang individual performance, nag-speech na si Tita Edith. Nagpasalamat siya sa mga guests at sa buong PB. Ay hindi po siya naiyak buong program.
Mga 10:40 na ata natapos ang program. After nun nagsayawan ang mga PB Boys. Kami naman ay nagkainan ng cupcakes. Ang mga iba ay nagbihisan na. Ang ibang kids ay natulog na.
Ayun, ang golden fiesta party ay natapos na rin.
No comments:
Post a Comment