Warning: alam nyo naman pong walang nakakaligtas sa PB Blog. So puwede po ba mag-ayos-ayos na para sa birthday ni Tita Edith. Isang linggo na lang kasi. Ewan nga ba kung bakit may nag-papa-okray pa e paulit-ulit lang naman ang panlalait: 1) Damit o Costume 2) Speech at 3) Presentation
1) DAMIT
nakakatakot ang costume para sa Fiesta party na ito ha. Kinakabahan ako na yung iba baka magmukhang mananampalataya sa paa ng Bundok Banahaw - alam nyo yong damit nila? hahaha. At yong mga lalaki naman baka magmukhang magsasaka o kaya yung umaakyat sa puno ng niyog para kumuha ng tuba.
Ang tip ng PB Blog: Kung nadadalian kayo sa costume nyo, puwes malamang PANGIT yon! hahaha. Puwede paghirapan naman ng konti.
2) SPEECH
Pang-limang 50th bday na natin ito, so utang na loob naman, mag-practice na. Merong mga taong pinanganak na magaling magsalita. Pero wala ata sa PB nun e, lahat tayo effort magsalita. So ang tanging solusyon diyan e mag-practice.
Isipin nyo na lang na anytime, puwede tayong tawagin para magsalita. So puwede mag-isip na ng sasabihin. At huwag yong "Happy Birthday na lang wala na akong masabi" o kaya "Nasabi na nilang lahat". hahaha
3) PRESENTATIONS
Alam naman ni Tita Edith na may presentations, e di ba nga sa bahay pa niya tayo nag-pra-practice hehe. Pero feeling ko OK ang mga presentations, kasi dito naman malakas ang PB. Mukha mang suman sa labas ng simbahan ng Antipolo ang damit, at "hello, hello mike test" ang speech, lagi namang OK ang presentation. Pero practice pa rin at performance level please.
You had been warned.
No comments:
Post a Comment