Di kelangang maging matalino para mapagkamalang matalino. Maraming puwedeng gawing strategy, lalo na kung kasama mo ang mga kaibigan mong nagkakape o kumakain o kaya nag-iinuman. Alangan naman kasing mag-IQ test kayo o kaya magtanungan ng Captital ng bansa, o scientific name ng mga hayop at bulaklak sa Starbucks o kaya sa Gerry's Grill.
Para magmukhang matalino, eto ang Part 1 ng mga tips natin.
Tandaan na ang mga matalino ay feeling matalino. At ramdam na ramdam nila yan. So kung gusto mong magmukhang matalino, kelangan mong 1) Relax at 2) mag-feeling matalino. Isa pa gusto ng mga matalino na kokonti lang sila, so mahilig silang magsabi ng mga bagay-bagay na kokonti lang ang may alam. Minsan sasadyain pa nila yan at sasabihin sa yong: "Ay di mo alam yan?".
Paano Magmukhang Matalino Part 1 (lalo na kung hindi) - Movies and TV
1) Kung gustong magmukhang matalino, please huwag nyong aaminin na nanonood kayo ng palabas ni Willie. Kasi nga maski merong mga matatalino na nanonood nuon, hindi nila aaminin yon in public.
2) Sabihin nyo na nanonood kayo ng Big Bang Theory. Marami kasing matatalino na nagsasabi na gustung-gusto nila yon, ewan lang kung totoo. Sabihin nyo lang: nakakatawa si Sheldon ano? at saka saan kaya mabibili iyong Sheldon Shirt folder? OK na kayo! tatakbo ang usapan ng 1 minute, tapos ibahin nyo na ang topic. Tatatas na ang talino value natin nyan.
3) Sabihin nyo na paborito nyo si Chris Nolan. Ang mga matatalino bihira nilang aaminin na may gusto silang artista. Lagi nilang sinasabi ang Director ng pelikula. Feeling matalino nga e.
Pag hiningan kayo ng example, puwede nyong sabihin na "Grabe yong sa Dark Knight di ba, yung sa ferry scene, naalala ko tuloy ang puzzle, sobrang galing".
Iyon lang ang kelangan nyong sabihin. Kung nagpapanggap din na matalino ang kausap ninyo, di naman niya aaminin na hindi niya naintidihan. At kung hindi naman nya naintidihan, ah sabihin nyo na lang na "Ah, sorry, di mo pala na-gets yon". Tapos change the topic na kayo.
Simple lang di ba? Remember, Big Bang Theory sa TV at Chris Nolan sa pelikula. Good Luck!
No comments:
Post a Comment