Aba'y grabe naman pala itong si Tita Edith mag-birthday stressed na stressed. Hindi na lang mag-relax. Haha. Nag-ma-makeup pa siya ng mga 5pm - pero gusto na niyang magsimula. Sabagay baka naman nga umulan. Pero gusto na niyang simulan ang program maski hindi kumpleto. Well kasi rin naman nagbabanta ang ulan.
So mga bandang 5:30, nagsimula na ang palatuntunan. Kung alin ang di masyadong prinactice eto pa ang nag-end na isa sa mga pinaka-BONGGA. Ganito po ang nangyari:
Tumugtog ang MOSIKO ng Happy Birthday. Tinawag ang Hermana Mayor at Ginintuang Binibini. Mula sa 2nd floor, bumaba si Ate Edith sa hagdan at sinalubong ng confetti at lusis, at hiyawan at palakpakan. Habang asa ikaapat na baytang ng hagdan, huminto si Tita Edith para panuorin ang parada.
Sa saliw ng awit mula sa MOSIKO, nagsimula ang Parada.
Kadayawan - sila Par, Tita Bhogs and family ito. Very colorful, kumpleto ang props na bilao, pomelo, basket. Ang ganda ng costumes nila sa personal.
Masskara - sila Ditse, Lola Maam naman ito. Makulay din ang mga maskara at costumes. Well-represented naman ang grupo from the age of 1.5 yrs old to 85 years old
Santacruzan - ampopogi naman, at ang gaganda ng grupo nila TIto Jim at Tita Vangie. Ako'y na-shock at namangha, dahil pang-beauty pageant ang level nila
Pahiyas - impressed naman ako sa grupo nila Tiyang, Tito Jorge, Tita Yet and family, both sa props at costumes. makatotohanan ang mga pananim nila at sosyal na sosyal ang dating. Mahusay ang Pahiyas group
Pista ng Ilaw sa Batangas - inanyayahan din namin ang mga taga-Standard na sumama sa parada. At game naman sila. Habang pumapaparada sumayaw pa.
Pista ng Lechon - sobrang cute ng grupong nila Tita Rhoda. The best ang lechon nila, puwede talagang kainin! you have to see it.
Moriones - ang grupo nila Tita Eyan at Tito One ang nanga-reer sa costume ng mga Moriones. Grabe talaga, at sobrang exag sa creativity ng mga damit nila.
Katipunero - charming naman ang arrive ng mga makaubuluhang mamimiyesta na sila Tito Egay, Tita Dang and Family.
Panagbenga - makulay at mabulaklak na outfit naman ng pamilya nila Lolipot. At tamang tama bilang finale, dahil kumpleto pa sila with tarpaulin
9 na fiesta pala ang na-cover ng parada. Maiikli lang kasi ang marcha tapos very smooth din ang flow - baka kaya naging OK. Exciting at kapanapanabik.
Kung hindi man ito ang MAJOR MAJOR HIGHLIGHT ng gabi, malamang Top3 ito. Totally unexpected kasi, at yon lang bigla-biglang maayos, walang mali, walang aberya, walang delay. Para talagang pinagtiyap ng tadhana ng magsabay-sabay ang lahat para sa Welcome Parade for Tita Edith.
No comments:
Post a Comment