Showing posts with label Pinoy. Show all posts
Showing posts with label Pinoy. Show all posts

Wednesday, January 11, 2012

No Visa Required for Pinoys

Maraming Pinoy ang nagugulat pag sinasabi ko sa kanilang hindi kelangan ng visa sa Brazil.  I mean, kung tourist ka at mananatili ka duon ng di naman matagal.  Madalas, kelangan ko pang ipakita ang passport ko para ipakitang wala akong visa for Brazil pero maraming Immigration entry or exit.


Stone Waterfalls Surfing in Paraty, Brazil (300+ km from Sao Paolo, Brazil).  November, 2000.


The one with the Orange shorts.  =). 
 

About to skydive @ Ipanema Beach.  Rio de Janeiro, Brazil.  January, 2001
(Of course I had a cigarette on my right hand.  Ikaw na tumalon jan!)




Kinukuwento ko pa na ang mga Pinoy sa Brazil sa "fast lane" nakapila.  At iyong mga Americano dun sa mahabang pila, hehe.  Meron kasing reciprocity policy ang Brazil.  Ibig sabihin kung pinapapasok ang mga citizens nila sa mga bansa na di kelangan ang visa, di rin nila ni-re-require ng visa ang mga tao dun.  Fair lang.





Very useful ang website na ito: http://twentyfive.hubpages.com/hub/Visa-Exemption-for-Filipinos

Cinut and paste ko ang listahan ng mga bansang inilista nito na di na kelangan ng visas para sa mga Pinoys.


No Visa Required for Filipinos in the Following Countries


Asia

ASEAN (Association of Southeast Asian Nations)

•Brunei Darussalam - 14 days

•Cambodia - 21 days

•Indonesia - 30 days

•Laos - 30 days

•Malaysia - 30 days (sufficient fund must be at least 500USD)

•Singapore - 30 days

•Thailand - 30 days

•Vietnam - 21 days

Non- ASEAN

•Azerbaijan - 30 days visa issued upon arrival

•Taiwan - 30 days if holding a valid visa for Australia, Canada, Japan, New Zealand, Schengen countries, United Kingdom or United States. Check at https://nas.immigration.gov.tw/nase/ to meet the requirements.

•Georgia – 90 days visa issued upon arrival, 360 days visa free to those who have temporary residence of Qatar, Oman, Bahrain and Kuwait

•Hong Kong - 14 days

•India - 30 days visa issued upon arrival

•Iran - 15 days visa issued upon arrival if holding an e-visa pre-approval code obtained via email from the Ministry of Foreign Affairs at www.mfa.gov.ir

•Israel - 90 days (3 months)

•South Korea (if arriving at Jeju Island only) - 30 days

•Macau - 30 days

•Maldives - 30 days visa issued upon arrival, extension of maximum 90 days is possible by paying MVR 750

•Mongolia - 21 days

•Nepal - 15/30/90 days visa issued upon arrival for around US$25/40/100

•Sri Lanka - 30 days visa obtain upon arrival if holding Electronic Travel Authorization (ETA). You can get this prior to arrival at www.eta.gov.lk

•Timor-Leste - 30 days single entry visa issued upon arrival for around US$30, extension is possible up to 90 days


EUROPE

•Kosovo - 90 days



Oceania


•Cook Islands - 31 days

•Fiji - 120 days Visitor's Permit issued upon arrival and can be extended

•Marshall Islands - 30 days visa issued upon arrival and can be extended

•Micronesia - 30 days

•Niue - 30 days

•Palau - 30 days visa issued upon arrival, additional USD 50 for extension

•Samoa - 60 days Visitor's Permit issued upon arrival

•Tuvalu - 30 days visa issued upon arrival

•Vanuatu - 30 days


NORTH AMERICA

•Costa Rica - 30 days Visitor's Permit issued upon arrival

•Dominica - 21 days

•Haiti - 90 days

•Nicaragua - 90 days visa issued upon arrival

•Saint Lucia – 6 weeks Visitor's Permit issued upon arrival

•Saint Vincent and the Grenadines - 30 days visa issued upon arrival

•Turks and Caicos Islands - 30 days


SOUTH AMERICA

•Bolivia - 90 days

•Brazil - 90 days

•Colombia - 90 days

•Ecuador - 90 days

•Peru - 183 days

•Suriname - 90 days

AFRICA

•Burundi – 1 month visa issued upon arrival

•Cape Verde Islands – visa issued upon arrival around £ 25

•Comoros – visa issued upon arrival

•Djibouti – 1 month visa issued upon arrival

•Gambia – visa issued upon arrival

•Kenya - 90 days visa issued upon arrival for US$50

•Madagascar - 90 days visa issued upon arrival for MGA140,000

•Morocco - 90 days

•Mozambique - 30 days visa issued upon arrival. Extension of 30 days is possible around USD 66

•Saint Helena - visa issued upon arrival

•Seychelles – 1 month Visitor’s Permit issued upon arrival if holding return ticket, sufficient funds (minimum USD150 per day of stay, and proof of accommodation)

•Tanzania - visa issued upon arrival for around USD50 to USD200

•Togo - 7 days visa issued upon arrival if with return ticket, 3 passport photos, and yellow fever vaccination certificate

•Uganda - visa issued upon arrival for US$50

•Zambia - 90 days visa issued upon arrival for USD 50/80/160 single/double/multiple entry

**UPDATED and CHECKED: January 3, 2012

**Information is intended for tourist visit purpose only
**Sources: International Air Transport Association (IATA), Qantas, Wiki, Visalink, VisaHq.ph

Saturday, July 9, 2011

Walang Hustisya

Wow, just recently learned these:

Post-teen na artistang lalaki - kotse ay Jaguar.  Nagkakahalaga ng 2.8 Million Pesos
Young actor na dating sikat - sasakyan ay nagkakahalaga ng 1.8 Million Pesos
Young star-search actress - 2 sasakyan:  isang SUV na 2.2 Million at isang Luxury Car na 1.9 Million Pesos

Grabe naman.  Ako lang ba o tingin nyo may mali dito?   Mga bagong artista - di naman marunong umarte, di marunong sumayaw, di marunong kumanta.  Pero sobrang yaman.   Samantalang ang daming magagaling at masisipag na Pilipino na di makabili ng sasakyan, marami ngang di nakakakain ng regular.

Di naman ako against sa pag-aartista.  Mahilig din akong manuod ng TV at mga pelikula.  At hanga rin sa magagaling na artista, direktor at manunulat.  Pero marami sa magagaling na artista di rin mayaman. 

Baka meron tayo puwede gawin?   Bawasan ang pagtangkilik ng mga palabas ng mga artistang ito.  Huwag bumili ng produkto na ineendorso nila.  Bawasan ang panonood ng mga pelikula nila, iyon na lang may kuwentang pelikula ang panoorin.  Lalo na nung mga artistang kulang sa talent at may xeropthalmia.

Sana balang araw magkaroon ng hustisya sa kaperahan.  Sana makabili ng sasakyang gusto nila ang mga teachers na nagtuturo ng 20+ na taon, ang mga negosyanteng may pagpapahalaga sa kalikasan, ang mga batang masisipag at matatalino, ang mga seaman na nagsasakripisyo at mga OFWs na tumutulong sa dollar flow ng bansa.

Wednesday, July 6, 2011

Lamay

Tuwing may lamay sa ganap na 7pm, magsisimula ng magpakain.  Pag tungtong ng 8pm naman merong misa.  Tatagal ito ng 45 minutes.   Pag 10pm na magsisimula ng magbigay ng kape at biskuwit o kaya naman siomai (kung sosyal) at puto.  Medyo predictable ano?

Paanong lamay ang gusto ninyo para sa inyo?   Kung ako tatanungin:

#1)  Wala sigurong misa dun sa lugar ng lamay.   Meron namang simbahan, mag-schedule na lang dun.  Yung mga gustong magsimba, e magsimba.  So sana walang misa dun sa lamay mismo.

#2)  Instead of mass, parang gusto ko ng joke joke joke portion.  Wala na lang eulogy, baka kung ano pa sabihin ng mga tao.  Sana lahat ng PB mag-joke - para masaya, pati mga bisita.  Pag walang joke, wag ng pakainin ng siomai  hehehe

#3) OK ang coffee, pero sana walang biscuit.  Tasty with peanut butter, masarap yun.  Pero sana walang mag-serve ng kanin - ang jologs naman kung may ulam pa sa lamay.

#4)  Cremation  na lang para good for the environment.

#5)  Sana 3 days/nights lang ang lamay baka maubusan kayo ng joke e.

#6)  OK lang ang bulaklak, magandang tignan.  Huwag na kayong mag-mass card ha, bili nyo na lang ng bulaklak.  Or bigay nyo na lang ang pera kay Ma.

#7)  Puwede ba kayong maglagay ng scented oils.  Para siguro di mag-amoy patay ang lugar.  Pag scented candles naman, amoy usok.  Ang arte ano ba ito!

#8) So sana masaya ang lugar ha, OK ang magtawanan basta wag magbulahaw ng iba.  Pero please lang, huwag naman kayong mag-videoke.   Baka may kumanta pa ng Alive, Alive.

#9)  Sugal?  OK lang.  Kaso kung sa sosyal na lugar, bawal talaga sugal dun.  Bawal din ang inom.  So malamang wala. 

Iyon lang.   Sabagay, kung patay ka na, di mo na malalaman kung ginawa ba nila sa iyo ito o hindi.   So actually wala ka namang magagawa...kundi mag-wish.  =)

Tuesday, July 5, 2011

Patay

Mga 3 beses akong nagpunta sa Loyola Memorial park in the past 2 months.  Not good.   Kagabi, nagbalik na naman kami dahil namatay ang father ng isang very good friend.   Andun pa nga si Mayor e.

62 years old lang, bata pa.  Di nagyo-yosi.  Di umiinom.  At ito pa, habang nag-te-tennis, na-stroke siya.  Bumagsak na lang bigla sa tennis court una mukha.  Regular tennis player siya - every Sunday morning naglalaro sa PCA sa may Manila.   Indeed death is the greatest equalizer.  Mayaman, mahirap, athletic o hindi.  healthy o hindi.   Mahirap i-explain. 

Sabi ng mga tao: sobrang bait daw nyang kaibigan, responsible father and husband, successful businessman, at magaling na tennis player.   Malamang puro positive ang sasabihin ng mga tao, kasi lamay nga di ba?  alangan namang puro kasamaan.  Pero still, sobrang gaganda naman ng mga sinabi ng mga tao. 

Kayo, ano gustong sabihin ng mga tao sa lamay tungkol sa inyo?