Tuesday, July 5, 2011

Patay

Mga 3 beses akong nagpunta sa Loyola Memorial park in the past 2 months.  Not good.   Kagabi, nagbalik na naman kami dahil namatay ang father ng isang very good friend.   Andun pa nga si Mayor e.

62 years old lang, bata pa.  Di nagyo-yosi.  Di umiinom.  At ito pa, habang nag-te-tennis, na-stroke siya.  Bumagsak na lang bigla sa tennis court una mukha.  Regular tennis player siya - every Sunday morning naglalaro sa PCA sa may Manila.   Indeed death is the greatest equalizer.  Mayaman, mahirap, athletic o hindi.  healthy o hindi.   Mahirap i-explain. 

Sabi ng mga tao: sobrang bait daw nyang kaibigan, responsible father and husband, successful businessman, at magaling na tennis player.   Malamang puro positive ang sasabihin ng mga tao, kasi lamay nga di ba?  alangan namang puro kasamaan.  Pero still, sobrang gaganda naman ng mga sinabi ng mga tao. 

Kayo, ano gustong sabihin ng mga tao sa lamay tungkol sa inyo?

No comments: