Monday, July 25, 2011

Job Interview

Sabi ni PNoy sa SONA nya, bumaba ng 0.8% ang unemployment sa Pilipinas mula Jun 2010 hanggang sa kasalukuyan.  Ito ay lagpas 1 Milyong Pilipinong nagkaroon ng trabaho.

Last month, kausap ko nga ang mga fresh college grad sa isang University Forum.   Sabi nga nila, di nila problema ang paghahanap ng trabaho.  Ang problema nila ay pamimili ng trabaho.  Wow!  

Nagulat nga ako nung sinabi nila na hindi sila nag-pra-practice para sa Job Interview.  Dahil sa dami ng mga kumpanyang nag-i-interview sa kanila.  Yun na raw ang practice nila.  Sabi ko, napakasuwerte nila at nasa panahon sila na marami ang trabaho.

Una kong job interview halos 2 dekada na ang lumipas.  Dati pag nagkaroon ako ng 2 interview sa isang linggo, suwerte na.  Minsan buwan ang hinihintay ko para ma-interview.   At sobra talaga ang preparasyon.  Papahiramin ako ng damit ni Tito Jorge, Tito Par at Tito Egay.   Tinuruan pa akong magkabit ng kurbata ni Tito Egay.  At si Tito Egay din ang nag-practice sa akin sa interview.  Ano ba ang mga tinatanong, at paano ba sagutin.  At syempre sobrang strikto ni Tito Egay maski practice. 

Ibang iba na talaga ang panahon maski sa paghahanap ng trabaho. 

No comments: