Monday, July 18, 2011

Judy Ann

2 tables din ang mga bisita ni Tita Yet - classmates from HighSchool, galing Church at mga dating kasama sa trabaho sa Mead Johnson.  5 tables naman ang buong PB.

In between the magics and the presentations, hinigan ng speeches ang mga guests at mga taga-PB.  Nag-speech iyong pastor - at syempre magaling magsalita.  Sabi niya, ang magandang pamilya ang nagiging pundasyon ng magandang pamyanan.  at ang magandang pamayanan ang nagiging magandang mabansa.  In summary, lahat nagsisimula sa magandang pamilya. Ang ganda di ba?  Tapos nagpray-over siya.

Isa sa mga special guests ay si Sr. Vicky.  4 sa nakaraang 5 PB Golden parties ang na-aattendan niya.  So nag-e-effort talaga siyang makapunta.  Nag-speech din siya at nagsalita tungkol sa pag-iiba ng landas ni Tita Yet sa kanya =).  Pero binawi naman niya ito at nagsabi na OK lang yon ang mahalaga e masaya at matibay ang pananampalataya (parang ganunn ata hehehe).

Inferness ha, OK ang speech ni Tiyong maikli at kakatawa.  Sobrang nakakatawa iyong joke niya nung sinabi nyang si Tita Yet ang pinakamabait nyang anak.  Hahahaha.  Hahaha.  Hahaha.  Hahaha.  Halos magpagulong-gulong ako sa kakatawa.  Hahaha.  Hahaha.  Hahaha.

And of course si Tiyang na ang next nag-speech.  Pinasalamatan niya ang mga guests, si Lolipot na nagtahi ng mga damit at nagpakain sa mga nagpra-practice, kay Tita Edith na punong-abala at nagbigay ng ice cream, ang mga ka-PB na tumulong para sa party.  Nagpasalamat din siya sa mga 1G, sa mga 2G, at mga 3G na rin.  Kinuwento rin niya ang package na iPod na natanggap niya thru DHL na ayaw pa niyang tanggapin etc etc.  Naku, nalimutan ata ni Tiyang na di siya ang may bday =).

And finally, nag-speech na si Tita Yet.  Basically, inulit lang niya ang mga sinabi na ni Tiyang.  hahaha.  Nagpasalamat siya sa mga tumulong para matuloy ang bday party niya.  Sa mga dumalong kaibigan at kapitbahay.  Ang kakabilib pala kay Tita Yet, meron siyang Judy Ann Santos tendency.



9:43PM - masayang nagkukuwento tungkol sa party preparations


9:44PM - tuloy ang sigla na pagsasalaysay ng coordination for her party



9:45 - aba bigla-bigla naiyak na siya


9:46 - waterfest na po.  Nung nagkwento siya tungkol sa mga kapatid niya e naiyak na talaga siya ng tuluyan


9:47pm - eto at mega-emote na si Tita Yet ng tuluyan, at umiiyak sabay nagsasalita




No comments: