Bad news all over the world ngayong weekend.
Una, lagpas 90 katao ang napaslang sa Norway. Nagkaroon ng 2 attacks. Una ay ang pagpapasabog ng bomba sa Regjeringskvartalet, nandito ang executive government quarter. Ang pagsabog ay pumatay ng 7 tao. Ang pangalawang atake ay nangyari makalipas ang 2 oras sa isang Youth Camp. Isang taong nagpanggap na pulis ang nag-open fire sa mga campers at pumatay ng 85 kasali sa camp.
Kagabi lang, tinalo ng Kuwait ang Philippine Azkals 3-0, sa 1st leg ng 2nd Round of the Asian World Cup Qualifiers. May 2nd leg pa sa Huwebes na dapat ipanalo ng Azkals with 4 goals difference.
Kahapon, natagpuang patay ang Grammy Award winner na si Amy Winehouse
Si Amy Winehouse ay British pop-rock superstar. No.1 ang album niya na Back to Black nung 2009. Siya ay 27 years old. Kabilang na siya sa tinatawag na 27 Club, mga rock superstars na namatay sa edad na 27.
Kabilang dito sina Brian Jones, ang nagtatatag ng Rolling Stones. Si Janis Joplin. Ang no.1 guitarista na si Jimi Hendrix. Ang vocalist ng the Doors na si Jim Morrison. At si Kurt Cobain ng Nirvana.
2 comments:
na deskaril din ang "bullet train" sa china. dami din patay ang injured. tsk tsk
oo nga.
at saka yung sinkhole na naman.
malapit na ang 2012.
Post a Comment