Naka-book na si Tita Bhogs ng flight. Mauuna sya sa atin by an hour ata, hintayin na lang daw niya tayo sa airport.
Nag-book na rin ng room si Tita CheChe, para may sure room tayo. Bale 3 rooms na pang-dalawahan at 3 rooms na pang-tatluhan. Tapos dibay-dibay na lang natin. Lumalabas na 7,500 per person for 3 nights. Pero tumatawad pa si Tita Che-Che, so advise namin kayo kung anong final result sa price.
Ang hotel ay Hangout at Mt. Emily. Parang YMCA ang dating pero mas maganda. Eto ang advantages at disadvantages:
+
+ Malaki ang room para sa presyo. Puwedeng gumulong ng 3 beses sa kama. Di parang hospital.
+ Free Breakfast
+ Sosyal mga kasama. Mas mababango naman
+ OK ang tambayan sa roofdeck. Pangmayaman.
+ 10 mins away from Orchard Rd. at 10 mins away from Little India
+ Free Internet Access
-
- Asa bundok ito (kaya nga Mt. Emily e hahaha. So medyo challenging ang pag-akyat. Mag-exercise na
- Kaya from the airport sigurado tayong mag-ta-taxi (4$ per person or 120 pesos per person)
- Walang TV sa room, so magdala ng cards at ibang libangan.
Kung gustong makita ang mga pictures ng lugar eto ang website
http://www.hangouthotels.com/singapore/index.php
Pag ayaw ninyo nito, pakisabi na lang. Ang contingency plan natin (worst case) ay mag-stay sa Hotel 81 sa Geylang. Eto naman ang + and -.
Hotel 81 Geylang
+
+ Pinakamura sa lahat. Lalabas na 5,500 per person for 3 nights na yon
+ Laging may palabas sa kalsada - mga pokpok hahaha
+ May TV sa room
-
- Sobrang liit ng kuwarto. Kung paano kayo natulog ganun kayo gigising
- Mag-too-toothbrush habang naliligo, dahil sa liit ng banyo
- Di OK ang location, kaya mag-ta-taxi tayo lagi. Pero since 4$ lang naman ang taxi per person, di pa rin mahal.
- Di nyo puwedeng sabihin sa mga friends nyo na sa Hotel 81 kayo nag-stay hahaha
1 comment:
Book na natin yan!
Post a Comment